🏳️‍🌈Ch. 8

1.7K 48 1
                                    

Denise's POV.

Nagising ako na masakit ang ulo. Nag-inat muna ako bago nagkuskos ng mata, para magtanggal ng muta.

"Morning~" malambing na bati ni Yna. Dumilat ako at tumingin sa kaniya, naghahanda ng kape.

"Hmm. Morning" sagot ko naman.

"Magmumog ka na para makapag-almusal. Iinom ka pa ng gamot para sa hang-over." naupo ako.

"Anong oras na ba?" tanong ko.

Tumingin siya sa cellphone niya bago ako sinagot.

"9:40 am" sagot niya. Malapit na pala magtanghali.

Tumayo na ko at pumasok sa cr, para magmumog at umihi.

"Anong almusal?" tanong ko habang inaayos ang higaan ko.

"Pandesal tapos pritong itlog ang palaman. Tapos ito, kape mainit-init pa." umupo na ko sa upuan, sa study table at humigop sa kape.

"Saan ka nakabili ng pandesal?" kumuha ako ng isa at pinalaman ang itlog.

"May dumaan diyan kanina sa tapat" kumuha na rin siya ng pandesal at nagpalaman na ng itlog.

"Anong oras ka ba nagising?"

"Around 7" humigop siya sa kape niya, napatitig naman ako sa kaniya.

"Ang aga nun ah, wala ka bang hangover? Bakit ako kanina lang nagising? Anong oras ba tayo umuwi?" nagkibit balikat siya habang natatawa.

"Around 11, buti nga nakauwi pa tayo. Basta, gumising ako tulo laway ka pa." nakangising sabi niya, kaya hinampas ko siya sa braso.

"Grabe ka hindi ako ganun matulog ah!" sumimangot ako at kumuha ulit ng pandesal bago nagpalaman.

"Weh? Gusto mo makita yung picture?" nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.

"Picture? Anong picture? Pinicturan mo ko habang tulog?!" tumingin siya sa'kin nang natatawa at hindi sumagot.

"Ano nga?! Patingin. Nasaan phone mo?" luminga-linga ako para hanapin ang phone niya.

"Nasa bulsa ng pajama ko." humigop siya sa kape niya pagkatapos sumagot. Tumayo ako at pumwesto sa likod niya.

"Saan ka pu—" kinapa ko ang parehong bulsa niya, para hanapin yung phone niya.

"Wala naman e! Tsk." tinawanan niya ko.

"Joke lang naman yun. Di kita pinicturan." nakanguso akong bumalik sa upuan ko.

"Ano nga? Kapag yung phone mo kinalkal ko, delete agad yun."

"Alam mo password ng phone ko?" naghahamon na tanong niya. Mas napanguso ako at umiwas ng tingin.

"Hindi." maikling sagot ko at humigop sa kape ko.

"Poor baby~" nakangising sabi niya. Sinamaan ko naman siya ng tingin.

"Kapag nalaman ko lang na pinicturan mo ko malilintikan ka talaga. Tsaka hindi mo ko baby 'no!"

"Hindi nga kita pinicturan. Putulin mo pa daliri ko" napailing siya. Kumain nalang ulit ako at humigop sa kape ko.

"Tsaka anong sabi mo? Hindi kita baby?" hindi ako tumingin sa kaniya at humigop lang ulit sa kape ko. Ang sarap e, brown coffee. I heard her chuckle.

"Hindi pa" nakangisi siyang humigop ng kape at ako naman ay napatakbo sa lababo dahil nasamid ako!

"Gago k-ka!" umuubo-ubo pang sabi ko.

"Oh? Okay ka lang?" natatawang tanong niya.

"Gago. Mukha ba?" naghilamos ako at nilinis ang loob ng ilong ko, dahil sa ilong ko lumabas yung kape. Ang sakit puta. Mainit-init pa naman yun.

GirlxFriend [Girls' Love Series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon