🏳️‍🌈Ch. 11

1.5K 37 1
                                    

Denise's POV.

Napahinto kami sa pag-kain at napatitig nalang sa pinapanood.

"Tangina ayan na! Bilisan mo" pabulong na sigaw ko. Napapatakip ako sa mata ko dahil kinakabahan ako na baka mahuli siya ng killer.

"Huy kumalma ka. Bingi nga yung bida e" bulong sa'kin ni Yna.

Ngumuso ako at kumuha ng fried chicken bago kinain. Ako yung kinakabahan para sa bida.

"Okay! First movie, done! What time is it?" tumingin ako sa relo ko nang magtanong si Pia.

"Uhm.. 3:52 pm." sagot ko.

"Next movie?"

"A Silent Voice." suggest naman ni Yna.

"That's a good movie" komento naman ni Pia. Nag search siya at nang makita ang movie, pinlay na niya. Nakatutok lang kami sa pinapanood dahil may subtitle sa baba.

Nang matapos na ang pinapanood namin ay pinatay na ni Pia ang tv.

"Anong oras na?" napatingin ako sa relo ko nang magtanong si Pia.

"7:30 na pala?" gulat na sabi ko.

"Hala oo nga" sabi naman ni Yna pagkatapos tumingin sa relo niya.

"Atleast nag-enjoy tayo diba?" sumang-ayon kami ni Yna sa sinabi ni Pia, niligpit na rin namin yung mga kalat namin. Pagkatapos nun ay nagpaalam na kami para umuwi. Sabado ngayon, so hindi kami sa boarding house tutuloy.

"Hatid na muna kita, Den." suggest ni Yna.

"Huh? Pa'no ka? Malayo bahay niyo sa'min. Wag na"

"Sus. Sasakay lang e"

"Kahit na. Anong oras na oh, kaya ko na umuwi hmm? Kita nalang tayo bukas ng gabi" tinapik ko siya sa balikat, pero ngumuso siya. Mukhang ayaw sumunod sa sinabi ko.

"Tsk. Isa. Shanina ah, wag na makulit" mas ngumuso lang siya kaya napairap ako.

"Ayokong mahirapan kang sumakay doon sa'min. Baka mas gabihin ka pa lalo" tumango nalang siya at nagpara na ko ng taxi. Sumakay na kaming dalawa sa likod, mauuna akong bumaba bago siya.

"Grabe nabusog ako sa kinain natin doon. Ang dami e" sabi ni Yna.

"Sus, weak." mayabang na sabi ko.

"Wag mo sabihing magdi-dinner ka pa?"

"Siyempre 'no"

"Jusko ka, baka hindi ka na matunawan niyan ah." pagalit na may halong pag-aalalang sabi niya.

"Konti lang naman kakainin ko, grabe ka." ngumuso ako.

"Nagsasabi lang, baka masobrahan yung katakawan mo't hindi ka nanaman matunawan. Katulad nalang nung isang linggo"

"Siyempre binusog mo ko sa ice cream, tapos bumili ka pa ng burger. Then nagdinner pa tayo" naiiling na sabi ko.

"Ngayon ka pa nagreklamo e nailabas mo na" I crossed my arms over my chest.

"You're spoiling me"

"Yeah. And you love it by the way." napairap ako. Hindi naman siya ganito dati. Mas naging ganito lang siya simula nung umamin siya sa'kin, always buying us food especially for me. Hindi pa kami, pero ganito na siya kung makapag spoil. Wait, what?

"Oh? Natahimik ka?" kanina pa pala ako hindi nagsasalita.

"Huh? Wala, masama na bang tumahimik?" pilosopong tanong ko. Nagkibit-balikat siya.

"Depende" naguluhan ako.

"Anong depende?" kunot-noong tanong ko.

"Depende kung wala ka nang maibatong sagot"

GirlxFriend [Girls' Love Series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon