🏳️‍🌈Ch. 29 (M)

2K 33 0
                                    

(🚫RATED M is for mature content. Read at your own risk!)

Denise's POV.

Nandito kami ngayon sa Jollibee para kumain ng breakfast. Hinayaan ko nalang siyang mag-order, dahil libre niya naman daw.

"Masakit ba ulo mo?" tanong niya. Kumakain na kami dahil naihatid na agad ang order, at dahil wala pa namang masyadong customer.

"Kumikirot, pero kaya ko naman tiisin" umiling siya at may kinuha sa bag niya.

"Oh. Inumin mo pagkatapos kumain" sabi niya pagkatapos iabot sa'kin ang gamot.

"Nagbabaon ka talaga nito?" umiling siya.

"Sinadya kong baunin yan para sa'yo"

"Huh? E.. ikaw? Pa'no ka? Hindi ba masakit ulo mo?"

"Masakit. May isa pa naman akong baon na ganiyan" napatango ako.

"Akala ko hindi ka nagdala para sa sarili mo" she just chuckled at namayani ang katahimikan sa pagitan naming dalawa, kaya tahimik lang kaming kumain.

"Uhm.. can we talk about.. w-what happened last.. n-night?" pagbasag ko sa katahimikan. Napahinto siya sa pag-kain at napatingin sa'kin.

"Why?" tanong niya habang seryoso ang tingin.

"U-uhm.. nadala ata ako masyado ng alak no'n" sagot ko.

"It's fine with me, though. Mas bold ka kapag may tama ng alak sa katawan" namula ang pisngi ko kaya naman umiwas ako ng tingin.

"Hmm? Ba't namumula ka nanaman? Hindi mo na-imagine na aabot tayo ro'n?" tumango ako.

"Kasi.. akala ko panaginip lang yun, kaya ayun hindi ko pinigilan ang sarili ko.. pero yung halikan natin no'ng hindi pa tayo umaakyat.. yun ang alam kong totoo" I heard her chuckle kaya napatingin na ko sa kaniya.

"Actually, hindi ko na rin napigilan ang sarili ko. Alam kong totoo ang nangyayari pero.. parang may humahatak sa'kin para ituloy yun" napanguso ako at napatingin sa pagkain ko.

"Na-miss ko yun ah" dagdag niya. Napakagat ako sa ibabang labi ko dahil gusto kong sabihin na 'ako rin naman e' pero kailangan kong pigilan.

"Uhm. Yna"

"Hmm?" muli ko siyang tinignan at sinubukang hindi mautal.

"May.. gagawin ka ba mamaya?" saglit siyang nag-isip at maya-maya ay tumango.

"Meron, may meeting ako sa mga bagong client. May mga nagpapa-reserve ng unit sa condominium e. Bakit?"

"Di bale, next week nalang. Siguro naman wala kang gagawin no'n diba?" dahan-dahan siyang tumango.

"Bakit? Yayayain mo kong mag-date?" seryosong tanong niya.

"Sana.. e kaso, may gagawin ka—"

"Pwede kong i-cancel at sabihing next week nalang"

"Ayy hindi. Hindi na, baka may gagawin din ako mamaya e. Okay naman kahit next week nalang"

"Sure ka?" tumango ako.

"Mm-mm." sagot ko at ngumiti siya bago tumango.

"Okay"

"Hindi rin ako handa sa place e, hehehehe"

"Hindi naman kailangan bongga yung place. Basta nandoon ka, gaganda na yung paligid" ngumuso ako para pigilan ang ngiti ko, pero hindi ako nagtagumpay.

"Kilig ka naman" puna niya.

"Ano? Sino? Ako? Hindi ah. Tss." kumain nalang ulit ako para maiwasan ang tingin niya.

GirlxFriend [Girls' Love Series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon