🏳️‍🌈Ch. 5

2.1K 53 6
                                    

Denise's POV.

Ilang weeks na rin kaming nagbo-board ni Yna, kaya nasasanay na kami. Medyo nagiging busy na rin kami dahil sa mga gawain. Sunod-sunod na presentation na ang ginagawa namin.

"Hindi ko talaga alam gagawin kanina, baka mababa lang score ko roon." malungkot na sabi ko.

"Hindi yan! Hindi nga namin nahalata e, biruin mo yun nailusot mo." sabi naman ni Pia. Naglalakad na kami ngayon papunta ng cafeteria.

"Sabagay.. grabe nakaka drain." nakangusong sabi ko.

"Sinabi mo pa." kain na kain na ko, nang matanaw na namin si Yna ay agad namin siyang nilapitan.

"Oh? Ba't ganiyan mukha mo?" puna niya sa'kin pagkahinto namin sa tapat niya.

"Siya kasi ang nag report sa first subject kanina. May nakalimutan daw siyang sabihin sa dini-discuss niya. Pino-problema niya na baka raw mababa yung grade na nakuha niya. Ang sabi ko naman, hindi naman namin nahalata kaya wag na niyang problemahin." mahabang paliwanag ni Pia.

"E kaso, baka napansin ni prof yun." nakangusong sabi ko. Inakbayan ako ni Yna.

"Hay nako ikain nalang natin yan, okay?" sabi niya at tumango nalang ako.

Pumasok na kami sa loob at bumili na ng makakakain.

"Kung iniisip mo parin yun, hindi naman siguro bababaan ng prof niyo yung grade mo. Nagawan mo naman ata ng paraan e, kaya hindi yan." sabi ni Yna, nilapag na namin ang mga pagkain na dala namin saka umupo.

"Yun nga ang sinasabi ko sa kaniya, Yna. E kaso, ayan hindi malimutan." sabi naman ni Pia.

"E kasi naman—"

"Hush! Den. Kain na." ngumuso ako at sumunod nalang sa sinabi ni Yna. Napangiti naman siya at kumain na rin sila.

"Bestfriends talaga kayo 'no?" napatingin kaming dalawa ni Yna kay Pia.

"Bakit?" takang tanong ko.

"Wala, napansin ko lang. Sinusunod niyo ang isa't-isa e." sagot niya.

"Ganun talaga kami since high school. Simula nung, naging close kami." sabi naman ni Yna. Napatango-tango si Pia.

"Ahhhh. I see, ngayon alam ko na." umiling nalang kami ni Yna habang nakangiti.

"Ah! By the way guys, mamaya isasama ko na kayo sa bahay. G ba kayo?" nagkatinginan kami ni Yna.

"Uhm, kung.. wala kayong gagawin. Si Den, tapos na sa presentations niya. Ikaw ba?"

"Wala naman. Next week pa presentation ko, so pwede pa kong maglaan ng oras." sagot ni Yna.

"Okay! Pwede naman kayong umuwi agad." masayang sabi niya at tumango nalang kami habang nakangiti, bilang sagot. Nagpatuloy na kami sa pagkain hanggang sa maubos. At ang usual na ginagawa namin, ay pupunta sa cr para mag-toothbrush at mag-ayos bago bumalik sa room.

Uwian, ay sabay-sabay kaming tatlo na lumabas ng school. Sumakay kami sa taxi dahil doon daw lagi sumasakay si Pia.

"May kapatid ka, Pia?" tanong ko. Magkakatabi kaming tatlo sa likod ng taxi, napapagitnaan nila akong dalawa.

"Yeah. Pero bata pa, 5 years old." sagot ni Pia.

"Ohhh anong name niya? Babae o lalaki?"

"Kinlei ang pangalan niya. Lalaki, actually nag-aaral na rin siya kaso pang-umaga."

"Ang cute naman ng name niya" pagsingit ni Yna.

"Mas cute ako." sabi ko naman.

"Yuck. Kilabutan ka nga." hinampas ko sa braso si Yna dahil sa sinabi niya.

GirlxFriend [Girls' Love Series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon