🏳️‍🌈Ch. 34

900 17 0
                                    

Denise's POV.

Pumili muna kami ng bansa kung saan legal ang same-sex marriage. Tinignan namin ang mga requirements para sa marriage, at para doon na rin kami humanap ng wedding planner dahil doon naman kami ikakasal.

Una naming pinag-usapan ang budget dahil hindi naman matutuloy ang kasal kung walang budget para ro'n.

"Anong gusto mong style ng kasal?" tanong niya, nandito siya ngayon sa bahay dahil nagsisimula na kaming magplano.

"Beach wedding? Garden wedding? Church wedding?" dagdag niya.

"Parang mas gusto ko yung garden wedding" sagot ko.

"Same, gusto ko rin yung garden wedding. Okay, noted" sabi niya at nilista sa notepad yung garden wedding. Inayos na namin ang mga visa nila pati na rin tickets papunta sa Canada.

Lahat ng requirements ay inayos na namin, pagkatapos ay lumipad na muna kami papuntang Canada para magplano sa gaganapin na kasal namin. Lahat ng kailangan ay inayos na rin namin kahit maliliit na detalye.

"Cake design baby? Alin ang pinakagusto mo?" tanong niya at isa-isa nang nililista para sabihin sa planner. Nandito kami ngayon sa hotel kung saan kami naka check-in.

"Mas masarap yung una nating tinikman, yun nalang. Tsaka mas simple"

"Hmm. Sige, how about sa wedding gown and veil style mo?"

"Yung second choice ko nalang, ikaw ba? Yung sa'yo?"

"Yung first choice ko. Since yun naman ang unang nakita ko"

"How about sa rings?"

"Yung rings okay na, yung sinabi mong design yun yung binili ko" napatango ako.

"Flowers? Okay na ba yung napili natin?" tumango siya.

"Sabi sa'kin ino-order na raw yung ibang flowers para mas fresh kapag dumating sa'tin"

"Hmmm. Yung ceremony venue doon nalang sa unang pinuntahan natin"

"Yung reception? Sa first choice din natin?" tumango ako.

"Hindi naman maarte mga bisita natin" we both chuckled.

"Sabagay. Sige, ipapa-reserve na natin yung ceremony and reception venues. Tapos photographer nalang kinuha ko, kasi masyadong magastos kapag may videographer pa tayo. Hindi naman ife-feature sa tv" natatawang sabi niya. Natawa rin ako dahil tama nga naman siya, sapat na ang photographer.

"Sabi sa'kin ni Jane siya nalang daw ulit caterer, wedding gift niya na raw sa'tin" sabi ko.

"Hmm. That's good, nakalibre tayo ro'n ah. Salamat naman, bawas din sa gastos"

"Mabuti nga't may kaibigan tayong chef HAHAHAHAHA"

"Oo nga 'no, mabuti't culinary kinuha niya" naiiling na sabi niya.

"Yung mga bisita natin, ilan lang din. Kasi yung ibang kamag-anak lang naman natin yung makakapunta, iba pa yung mga kasama sa wedding ceremony"

"Kapag final na yung mga a-attend saka mo na lang sabihin kay Jane para hindi kulangin yung pagkain"

"Oo siya na bahala ro'n"

"Magpapa-party pa ba tayo before ng kasal?"

"Kinausap ko na sila Cheska about diyan, sabi ko wag nang mag-gano'n kasi dagdag sa gastos. Sumang-ayon naman sila" sagot ko.

"Sige. E yung magkakasal sa'tin? Judge nalang?" tumango ako tutal civil wedding naman yun.

"E yung hotel para sa guests natin? Naka reserve na?" tumango siya.

GirlxFriend [Girls' Love Series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon