🏳️‍🌈Ch. 35 (M)

1.5K 30 0
                                    

(🚫RATED M is for mature content. Read at your own risk!)

Denise's POV.

Huminga ako nang malalim habang nakatitig sa salamin. Bahagya akong ngumiti nang makita ang repleksyon ko. Ang aliwalas at sobrang saya kong tignan.

*tok* *tok* *tok*

"Ma'am? Are you ready?" tanong ng hair and makeup stylist mula sa labas ng pinto. Galing ako sa bathroom dahil naligo muna ko bago nila ayusan.

"Ah yes. Please come in" sagot ko. Pumasok na siya kasama ang ilang assistants niya, ngiti ang ibinungad ko sa kaniya at ngumiti siya sa'kin pabalik.

"You look so happy ma'am" lumawak ang ngiti ko dahil napansin niya rin yun.

"Of course, this is my big day so I should be so happy" pinaupo niya ko sa upuan at sinimulang i-blower ang buhok ko para matuyo agad. Nagku-kuwentuhan kami habang inaayusan niya ko para malibang-libang ako.

Pagkatapos niya kong ayusan ay tinulungan nila akong isuot ang gown at veil ko. Tinulungan din nila kong isuot ang heels ko, at kasalukuyan nilang inaayos ang damit ko nang pumasok si mama sa kuwarto.

"Ang ganda-ganda naman ng anak ko" bungad niya habang nakangiti sa'kin.

"Ahh hehe hindi naman, Ma. Masaya lang ako kaya dumagdag sa ayos ko. Ikaw din, Ma ang ganda mo sa ayos mo"

"Siyempre 'no maganda naman talaga ako e" natawa ako at napailing. Nagpaalam na aalis na yung stylist dahil tapos naman na nila akong ayusan.

"Kinakabahan ako, Ma" hinawakan niya ang kamay ko at tumitig sa mata ko. Nakita ko sa mga mata ni mama ang kagalakan at namumuo na rin ang luha niya, pero pilit niya 'tong pinipigilan.

"Sa una lang yan anak. Pagdating mo sa gitna, halo-halong emosyon na ang mararamdaman mo, kaya hindi mo na mapipigilan ang umiyak" nginitian ko siya habang pinipigilan ang namumuo kong luha.

"Thank you sa inyo ni papa dahil lagi niyo kong sinusuportahan"

"Wala yun, nak. Mahal ka namin kaya susuportahan ka namin kung saan at ano man ang gusto mo" niyakap ko siya nang sobrang higpit dahil sobrang nagpapasalamat ako na sila ang naging magulang ko. Humiwalay lang ako nang umubo si mama.

"Uminom ka ng gamot mo, Ma?" tumango siya dahil umuubo pa rin siya. Inabot ko ang bottled of water at binigay sa kaniya.

"Inom kang tubig, Ma. Hindi naman na malamig yan" kinuha niya yun mula sa'kin at ininom.

"Salamat, nak. Nakausap ko pala.. si tita Marcela mo" kinuha ko ulit yung bote at binalik sa lamesa.

"Ang sabi niya, uuwi raw muna sila ng mga anak niya sa bahay natin. Habang nasa honeymoon pa kayo ni Yna, at para na rin daw may kasama ako sa bahay"

"Mabuti yun, Ma. Tsaka kasama niya naman mga anak niya, kaya mas marami kayong kasama sa bahay" napatingin ako sa pinto nang may kumatok. Pinagbuksan ko 'yon ng pinto at sinabi niyang nakaayos na raw sa ceremony venue. Kaya naman naghanda na ko at niyakap ko muna si mama bago siya lumabas ng kuwarto. Sa iba siya sasabay dahil mauuna na sila sa venue.

"You look stunning" puna sa'kin ni Yna, at bahagyang namula ang mukha ko. Nandito kami sa pinakalikod dahil naglalakad palang sila papasok.

Malawak ko siyang nginitian at nakikita ko ang pagningning ng mga mata niya.

"Ikaw din. Ang ningning ng mga mata mo"

"Kasi magiging asawa na kita ngayong araw na 'to" I chuckled. Tama nga ang sinabi ni mama, ngayon palang nga halo-halong emosyon na ang nararamdaman ko. Ano pa kaya mamayang nasa harap na kami ng altar?

GirlxFriend [Girls' Love Series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon