🏳️‍🌈Ch. 20

1.4K 22 28
                                    

Denise's POV.

Ilang araw kaming hindi nagpapansinan ni Yna sa loob ng boarding house, kahit na miss na miss ko na siya. Gusto ko siyang yakapin nang mahigpit, pero hindi ko magawa. Ang sakit pala, pero kailangan. Hindi alam nila mama ang nangyari sa'min ni Yna, saka ko nalang sasabihin kapag hindi ako ang pinili.

Hindi ko maitago ang tuwa ko, nang ako ang piliin ni Yna. Iniiwasan na niya si Gracielle, at nakikita ko yun. Bumabalik na ang dating Yna na minahal ko. At sobra akong natutuwa dahil doon.

Lumipas ang isa pang taon at third year na kami sa pasukan. Grabe, nakapag celebrate na kami ni Yna ng anniversary! Sana magtuloy-tuloy lang.

"Love, sama ka sa Pangasinan?" tanong ni Yna sa'kin. Nandito kami ngayon sa park, tumambay muna kami dahil napagod kalalakad.

"Huh? Pangasinan?"

"Oo. Uuwi kasi yung tito ko galing abroad. E gusto kaming makausap about sa pagkuha niya sa'kin after kong makagraduate."

"Sa abroad ka magta-trabaho?"

"Ganun na nga" nalungkot ako sa nalaman ko. Hinawakan niya ko sa baba.

"Pero pag-uusapan pa naman e" nginitian niya ko, kaya napangiti rin ako.

"Ano? Sasama ka ba?" saglit akong nag-isip.

"Ilang araw ba kayo roon?"

"2 weeks, maybe?"

"Hmmmm.. sige. Sama ako"

"Talaga?!" excited na sabi niya at tumango ako.

"Yes! Ipapaalam ko na kila mama"

"Kaso baka.. magtaka sila, kung bakit ako lang ang sinama mo"

"Actually, sila mismo ang nagsabi na isama ka. Since, ikaw ang naging unang kaibigan ko"

"E-eh?" tumango siya habang nakangiti.

"Oh shit" napatakip ako sa bibig ko kaya natawa siya.

"Para kumalma ka, bibilhan kita ng ice cream. Diyan ka lang" tumango ako at tumayo na siya para bumili.

Pagkabalik niya ay may hawak na siyang dalawang dirty ice cream na naka-apa.

"Aww. Dirty ice cream, na-miss ko 'to!" kinuha ko sa kaniya yung isa at kinain agad.

"Hmm~!"

"Sarap?" tanong niya at tumango ako.

"Mas masarap akong dilaan" napaubo ako dahil sa bigla niyang sinabi.

"Oh, Love? Ayos ka lang?" natatawa niyang sabi. Habang ako, hindi natigil sa pag-ubo.

"Mukha ba? Buset ka" hinaplos-haplos niya ang likod ko at maya-maya tumigil na ko sa pag-ubo.

"Yung ice cream tunaw na" sabi niya.

"Bwiset ka kasi!" hinampas ko siya sa braso.

"Aray!" natatawang angil niya. Inirapan ko nalang siya.

"Hindi ba yun totoo?" nakangising tanong niya.

"Totoo! Kaya nga ko nasamid e, pinaalala mo. Taena mo talaga" natawa siya.

"Bakit minumura mo ko? Minura ba kita?" ngumuso ako.

"Ikaw kasi mapang-asar ka!" niyakap niya ko, pero natatawa pa rin siya.

"Sorry na.." malambing na sabi niya.

"Hmmp!" hinalikan niya ko sa pisngi. Kinulit niya lang ako nang kinulit hanggang sa bumigay na rin ako.

GirlxFriend [Girls' Love Series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon