🏳️‍🌈Ch. 23

1.2K 30 1
                                    

Denise's POV.

Sabado ngayon, at naglilinis ako ng unit ko since free time ko ngayon. After n'on ay chineck ko ang stocks ng grocery sa cabinet sa kitchen at sa loob ng ref.

"Wala na pala akong stocks" sabi ko sa sarili ko at nagbihis ng damit dahil nakapambahay lang ako kanina. Kinuha ko ang wallet ko at ni-lock ang pinto bago sumakay sa elevator.

Paglabas ko ng elevator ay nakita ko si Yna na nasa entrance ng condominium.

"Shet bakit nandito siya?" may kausap siyang employee at mukhang seryoso. Nagtago ako sa isa sa mga halamang naka display doon para silipin kung kailan siya aalis.

"Shet. Ang tagal naman. Nangangawit na ko. Tsk!" bulong ko sa sarili ko.

"Ma'am ano pong ginagawa niyo riyan?"

"Ayy palakang kokak!" napahawak ako sa dibdib ko nang may magsalitang staff mula sa likod ko.

"Ikaw naman, ginulat mo ko e"

"Ayy sorry po ma'am. Sino po bang tinataguan niyo?"

"Ahh e.. wala wala hehe. Uhm.. tinitignan ko lang yung display na halaman. Oo, yun nga"

"Ahh ganun po ba. May gusto po ba kayong ipabagong design sa unit niyo?"

"Ayy hindi. Wag na, o-okay na yung unit ko. Maayos naman, actually may—"

"Anong nangyayari rito?" biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang marinig ko ang boses niya. Shit! Shit! Shit! Ayokong lumingon. No! No!

"Ahh. Ma'am, kasi po tinitignan niya yung halaman. Tinanong ko lang po kung may gusto siyang ipabago sa unit niya" sabi nung staff kay Yna. Fuck! Alam na niyang dito ako nakatira.

"Ahh ganun ba? Ano bang unit niya? Baka may.. ma-offer tayong new designs for her" nanlaki agad ang mata ko kaya automatic akong napaharap.

"A-ahh. No need! No need. Oo, uhm.. actually maayos pa yung design ng condo ko. Satisfied na ko roon so.. hindi na kailangan palitan. Thank you sa concern pero, k-kailangan ko nang umalis" nagmadali akong maglakad pero nalaglag yung wallet ko mula sa bulsa.

"Yung—" pinulot ko yun agad bago pa makapag react si Yna.

"Sorry" naglakad na ko palabas sa condominium at dumiretso sa grocery store.

Nag inhale-exhale muna ako bago tuluyang pumasok at kumuha na ng cart. Nagsimula na kong kumuha ng mga kailangan ko at nilagay lahat sa cart. Pagkatapos ay binayaran ko na sa counter.

Mabigat yung mga dala ko kaya nahirapan akong maglakad pabalik sa condominium, pero nakaya ko naman hanggang sa unit ko. Mabuti't wala na si Yna kundi, hindi ko na alam ang gagawin ko sa puso ko.

"Hay. Sumakit kamay ko r'on ah." hinihingal na sabi ko. Nagpahinga ako saglit bago ko inayos yung mga pinamili ko.

"Bakit kaya nandito siya kanina?" napahinto ako sa ginagawa ko at saglit na nag-isip.

"Shit! Hindi kaya.. kukuha rin siya ng unit dito?! It can't be.." napakagat ako sa ibabang labi ko.

"Jusko sana naman hindi. Mamamatay ako nang maaga niyan e. Hay!" nagpatuloy na ko sa ginagawa ko at hindi na muna inisip yun.

Nagtuloy-tuloy lang ang routine ko araw-araw. Paminsan ay dumadalaw ako sa shelter, at kadalasan ay nakakapasyal na rin ako sa bahay. Naikuwento ko na rin sa kanila na dalawang beses ko nang nakikita si Yna.

"Grabe ang guwapo ng fafa ni Pia!" kasama ko ngayon si Alex, nakaupo kami sa bench dito sa park at naghihintay kami ng mga inaya naming kaibigan.

"Oh? Na-inlove ka nanaman. Kay Pia na yun"

GirlxFriend [Girls' Love Series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon