🏳️‍🌈Ch. 1

4.8K 96 14
                                    

Denise's POV.

Kanina pa ko tingin nang tingin sa relo ko. Grabe yung traffic, male-late na ko sa first subject. NANAMAN.

"Tignan ko lang kung sinong mas better sa'tin." sabi ng babae sa kaaway niyang babae. Nakapaligid sa kaniya yung tatlong kaibigan niya, samantalang yung kaaway niya, mag-isa lang.

Hindi pa ko nakakapasok ng gate ay may nadaanan nakong nag-aaway! Tsk. Nakaharang sila sa gate kaya di ako makapasok.

"Kasalanan ko bang chinat ako ng jowa mo at sinabing single siya? Hindi ko naman aagawin jowa mo. Sa'yong-sa'yo na, isaksak mo diyan sa puson mo." sabi ng babaeng nag-iisa lang.

"Uhm. Excuse me? Nakaharang kayo sa gate." pagsingit ko kaya napatingin silang lahat sa'kin.

"Hindi mo ba nakikitang nag-uusap pa kami?" napairap ako sa isip ko. Grade 9 na ganito parin mag-isip 'tong mga 'to?

"Hoy. Para sabihin ko sa'yo, school 'to at nakaharang kayo sa gate. Kilala ko jowa mo at hindi naman kaagaw-agaw yung mukha. Kung yun ang pinag-aawayan niyo, aral muna bago lande!"

"Anong sabi mo?" lumapit palapit sa'kin yung babaeng may back-up na tatlo.

"Yang cheektint mong putok na putok sa pisngi mo, hilamusan mo muna. Matapang ka kasi may back-up ka." tumingin ako sa mga kasama niya.

"Kung ayaw niyong isumbong ko kayo sa principal, pumasok na kayo sa klase. Dahil late na late na ko! Letse!" nakakuyom na ang kamao ko at gusto ko nang manapak, isa pang bira ng babae na 'to.

"Tara na nga! Sayang lang oras ko rito." wow ah! Sila pa ang sayang yung oras. Naglakad na sila papasok sa gate pagkatapos niyang sabihin yun.

"Mga jejemon." nakasimangot akong pumasok ng gate.

"Ate!" hindi pa ko masiyadong nakakalayo nang tawagin ako ng kaaway nila. Nilingon ko siya, tinanggal ang nakasimangot kong mukha.

"Panyo mo, nalaglag." lumapit siya sa'kin nang nakangiti. Kinuha ko yun nang inabot niya sa'kin.

"Salamat." sabi ko at nagpatuloy na sa paglalakad, sumunod naman siya sa'kin.

"Uhm. Hi! Ako nga pala si.. Shanina. Shanina Zapatino." inilahad niya ang kamay niya at nakipag-kamay sa'kin.

"Denise Aurellio." nakangiting sabi ko at bumitaw na sa kaniya.

"Ohhh. Anong section mo?"

"9-Aphrodite. Ikaw?"

"Ahh! Katabi lang ng room niyo, 9-Athena. Bakit parang di kita nakikita?"

"Ako rin naman hindi kita nakikita e."

"Lagi kasi akong nakatambay sa canteen. Ikaw? Saan ka nagtatambay?"

"Sa room. Pagkabili namin ng pagkain, balik na agad kami sa room ng mga kaibigan ko."

"Ahhh kaya naman pala hindi tayo nagtatagpo." naglalakad na kami sa hallway papunta sa room namin.

"Uhm.. pwede ba tayong maging magkaibigan?" napatingin ako sa kaniya, na nakatingin din sa'kin.

"Oo naman. Sumabay ka sa'min ng recess, ipapakilala kita sa mga kaibigan ko. Wala ka bang.. close sa room niyo?"

"Wala e. Ewan ko ba, wala naman akong ginagawa sa kanila."

"Hayaan mo na. May kaibigan ka na sa school simula ngayon." ngumiti siya nang malapad sa'kin.

"Salamat." sabi niya.

"Oh pa'no. Dito na ko, kita nalang tayo mamayang recess." tumango siya at kumaway nalang. Pagpasok ko ng room ay walang teacher, absent daw si ma'am, pero nagpa lecture. Di bale, mangongopya nalang ako, atleast hindi ako napagalitan ngayon.

Doon kami unang nagkakilala, naging close namin siya ng mga kaibigan ko. Pero sa'kin siya mas nakadikit dahil sa'kin daw siya mas kumportable.

Hanggang sa mag move-up na kami at naka graduate na ng senior high. Lumipat na ko ng school nung college, at sumama siya sa'kin. Para raw may kaibigan ako sa school na yun kahit papano. Hindi kasi sumama yung ibang mga kaibigan ko, siya lang.

Sabay kaming nagpa-register at kumuha ng entrance exam. Nang makapasa kami, ay sabay din kaming nag pa-enroll. Magkaiba kami ng building ng department dahil hindi naman kami parehas ng kinuhang course. Business Management and Administration kukunin niya, while ako, Education.

"Oh, kamusta first day mo?" tanong niya pagkababa ng pagkain niya sa lamesa. Lunch time namin, nandito kami sa school cafeteria.

"Ayun, new faces, new environment." napabuga ako ng hangin. Sinimulan ko na ang paglantak sa pagkain ko.

"Same here." nagkibit-balikat siya at nagsimula na ring kumain.

"Masasanay din naman tayo. Naga-adjust pa tayo kasi hindi pa tayo sanay." sabi ko at uminom ng tubig dahil mabubulunan na ko.

"Sabagay may point ka." sandali kaming nanahimik at patuloy lang sa pagkain nang magtanong siya.

"Diba malayo bahay niyo rito sa school?" tumango ako.

"Yung sa inyo ba?"

"Malayo rin. Hanap kaya tayo ng boarding house? o kaya dorm? Since wala nang space yung dito sa school. Napuno na."

"Bakit kasi ngayon lang natin naalala at naisip yan jusko."

"Ayy ewan ko ba at hindi natin naalala nung enrollment."

"Masyado tayong na-excite mag-aral HAHAHAHAHA hindi na natin naisip yung ibang bagay." tumawa rin siya at sumang-ayon sa sinabi ko. Totoo naman kasi.

"Basta mamaya hanap tayo, kahit yung maliit lang at mura. Tayong dalawa lang naman titira."

"Tayong.. dalawa?" napatingin siya sa'kin.

"Oo. Bakit? Ayaw mo ba? Hati tayo sa bills." sabagay pwede rin naman yun.

"Oh sige. Since pasado rin naman tayo sa scholar, pwede yun pandagdag. Pag nakahanap na tayo mamaya, kausapin natin yung landlady para hindi na makuha ng iba."

"Oh sige. Ako nang bahala kumimbinse sa magulang ko. Ikaw naman, sa magulang mo. Tsaka ako nang bahala sa landlady. Mapapakiusapan ko yun."

"Sabi mo yan ah. Tsaka kapag nakapagpaalam naman na tayo sa parents natin, baka bigyan pa tayo ng pang-unang bayad." tumango-tango siya at sumang-ayon sa sinabi ko. Hindi na kami nag-usap at inubos nalang ang pagkain.

"Kailan tayo lilipat once na nakahanap tayo?" tanong ko pagkatapos uminom ng tubig.

"Kinabukasan no'n."

"Hmmm.. uunti-untiin natin o lahat na?" tinignan niya ko nang nagtataka.

"Dadalhin mo ba lahat ng gamit mo? As in yung lahat? Kasama aparador mo?"

"E saan natin ilalagay mga damit at gamit natin kung ganun?" naguguluhan ding tanong ko.

"Ako na bahala roon. Basta ang dalhin mo nalang, mga gamit mo na magagamit mo talaga. Uuwi naman tayo ng weekends sa totoong bahay natin."

"Sabagay. Advance kasi ako mag-isip." tumawa ako at napailing nalang siya.

"Hindi naman tayo magli-live in." sabi niya habang nakayuko at inaayos ang bag niya. Napatitig lang ako sa kaniya dahil sa sinabi niya.

"Hindi naman tayo mag jowa para mag live-in." sagot ko, na dahilan ng pag-angat niya ng tingin sakin.

"Gusto mo ba maging mag jowa tayo?" hindi ko sineryoso yun kaya tumawa ako.

"Loko ka talaga. Halika na nga, baka ma-late pa tayo." sumeryoso siya ng mukha at mas tumitig pa sa'kin.

"Bakit?" nagtatakang tanong ko.

"Nevermind." tumayo na siya. Nagkibit-balikat nalang ako at sumunod sa kaniyang maglakad.

Pumunta muna kami ng cr para mag toothbrush at mag freshen up bago bumalik sa sarili naming department.

GirlxFriend [Girls' Love Series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon