🏳️‍🌈Ch. 9

1.6K 29 0
                                    

Shanina's POV.

Bumili ako ng large size na fries, cheese flavor para kahit papano e may ngangatain kami. Pagkakuha namin ng order ay tumambay na muna kami sa loob ng shop.

"Kung hindi ka naging bi, may boyfriend ka kaya ngayon?" tanong niya sakin at humigop sa milk tea niya. Nag-isip ako saglit bago sumagot.

"Hmmm.. maybe? Malandi ako e HAHAHAHAHA" she snorted.

"Sabagay maraming manliligaw sa'yo." kumuha siya ng dalawang piraso ng fries, at sabay na kinain.

Simula nung makilala ko siya, naa-amaze ako sa bawat gagawin niya. Tulad nalang ngayon, grabe kumain ng fries. Well, matakaw naman talaga 'to. Akala mo nga lalaki kung kumain.

"Takaw mo" naiiling na sabi ko.

"Iniiba mo yung topic." kumuha ako ng fries at kinain.

"Ano bang topic? Yung lovelife ko?" humigop ako sa milk tea ko. Nang hindi siya umimik, nagsalita ulit ako.

"Ikaw nga gusto ko, so nakadepende sa'yo lovelife ko." tumitig ako sa kaniya at uminom ulit sa milk tea ko. Kumuha naman siya ng limang piraso ng fries at kinain ng isang subuan. Napangiti ako. Parami na ng parami kinukuha niya.

"Hmmmmm~ ang sarap ng fries." she's avoiding the topic. How cute.

Tumingin ako sa relo ko bago ko siya tanungin.

"6:25 pm na. Magluluto pa tayo ng ulam?" tumingin din siya sa relo niya at saglit na nag-isip.

"Wag na. Mag take out nalang tayo sa jollibee."

"Grabe. Di ka pa busog?" umiling siya.

"Kain ka nang kain, di ka naman tumataba." dagdag ko.

"E bakit ikaw? Kain ka rin nang kain di ka naman tumataba." umiling siya at humigop sa milk tea niya.

"Atleast ako, sexy." tumingin siya sa'kin at nagtaas ng isang kilay.

"Sexy din naman ako ah."

"Edi wow." pambabara ko. Binato niya ko ng tissue, natawa nalang ako. Ang cute niya talaga asarin, pikon e.

"Kailan ka ba titigil sa pang-aasar sa'kin?"

"Never. Di ka na nasanay." tumingin ako sa labas ng shop. Nakita ko si Pia, kasama yung mama niya. Huminto siya saglit.

"Si Pia oh." sabi ko at kumaway sa labas.

"Huh? Saan?" tanong ni Den.

"Ayun oh." tinuro ko siya kung saan. Nang makita ni Den ay kumaway din siya. Malapad ang ngiti ni Pia na kumaway pabalik, sabay naglakad na ulit.

"Tara na sa jollibee? Baka mahaba yung pila roon." tumango siya at kinuha na ang paper bag.

"Akin na yan, ako na magdadala." kinuha ko ang paper bag.

"Ayy. Salamat! Hehe." tumawa ako nang bahagya.

Pagdating namin sa jollibee ay medyo mahaba ang pila.

"Ako na pipila, humanap ka nalang ng upuan." tumango ako at tumingin na sa menu.

"Anong gusto mo?"

"Ikaw." kinurot niya ko sa tagiliran, pero mahina lang.

"Aray!" natatawang angil ko.

"Seryoso kasi."

"Seryoso nga yun."

"Sige. Bahala ka magutom."

"Ito na, ito na. C2, Sundae tsaka fries."

"C2, sundae tsaka fries. Okay. Yun lang?" tumango ako.

GirlxFriend [Girls' Love Series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon