🏳️‍🌈Ch. 15

1.5K 35 0
                                    

Denise's POV.

Sabado ngayon, pupunta ako mamaya kila Yna para sa birthday ng ate niya. Actually, pati sila Cheska invited. Hindi naman ganun ka-bongga yung party pero sapat lang para sa mga bisita.

Since mamaya pa namang 5 pm yung party, nagde-decide na ko kung anong susuotin ko mamaya. Napalitan ko na rin ng paper bag yung sa regalo ko. Kapag kasi hindi ko pinalitan, mahahalata kung anong laman. Hindi na surprise, diba?

"10 am palang" sabi ko pagkatingin sa wall clock sa kuwarto ko.

After naming kumain ng tanghalian ni mama ay naligo na ko. Nagpresinta si Yna na susunduin ako pero tumanggi ako. Baka magtaka sila kung bakit ako lang sinundo niya at sila Cheska ay hindi.

Yna❤️ calling...

"Hello?"

"Katatapos lang naming mag-ayos para sa party. Ayaw mo ba talagang magpasundo?"

"Nah. I'm fine, baka magtaka sila dahil hindi mo naman ako sinusundo dati"

"Kaya ko naman magbigay ng reasons"

"Tss. Wag na nga, kaya ko namang pumunta mag-isa. Diretso naman yung taxi riyan" kahit hindi ko nakikita, alam kong nakanguso na siya ngayon.

"Oh sige. Text mo nalang ako pag nakasakay ka na. Hihintayin kita sa labas."

"Yes ma'am"

"Good. Mag-iingat ah" natawa ako nang bahagya.

"Opo opo. Don't worry"

"Ah! And one thing"

"Huh?"

"Ayusin mo yung pananamit mo ah. Ayoko ng may makikita-kita riyan" jusko napaka conservative.

"Opo. Tss. Hindi ka naman ganiyan dati, gandang-ganda ka pa sa suot ko"

"You're mine now. Okay? And for your information, pinagagalitan din kita kapag revealing yung suot mo" napairap ako.

"Yeah right. Whatever you say. Sige na, baka may gagawin ka pa riyan."

"Sige sige. Basta text mo ko ah"

"Hmm"

"Bye! I love you~!" nasaan ba 'tong babae na 'to at ang lakas ng loob— ahhh baka nasa kuwarto niya.

"I love you too~ bye!"

"Muah!" pagkasabi n'on ay pinatay na niya ang tawag. Natawa nalang ako at napailing.

Tumingin ako sa wall clock para i-check ang oras.

"2:35 palang" nahiga ako sa kama ko at nagbasa ng libro, para magpalipas ng oras.

4 pm ay nagsimula na kong mag-ayos. Sinuot ko ang beige color off-shoulder dress that ended above my knees, siyempre nagsuot ako ng cycling in case na liparin. I partnered it with my beige color wedge shoes. Naglagay din ako ng light make up sa mukha ko para hindi ako putla tignan. Inipit ko sa messy bun ang buhok ko, then naligo rin ako ng pabango na vanilla scent.

"Ma, alis na ko" sabi ko pagbaba ko ng hagdan, dala-dala yung paper bag at ang sling bag ko na kulay gray.

"Anong oras ka uuwi anak?" tanong ni mama at tumayo mula sa sofa. Nanonood siya ng tv.

"Hindi ko lang alam Ma, text nalang ako"

"Oh sige mag-iingat ah" hinalikan niya ko sa pisngi.

"Opo" nakangiti kong sagot.

GirlxFriend [Girls' Love Series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon