🏳️‍🌈Ch. 14

1.5K 26 1
                                    

Denise's POV.

Kumakain kami ngayon sa jollibee, dito sa loob ng mall. Dito kami dumiretso pagkatapos ng klase.

"Siya nga pala. Saan kayo magce-celebrate ng christmas?" tanong niya sa'kin habang kumakain.

"Hindi ko pa sure, baka sa bahay lang. Kayo ba?"

"Baka sa bahay lang din. Alam mo na, busy sa work sila mama. After christmas may pasok na sila."

"Hala ano ba yan, e pa'no yung new year?" nagkibit-balikat siya bago sumagot.

"Rizal Day wala na silang pasok. Then after ng new year, may pasok na ulit sila. Ganun naman lagi"

"Grabe.. sila papa kasi mula december 24 hanggang matapos ang new year's day, wala na silang pasok." kinuha ko ang coke at uminom.

"Pero bumabawi naman sila mama kapag wala silang work. Nagbo-bonding kaming lima."

"Ahhh. Edi mabuti kung ganun, bumabawi naman pala. Ang masama yung walang pakialam" tumango-tango lang siya at nagpatuloy nalang kami sa pag-kain.

Nang matapos na kami, nagkuwentuhan muna kami saglit para magpababa ng kinain bago lumabas.

"Uuwi na ba tayo?" tanong ko at tumingin sa relo ko. 6:45 pm

"Gusto mo na ba? Pupunta pa sana tayong NBS."

"Ahh. May bibilhin ka ba para sa school?" umiling siya.

"Nah. Bibilhan ko ng books si ate Makayla. Birthday gift" my mouth formed an 'o'

"Shocks nakalimutan ko, oo nga pala! Sa saturday na yun, right? Aside from books, she also likes korean product diba?" tumango siya at ngumiti ng matamis.

"So, saan muna tayo?" tanong ko.

"Since, malapit yung bilihan ng k-products doon muna tayo." nginitian ko siya.

"Okay!" she hold my hand and intertwine our fingers. Lumilinga ako para tignan ang mga tao na tumitingin sa'min. Well, I don't care hindi naman sila ang magdedesisyon sa'min.

"We're here." sabi niya at pumasok na kami sa loob.

Nagsimula na kong magtingin, sinimulan ko sa bag kaso ang mahal. Hindi ko afford :<

"Sa tingin mo, damit or beauty products?"

"Sa damit kasi, marami na si ate. So, beauty products." I hummed and picked some beauty products na maaari niyang magamit sa loob at labas ng bahay— lalo na sa trabaho.

Pagkabigay sa'kin ng paper bag ay lumabas na kami sa store.

"Bibili ako ng bagong paper bag, para rito sa regalo ko." sabi ko sa kaniya at tumango nalang siya. Pagkapasok namin sa NBS ay tinungo agad namin ang books.

Nagsimula na siyang mamili at ako naman ay nagtingin din ng libro. Doon na ko bibili ng paper bag sa tapat ng bahay namin, mura roon tsaka suki ako.

"Bibili ka rin ng books?" umiling ako at ngumiti sa kaniya.

"Hindi ko pa nababasa yung ibang binili ko e. Ikaw? Tapos ka nang mamili?" tumango siya at pinakita yung mga hawak niya. Hindi kasi nanguha ng basket. Tss

"Akin na, ako na magdadala ng iba. Di ka kasi nanguha ng basket" sabi ko at kinuha ang iba sa kaniya, kumuha siya ng 10 books.

"Hassle lang yun e"

"E kesa naman nahihirapan ka. Tsk. Tara na, may gagawin pa tayo para sa school" nagpatiuna na ko sa counter at sumunod siya. Binaba ko na rin yung limang libro, para ma-punch na.

GirlxFriend [Girls' Love Series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon