🏳️‍🌈Ch. 18

1.2K 20 2
                                    

Denise's POV.

Back to reality na ulit ang lahat. Nandito na ulit halos lahat ng gamit namin ni Yna sa boarding house. Kababalik lang namin sa school pero may surprise quiz na agad, buti nakapag scan ako ng previous lessons bago pumasok.

Birthday na pala ni Shanina next week, hindi pa ko nakakapag-decide kung anong ibibigay kong gift. Siguro sasabihin nun, presence ko lang sapat na para sa kaniya hihi. Pero kahit na, gusto ko parin magbigay ng gift sa kaniya.

"Hmmmm.. ano kaya?" nakaupo ako ngayon sa kama namin. Hindi pa siya nakakauwi dahil busy na rin siya tulad ko.

"I'm home!" umaliwalas ang mukha ko at napatingin ako sa kaniya sa pintuan.

"Love!" tumayo ako nang nakangiti at niyakap siya.

"Hi, Love" hinalikan niya ko sa pisngi.

"Gutom ka na ba? Kain na tayo, nagluto na ko. Hinintay talaga kita para sabay na tayo kumain" sabi ko at kukuha na sana ng plato.

"Ah mamaya na ko, kumain kasi ako ng siopao kanina. Mauna ka na, baka nagugutom ka na kahihintay" bigla akong nalungkot dahil sa sinabi niya, pero hindi ko pinahalata.

"Ah ganun ba. O-oh sige! Magpahinga ka nalang muna. Kakain lang ako, basta kumain ka mamaya kapag nagutom ka ah?" ngumiti lang siya at tumango. Nginitian ko rin siya at kumuha na ko ng pagkain ko, bago 'yon ilapag sa study table.

Naglinis si Yna ng katawan after kong kumain. Hinuhugasan ko na yung pinagkainan ko nang lumabas siya sa cr, hawak ang phone niya.

"Kanina mo pa hawak 'yang cellphone mo ah. Wala ka bang gagawin?" tanong ko sa kaniya pero hindi siya sumasagot. Lumingon ako sa kaniya at nakita ko siyang nakangiti habang nakatingin sa phone niya, napakunot ang noo ko.

"Love?" doon lang siya lumingon.

"Ha? May sinasabi ka ba?" tinitigan ko siya saglit bago sumagot.

"Ahh wala." humarap na ulit ako sa lababo at tinapos ang ginagawa ko. Tapos na ko maglinis ng katawan kanina pa, kaya gagawin ko na yung naiwan kong trabaho sa laptop.

Busy ako sa ginagawa ko at hindi ko namalayan si Yna na naghahain na ng pagkain niya. Tumabi siya sa'kin at nagsimula nang kumain.

"Another report?" tanong niya.

"Yeah" maikling sagot ko at nag type na ulit sa next page ng power point.

"Ang dami mong librong hiniram sa library. Lahat ba ng subject mo yan?" tanong niya ulit.

"Nope. Ilan lang" tipid ulit na sagot ko.

"Buti nabuhat mo yan mag-isa? Ang kakapal oh"

"It's fine." nag-search ako sa google para sa dagdag information.

"Teka nga. May problema ba?"

"Nothing."

"Ba't ang tipid mo sumagot?"

"Bakit? Isang tanong dapat kasinghaba ng essay ang sagot?" nakita ko sa peripheral vision ko na napahilamos siya ng mukha niya.

"Just eat." sabi ko at kinuha ang isang book para sa next report.

Hindi na siya nagsalita pa at nagpatuloy nalang sa pag-kain. Ako naman ay hindi tumayo sa kinauupuan ko hangga't hindi natatapos lahat ng reports ko. Hindi ko na siya tatanungin kung may gagawin siya o wala. Ayoko nang ulitin ang tanong ko, bahala siya sa buhay niya.

Sinarado ko na ang laptop ko at nilagay sa loob ng lagayan, para hindi ko makalimutan bukas. Inayos ko na rin ang libro at pinagtabi-tabi ang mga gamit ko, para isang kuhanan nalang bukas.

GirlxFriend [Girls' Love Series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon