🏳️‍🌈Ch. 25

1.3K 29 6
                                    

Denise's POV.

Last month na ng bakasyon dahil next month ay pasukan na. Pumupunta-punta na rin kami ng school para mag-asikaso sa enrollment. At buwan na rin ng birthday ni Cheska.

"Ano guys? Saan tayo? Libre ko na, pa-birthday na rin kay Cheska" panimula ni Jane. Nandito kami ngayon sa milktea shop dahil nagkayayaan, since gusto ni Jane na mapag-usapan na kung saan kami pupunta bago siya umalis.

"Sa nightclub tayo, since hindi na tayo mga college student. Ayaw niyo dati r'on e" sabi ko.

"Sige payag" sabi naman ni Alex. Hindi namin kasama si Pia at Jake dahil may date. Ang tagal nang nagliligawan n'on ayaw pang sagutin. Si Ivan hindi rin nakasama dahil nasa school ngayon, bale apat lang kami.

"Basta kung sinong maiwang matino, siya ang maghahatid" sabi naman ni Cheska.

"Deal! Oh ano? Maghahanap na ko ng place ah. Send ko nalang sa inyo yung location" sabi ni Jane.

"Oh sige. Sagot mo lahat ng gastos ah" komento ko.

"Oo naman. Paalis na ko e, tatanggi pa ba ko? Basta walang KJ ah. Sabihan niyo sila Pia" sabi ni Jane.

"Oo, ako na magsasabi sa kanila" sabi ko.

"Oh sige na, mauna na ko sa inyo. May meeting pa kong pupuntahan" sabi naman ni Cheska.

"Sabay na tayo sis, may taping ako e" sabi naman ni Alex. Tumayo silang dalawa at nagpaalam na. Kaming dalawa nalang ni Jane ang naiwan.

"So pa'no? Alis na rin tayo?" tanong ko. Tatayo na sana ako pero pinigilan ako ni Jane.

"May sasabihin pa ko."

"Ano?"

"Okay lang ba kung may.. isasama akong isang tao? Gusto ko kasi, bago ako umalis.. makumpleto sana tayo" kumabog nang malakas ang puso ko nang makuha ko, kung ano ang gusto niyang sabihin.

"So, balak mo ring imbitahin si.. Y-Yna?" utal na tanong ko. Tumango lang siya bilang sagot.

"Please?" kinagat ko ang ibabang labi ko at pinakalma muna ang sarili ko bago sumagot.

"O-oh sige. Since, paalis ka naman na. Pagbibigyan kita"

"Yey! Thank you!" tumayo siya at niyakap ako. Tinapik ko lang ang braso niya at ngumiti.

"Halika na. Maghahanap pa ko ng place for nightclub" natatawang sabi niya.

"Next week pa naman ah" sabi ko.

"Mas mabuti nang mas maaga kesa late. Tara na" tumayo na rin ako at naglakad na kami palabas.

"Saan ka na niyan?" tanong niya.

"Sa condo muna ko. Sa text ko nalang sasabihan sila Pia about sa nightclubbing natin"

"Ayy sakto may dalawang boys tayong kasama. Mas maganda yun" pumara na siya ng taxi.

"Dito na ko sis. Ingat ka" tumango ako at kumaway sa kaniya.

"Ingat ka rin" sumakay na siya sa taxi. At ako naman, naglakad pa konti.

Habang naglalakad ako, may bumusina sa'king sasakyan. Pero hindi ko alam kung kanino yun kaya hindi ko pinansin. Pero sa pangalawang pagkakataon, nilapit niya ang sasakyan saka bumusina sa tabi ko.

"Ano ba?! Nananadya ka ba ha?!" kumatok ako sa bintana niya.

"Hoy! Lumabas ka riyan!" kumatok ulit ako at sa wakas ay binaba na niya ang bintana.

"Long time no see" nagulat ako sa taong bumungad sa'kin. Nag-mature pa ang mukha niya kumpara sa dati.

"Nicholas."

GirlxFriend [Girls' Love Series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon