🏳️‍🌈Ch. 36

1K 21 0
                                    

Denise's POV.

Ilang buwan ang lumipas at sa tingin ko ay nagiging maayos naman ang lagay ni mama. Pagkatapos ng trabaho ay dumiretso ako sa ospital dahil hindi rin naman ako busy. Bumili muna ako ng mga prutas bago tuluyang pumunta ro'n.

Hindi pa ko nakakapasok ng kuwarto ni mama ay may tumakbo nang doctor sa loob kasunod ang dalawang nurse. Hinarang ko ang isang nurse para tanongin.

"N-nurse. Anong nangyayari sa pasyente?" alalang tanong ko.

"Pumasok ang nurse na naka-assign sa kaniya para i-check ang vital signs niya. Pero hindi niya pa nache-check, tumunog na ang monitor at malapit na mag flat line." hindi ako nakapagsalita kaya pumasok na siya sa loob. Nabitawan ko ang mga prutas at nagsimulang kumabog nang malakas ang dibdib ko. Hindi.. hindi.. wag.. w-wag muna..

Napahawak ako sa dibdib ko dahil hindi nawawala ang kabang nararamdaman ko. Namumuo na rin ang luha sa mga mata ko. Kinuha ko ang phone mula sa bag at nanginginig na ni-dial ang number ni Yna.

"Hello?"

"Y-Yna.. please.. kailangan kita ngayon dito s-sa ospital"

"Huh?! Bakit? May nangyari kay mama?" tumulo na nang tuluyan ang luha ko.

"B-basta.. pumunta ka nalang. H-hihintayin kita" pagkatapos kong sabihin yun ay pinatay ko na ang tawag.

Agad akong napatayo nang lumabas ang doctor mula sa kuwarto ni mama.

"D-doc! Kamusta siya?" mas kinabahan ako nang marinig ko ang buntong hininga niya.

"I'm sorry. Ginawa na namin ang lahat para maibalik ang vital signs niya, but no response." namuo ang luha ko at nagbabadya nanamang tumulo.

"Pero bakit gano'n? O-okay pa naman siya kahapon. Pero bakit bigla nalang— anong nangyari?"

"I'm really sorry. Binigay ko ang best treatmet para sa kaniya, pero dahil stage 3 na at malapit na siya mag stage 4, hindi na kinaya ng katawan niya na dagdagan ang treatment for her cancer" parang nanlambot ang mga tuhod ko. Ni hindi ko namalayan na nasa tabi ko na pala si Yna.

"Sige, doc. Thank you" si Yna na ang nagsalita dahil hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Nagmadali akong pumasok sa loob para tignan si mama. Wala nang nakatusok sa mga ugat niya. Hindi na siya humihinga. Maputla na siya. Nahuli nanaman ako. Hindi ko man lang siya nakausap.

Nilapitan ko siya habang tuloy-tuloy ang pagbasak ng mga luha ko. Nakasunod sa likuran ko si Yna pero ang nasa isip ko lang ngayon ay si mama. Niyakap ko siya nang sobrang higpit at paulit-ulit na humingi ng tawad.

"Ma, sorry. Nahuli ako.. hindi m-man lang kita naabutan. H-hindi man lang kita n-nakausap bago man lang—" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil humagulgol na ko habang yakap siya. Hinahaplos ni Yna ang likod ko dahilan para mas bumuhos ang luha ko.

"I'm sorry, Ma.."

"Shhhhh.. ano ba, wala kang kasalanan. Hindi naman natin alam" umiling lang ako nang umiling sa sinabi ni Yna.

"D-dapat dumiretso na ko rito. Hindi na sana ako namili ng prutas.." niyakap ako ni Yna at bahagyang pinisil ang braso ko.

"Hindi mo alam na mangyayari 'to, okay? Tsaka galing ka sa trabaho" muli akong humagulgol at inginudngod ang mukha ko sa dibdib ni mama.

"Sorry, Ma." bulong ko.

"Tahan na baby.. wala ka namang kasalanan.." muli akong umiling at mas bumuhos ang luha.

Binilhan ako ng tubig at tinapay ni Yna. Medyo nahimasmasan na ko pero nakatulala lang ako sa kawalan.

"Baby.." nilingon ko siya, walang emosyon ang mukha. Napabuntong hininga siya at tumabi sa'kin sa bench, sa labas ng ospital. Inabot niya sa'kin ang binili niyang tubig at tinapay.

GirlxFriend [Girls' Love Series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon