🏳️‍🌈Ch. 30

1.4K 24 0
                                    

Denise's POV.

Kalalabas ko lang ng bathroom dahil naligo ako. Aalis kami ni Yna para pumunta sa bahay, since weekend naman. Napagdesisyunan namin ni Yna na sabihin na kila Mama hangga't maaga, para hindi na matulad sa dati.

"Baby?" dinig kong tawag ni Yna mula sa labas ng pintuan, kaya agad ko 'yong binuksan.

"Oh? Napaaga ka ah. Magbibihis pa lang ako" sabi ko sa kaniya. Pagkapasok niya ay naupo siya sa couch at sinarado ko na ang pintuan.

"Para hindi ka na maghintay, ako nalang maghihintay" napailing nalang ako at naglakad papunta sa kuwarto ko.

"Diyan ka lang ah. Magbibihis lang ako" tumango lang siya kaya pumasok na ko sa kuwarto. Nagsimula na kong magbihis at mag-ayos bago kuhanin ang pouch ko at tuluyang lumabas ng kuwarto. Sinuot ko ulit yung kuwintas, since na-miss kong isuot sa matagal na panahon.

"Let's go" nakangiting sabi ko at inilahad ang kamay sa kaniya. Hinawakan niya yun at ngumiti rin sa'kin.

Ni-lock ko na agad ang pinto nang makalabas kami at sumakay na ng elevator. Hindi ko dadalhin ang kotse ko, dahil may dala nang kotse si Yna.

"Namili pala ako ng meryenda nila. Pansit tsaka puto, dumaan ako sa bilihan bago dumiretso sa condo mo" sabi niya. Nakasakay na kami sa kotse niya, at nagdri-drive na siya papunta sa bahay.

"Balak ko pa naman sana magpadaan doon, nakabili ka na pala" sabi ko.

"Gusto ko kasi tuloy na tayo sa bahay niyo"

"Sus. Excited ka lang sa sasabihin natin sa kanila e" she chuckled and focus on driving. Nag-play nalang ako ng music since wala naman kaming pinag-uusapan.

Nag-park na agad siya sa harap ng bahay pagkarating namin doon. Tinext ko naman si Mama na pupunta kami ngayon ni Yna. Kukuhanin ko sana yung binili ni Yna na meryenda, pero naunahan niya ko. Napanguso na lang ako kaya natawa siya. Binuksan ko ang gate at naglakad papasok sa bahay.

"Ma? Nandito na kami!" sigaw ko mula sa sala. Nakita ko siyang pumasok mula sa likod ng bahay na malawak ang ngiti sa'min.

"Mabuti naman at napadalaw kayo rito" sabi ni Mama. Nagmano naman si Yna bilang pagbati.

"May pasalubong po kami ni Denise. Yung paborito niyo pong pansit at puto" nakangiting sabi ni Yna at inilapag 'yon sa coffee table.

"Nako, maraming salamat. Nag-abala pa talaga kayong magdala niyan. Maupo muna kayo" ginawa namin ang sinabi ni mama.

"Anong ginawa mo sa likod-bahay, Ma?" tanong ko.

"Nagbasa ako ng balita sa diyaryo, mas bago kasi ro'n kesa mag-abang pa ko ng balita sa tv" napatango nalang ako.

"Teka tatawagin ko lang ang Papa mo. Natulog kasi e, ha? Sandali lang" sabay kaming tumango ni Yna.

"Sige, Ma"

"Sige po, tita" umakyat na si Mama sa kuwarto nila para tawagin si Papa. Tumayo naman ako para kumuha ng mga plato at kutsara.

"Mag-juice nalang muna tayo, walang softdrinks e" sabi ko pagkalapag ng mga plato sa coffee table.

"Ayos lang, ako nalang magtitimpla gusto mo?" sabi ni Yna. Agad akong umiling.

"Wag na, ako nalang"

"Sure ka?" tumango ako at bumalik na sa kusina para magtimpla ng juice at para na rin kumuha na ng baso. Pagbalik ko sa sala ay nakaupo na sila Mama at Papa sa tapat ng inuupuan namin ni Yna.

"Kumain na muna tayo" sabi ko at nilapag ang tray sa coffee table.

"Tama, mas masarap ang kuwentuhan kapag kumakain e" sabi ni Papa at nagsandok na kami ng kani-kaniyang pagkain.

GirlxFriend [Girls' Love Series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon