🏳️‍🌈Ch. 27

1.3K 29 0
                                    

Denise's POV.

Pagkabili ko ng ticket ay nag-impake na agad kami papunta sa Palawan. Isang linggo kaming nag-stay doon at binigyan kami ni Yna ng oras dahil hindi siya sumama, tsaka may pupuntahan din daw kasi siya.

Ngayon ang simula ng pasukan kaya naman maaga akong gumising, para hindi ako maabutan ng traffic. Pagpasok ko palang ng gate ng school ay marami nang mga bata ang pumapasok. Nag-in muna ako sa bundy clock bago dumiretso sa faculty room.

"Himala hindi ka ata late ngayon ah." puna sa’kin ni Pia.

"Siyempre first day e" sagot ko at natawa na lang siya. Tinignan ko yung table ni Ivan para i-check kung nakapasok na ba siya. Nang makita kong nakalapag na ang mga gamit niya ay napangiti nalang ako. Ang aga niya talaga kahit kailan. Sinabi ko na sa mga kaibigan ko na nililigawan ulit ako ni Yna ngayon.

"Hmmmm.. o baka naman inspired" nang-aasar na sabi niya. Sinamaan ko lang siya ng tingin at tinawanan niya lang ako.

"Mauna na ko sa’yo girl. Pasok na ko sa klase ko" sabi niya. Napakurap ako at napatingin sa relo ko.

"Teka ang aga niyo naman pumasok. Wala pa yung ibang estudyante niyan oh"

"Mas maaga, mas better. Mag-aayos pa ko ng attendance at arrangement ng upuan ng mga bata" tumayo na siya habang hawak ang gamit niya papunta sa room ng advisory class niya. Sabagay may iba pa naman kasi kaming section na hawak.

"Oh sige. Maya-maya ako saglit" tumango nalang siya at lumabas na ng faculty room. Hinanap ko ang files ng mga section  na hawak ko. Nang makita ko ang names ng advisory class ko ay agad na kong nagtungo sa classroom, dahil limited lamang ang minutong ibinigay sa’min para i-meet at i-orient ang advisory class namin.

Pagpasok ko palang ng classroom ay nakita ko na ang ilan sa mga estudyante ko. Base sa mga bakanteng upuan na nakikita ko, halata na wala pa ang iba. Pero ang karamihan ay nandito na. Pumunta agad ako sa harapan, at nanahimik agad sila pagkakita palang sa’kin. Tinanong ko yung mga co-teachers ko no'n kung ano ang first impression ng mga bata sa’kin, mukha raw akong masungit lalo na kapag tumitig.

"Good morning!" masigla kong bati sa kanila. Agad naman silang tumayo para batiin ako pabalik. Bago ko sila paupuin ay pinapulot ko muna ang mga kalat at pinaayos ang upuan.  Nagpakilala muna ako sa kanila bago ako nag-check ng attendance at hinintay pa konti ang iba bago ko sila in-orient about sa classroom and school rules and regulations. High school students ang tinuturuan ko dahil secondary ang kinuha kong course.

Pagkatapos ng oras ko para sa orientation, ay pumasok na ko sa totoong klase ko, afternoon pa ang oras ng klase ko sa advisory class ko. At pagpasok ko ay binati ko ang students at gano’n din sila. Katulad ng ginawa ko sa kabila ay pinapulot ko muna ang mga kalat at pinaayos ang upuan, bago ako nag-check ng attendance nila at saka ako nagpakilala. In-orient ko naman sila about sa rules ko sa oras ng klase ko, at isa-isa ko rin silang kinilala. Gano’n lang ang nangyari sa buong umaga, at nang mag-lunch na ay nagpahinga muna ako saglit sa upuan ko.

Ang ibang teachers ay lumalabas na, niyayaya akong sumabay sa kanila pero sabi ko ay pahinga muna ako saglit. Nag-inat ako at pumasok na rin si Pia at Jake sa faculty room. Kumunot ang noo ko dahil kanina ko pa hindi nakikita si Ivan.

"Teka.. Pia" napalingon siya sa’kin.

"Yes, gurl?" tanong niya.

"Kanina ko pa hindi nakikita si Ivan. Kayo ba? Nakita niyo siya?" nagkatinginan sila at sabay na tumango.

"We saw him earlier, nilapag niya lang gamit niya then he immediately left the faculty room" sabi ni Jake. Mas napakunot ang noo ko. Nagmamadali siyang umalis?

GirlxFriend [Girls' Love Series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon