🏳️‍🌈Ch. 3

2.5K 59 7
                                    

Denise's POV.

Sabay kaming pumunta ni Pia sa school cafeteria para mag lunch. Doon kami naghihintayan lagi ni Yna kaya roon na kami dumiretso.

"Den!" humahangos na sabi ni Yna pagkarating sa tapat ng cafeteria.

"Oh? Ba't hingal na hingal ka?" tanong ko sa kaniya.

"Sorry na-late ako. May pinasa pa kasi ako sa prof e."

"Nako okay lang yun. Halika na kumain na tayo— ayy by the way. Si Pia nga pala, classmate ko. Na kaibigan na rin natin ngayon." pagpapakilala ko kay Pia.

"Hi! Pia!" masiglang bati niya kay Yna at naglahad ng kamay, para makipag-kamay.

"Shanina, pero Yna nalang. Kaibigan ni Denise." nakangiti ring sabi ni Yna at tinanggap ang kamay niya.

"Well, since magkakilala na kayo. Kain na tayo?" aya ko sa kanila. Pareho naman silang tumango kaya pumasok na kami sa loob. Para makabili na ng pagkain.

Nagsimula na kaming kumain pagkalapag namin ng pagkain.

"Pwedeng sumama mamaya sa lilipatan niyo? Titignan ko lang kung saan, kung sakali man na gusto kong pumunta." sabi ni Pia, sinabi kasi namin na kumuha kami ng boarding house para mas madaling makapunta sa school.

"Sure!" sagot ni Yna.

"Ikaw ba? May dorm ka?" tanong ko.

"Wala, pero malapit lang naman bahay namin dito sa school."

"Ohhhh. Sana lahat, para hindi hassle." sabi ko.

"By the way, uuwi kayo ng weekends?" tumango kami pareho ni Yna.

"Kailangan e." nakangiting sabi ni Yna.

Tumango nalang si Pia at hindi na ulit kami nag usap-usap para maubos na ang pagkain namin.

Uwian ay sa'kin sumama si Pia para kunin ang mga gamit ko. Pinakilala ko siya kila mama at papa pagkapasok namin sa loob.

"Rivera? May kasamahan ata akong Rivera ang apelyido sa marketing department." sabi ni papa

"Ahh opo, Walfredo Rivera po ang name."

"Ahhh oo si Fred. Tatay mo pala yun? Close ko yung tatay mo e."

"Pa, kuhanin ko na yung mga dadalhin ko."

"Tulungan na kita. Mukhang marami yun e." sabi ni Pia. Tumango nalang ako at nagpatiuna patungo sa kwarto ko. Si mama nasa kusina, naghihiwa ng mga rekados para sa ulam.

"Ang cute naman ng kwarto mo, ang linis." komento niya.

"Naaalibadbaran kasi ako kapag marumi at makalat."

"I'm sure pati damitan mo malinis 'no?" tumango ako bilang sagot.

"Pero minsan nasosobrahan ko ng pagkalkal kaya ayun, sabog." natawa siya.

"Well, nakakahiya naman sa'kin. Kundi pa pagalitan hindi ko pa aayusin." napailing nalang ako.

"Heto Pia, pakidala nalang 'tong dalawang unan at kumot. Ako nang bahala rito sa iba." sabi ko at kinuha niya naman yun.

"Sure ka? Mas marami kang dala oh."

"Ayos lang yan, maleta naman 'tong mga 'to e."

"Sige, sabi mo yan ah." tumango ako.

"Tara na? Naghihintay na yung driver ng tricycle." tumango siya at bumaba na kami, nagpaalam na muna ako kila mama bago lumabas ng bahay.

Tumulong si papa sa maingat na paglalagay sa dalawang malaking maleta, sa loob ng tricycle. Mahal kasi kapag taxi, okay na 'tong tricycle medyo mura. Tsaka malaki naman kaya kasya lahat.

GirlxFriend [Girls' Love Series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon