🏳️‍🌈Ch. 16

1.5K 30 1
                                    

Denise's POV.

Last day na ng pasok namin kahapon para sa christmas at new year's break. Bukas pa kami uuwi sa bahay kaya nandito pa kami sa boarding house ngayon.

Dahil ako ang nakatokang magluto ngayon para sa hapunan, naghahanda na ko ng ingredients para sa recipe.

"Love" malambing na tawag ni Yna. Hindi ko siya nilingon dahil busy ako sa ginagawa ko.

"Hmm?" sagot ko nalang. Isinalang ko na ang kaserola sa stove para painitin.

Imbes na magsalita si Yna, naramdaman ko nalang ang mga braso niya na pumulupot sa beywang ko.

"Sus.. naglalambing ang baby ko" ipinatong niya ang baba niya sa balikat ko. Nagsimula na kong mag-gisa ng bawang at sibuyas. Magluluto ako ngayon ng afritadang manok.

Walang nagsasalita sa'min, busy ako sa pagluluto pero maya-maya, naramdaman kong pumasok ang mga kamay niya sa loob ng damit ko.

"Huy yung kamay ah" I heard her chuckle. At maya-maya nasa boobs ko na ang kamay niya.

"Yna" nagbabantang sabi ko.

"Ihhhh. Parang hinahawakan lang e" naramdaman ko siyang ngumuso kaya napairap nalang ako.

"Fine." pinagpatuloy ko lang ang pagluluto habang siya, nakahawak parin doon.

"Yung sinaing mo?" tanong ko sa kaniya.

"Luto na"

"Ang bilis ah"

"Siyempre, mabilis din yung gumawa e." natawa nalang ako at muling napairap. Sabagay, mas nauna kasi siyang magluto ng kanin.

"Matagal pa ba yan? Gutom na ko e"

"Konti nalang. Umupo ka na roon, bitawan mo na 'yang boobs ko"

"Padede ako mamaya ah" siniko ko siya pero mahina lang. Tumawa naman siya bago humiwalay sa'kin, gago talaga.

Inihain na namin ang pagkain sa study table para medyo lumamig.

"Love" tawag ko sa kaniya habang sinasandukan siya ng kanin. Napatingin siya sa'kin.

"Bakit?"

"Uhm.. balak ko na" kumunot ang noo niya.

"Anong balak mo na?" tumingin ako sa kaniya pagkatapos sandukan ng kanin ang plato ko.

"Balak ko nang.. sabihin kila mama." nanlaki ang mata niya sa sinabi ko.

"H-ha? Sigurado ka? Kailan?"

"Balak ko palang naman. Tsaka.. hahanap na ako ng tiyempo." sandali siyang natahimik, kaya kinalabit ko siya.

"Natahimik ka?"

"Kinakabahan lang ako sa magiging reaction nila. Siyempre iisa ka lang na anak tapos, babae yung jowa mo" natawa ako sa sinabi niya.

"Open minded naman sila mama, tsaka hindi ko bibiglain. Dadahan-dahanin ko naman hanggang sa magkaroon sila ng hint" humawak siya sa dibdib niya bago kumuha ng ulam.

"Kumain na muna tayo, pampawala ng kaba" napailing nalang ako habang nakangiti. Nagsimula na kaming kumain nang tahimik.

"Ako na ang maghuhugas ng plato. Mauna ka nang maglinis ng katawan" tumango nalang ako at kinuha na ang tuwalya ko, bago pumasok sa cr para maglinis ng katawan.

Lumabas ako nang nakatapis ng tuwalya para kumuha ng damit, at sa cr nagbihis. Pagkatapos ko ay sumunod naman si Yna. Ako naman ay nagtoothbrush na para makapagpahinga na.

"Kinakabahan ka pa rin?" tanong ko sa kaniya nang makahiga na kami. Tumango siya at humarap sa'kin. Humarap din ako sa kaniya para fair.

"Ang daming what ifs na pumapasok sa utak ko"

GirlxFriend [Girls' Love Series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon