🏳️‍🌈Ch. 31

947 18 0
                                    

Denise's POV.

Ilang buwan ang lumipas at naging maayos naman ang lahat. Dumadalaw kami sa shelter kapag may free time, pumapasyal din kami sa bahay pati na rin kila Yna. Pero hindi ako makakapasyal this week dahil busy ako sa trabaho ko, dahil minsan ay may seminars at meetings. Si Yna naman ay madalas ding may meeting dahil sa mga clients niya sa iba't-ibang branches.

Nagre-record ako ng grades ngayon para hindi ako malito kapag nagpa-activity ulit ako. Nagpapa-lecture muna ko sa students since may ginagawa ako rito sa faculty room.

Mama calling...

Napalingon ako sa phone ko nang biglang mag-ring. Agad ko 'yong sinagot nang makitang si mama ang tumatawag.

"Ma—"

"Anak? Anak! Yung tatay mo sinugod sa ospital!" kinabahan ako nang marinig yun mula kay mama.

"A-ano? Bakit? Anong nangyari?"

"Bigla nalang siyang hinimatay kanina habang nakahawak sa dibdib niya" naririnig ko ang paghikbi ni mama at ang panginginig ng boses niya.

"Anak.. nag-aalala ako sa tatay mo"

"Saang o-ospital kayo? Pupunta ako riyan ngayon"

"Nasa General Hospital kami anak. Nasa ER na ang papa mo"

"Sige, Ma. P-pupunta na ko" agad kong niligpit ang ginagawa ko at kinuha ang bag ko. Naglakad ako papunta sa principal's office para magpaalam bago mag-out sa bundy clock. Tinext ko muna si Yna kung saan ako pupunta at kung bakit, bago ako sumakay sa kotse at nag-drive papunta sa ospital.

"Ma?! Ma!" tumakbo ako palapit sa kaniya nang makita ko siyang nakaupo sa bench, sa harap ng ER.

"Anak.." tumayo siya at niyakap ako. Niyakap ko rin siya nang mahigpit at hinaplos ang likod niya.

"K-kamusta si papa? Lumabas na ba yung doctor?" tanong ko pagkalas sa yakap.

"Hindi pa anak" mugto na ang mata ni mama. Napabuntong-hininga ako at naupo kami sa bench.

"Ano bang nangyari, Ma?"

"Kasi nagluto ako ng tanghalian para dalhin doon sa store. Papasok palang ako, nagsisigawan na yung ibang tao na may nahimatay daw. Pagtingin ko, si papa mo. Tumawag kami ng ambulansya at dito siya dinala" magsasalita pa sana ako pero lumabas na ang doctor. Sabay kaming napatayo ni mama para tanungin siya.

"D-doc. Kamusta po yung asawa ko?" tanong ni mama.

"Madalas po bang manikip ang dibdib at mahilo ang asawa niyo?"

"Yes po, doc. Ayaw niya naman pong magpa-check up kasi"

"A heart attack can lead to cardiac arrest. The supply of blood to your husband's heart becomes blocked, it's the often result of a blood clot. High blood pressure and the level of cholesterol in his body are may be the causes. Nagta-trabaho pa po ba siya at his age?"

"Opo. May maliit po kaming grocery store, gusto niya po kasi na lagi siyang nandoon. Minsan po kaunti lang ang pahinga niya"

"Ang stress po at pagod ay maaari ring magdulot ng paninikip ng dibdib, lalo na po sa ganiyang edad niya. Gagawin po namin ang tests para po masiguro namin kung anong klaseng heart disease ang meron ang asawa niyo. Sa ngayon po ay kailangan niya munang mag-stay dito hangga't hindi pa po lumalabas ang results"

"Sige po, salamat po doc" sabi ko.

"Pwede na po kayong pumasok para makita siya. Excuse me" sabi ng doctor bago umalis.

GirlxFriend [Girls' Love Series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon