🏳️‍🌈Ch. 24

1.2K 30 17
                                    

Shanina's POV.

Sinama namin si Denise dito sa Pangasinan para naman makapasyal siya sa lugar kung saan ako nagkaroon ng isip. Pumunta kami rito para pag-usapan ang pagkuha ni tito Yam sa'kin after kong maka-graduate.

Hindi ko inaasahan ang pagpunta ni Kulas dito sa bahay. Palabas kami ni Denise ng bahay nang makasalubong ko siya sa pintuan, pinakilala ko si Denise bilang kaibigan ko.. mismong ako nabingi sa 'kaibigan' na sinabi ko. Pero kailangan para maprotektahan ang relasyon namin, nagkamustahan kami at pagkatapos ay tinawag ko ulit si Denise para matuloy na ang gala naming dalawa. Dahil umalis siya nang makitang nag-uusap kami ni Kulas.

Kinagabihan ay darating si tito Yam kaya naman pinagbihis kami ni lola Hermana ng maayos at magandang damit. Nagdesisyon akong magsuot lang ng yellow dress at color gold na sandals. Inipit ko sa bun ang buhok ko at naglagay ng light makeup, nag spray muna ako ng pabango at pagkatapos ay niyaya ko nang bumaba si Denise.

Kasama sila Kulas at si tita Lucy— nanay niya, sa dinner. Hindi ko alam kung bakit. Pagkarating nila ate Hanna at ate Makayla ay nagsimula na kaming kumain. Sa tabi ko nakaupo si Denise para mas komportable siya. Nang kumakain na kami ng dessert ay doon na nila napagpasyahan na mag-usap.

"Kamusta naman ang kumpanya mo roon sa korea?" panimula ni lola Hermana.

"Ayos lang naman, Ma. Magpapatayo na nga ulit ako ng isa pang branch. Sa malaysia naman" sagot ni tito Yam.

"Aba, malago na rin pala ang negosyo mo. Sinong magpapatuloy ng pagpapatakbo?" tanong ni tita Lucy.

"Sa ngayon, yung panganay ko ang vice president. At balak kong gawing CEO 'tong si Shanina sa isa pa naming branch na ipapatayo" sagot ni tito Yam. Ako? Gagawing CEO? Agad?!

"Ano bang course ang kinuha mo hija?" tanong ni tita Lucy sa'kin.

"Business Management and Administration po, tita"

"Oh, so totoo nga. Same with my unico hijo. That's good then. May nalaman pala ako about sa kanila. Nag promise sila na magpapakasal nung mga bata pa sila, since mga bata pa.. alam kong hindi nila seseryosohin. But I'm wrong."

"Huh? Bakit?" takang tanong ni mama.

"Nicholas prepared an engagement for Shanina." halos lahat kami napasinghap at nagulat sa sinabi ni tita Lucy. Hindi ko na matandaan yung promise na yun dahil masyado pa kong bata. At kung nangyari nga yun, hindi ako seryoso dahil hindi ko pa alam kung tama ba yun o hindi.

"Ang cute diba? Sineryoso pala yun ni Kulas." kinikilig na sabi ni tita Lucy. Napatingin ako kay Denise, at nakatingin din siya sa'kin. Nakikita ko sa mga mata niya ang gulat at kaguluhan. Pero mismong ako rin ay naguguluhan sa nangyayari. Ano ba 'to? Bakit may ganito?

"That's good then. Magkakilala naman sila since childhood, hindi naman siguro masama kung ikasal—" pinutol ko ang sasabihin ni papa dahil hindi ko alam kung bakit may ganitong usapan.

"Teka, akala ko ba.. ang pag-uusapan dito ay yung pagkuha sa'kin ni tito Yam after ko grumaduate? Bakit.. bigla nalang may engagement?"

"Hija, ganito kasi yun. Since, pareho kayo ng course na kinuha. Hindi naglalayo na pwede kayong magtayo ng negosyo together. I'm sure you two can manage it well" sagot ni tita Lucy.

"Yna, apo. Kinausap ako kanina ni tita Lucy mo. Ang sabi niya, mas maganda raw ang magiging takbo ng kumpanya kung kayong dalawa ang magma-manage n'on." sabi ni lola Hermana.

"Tsaka Yna, pareho ko kayong kukuhanin ni Kulas after graduation. Para malaman at masukat ko yung skills niyo" sabi naman ni tito Yam. What? Kukunin niya rin si Kulas? Bakit?!

GirlxFriend [Girls' Love Series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon