🏳️‍🌈Ch. 2

3K 64 3
                                    

Denise's POV.

Pagkauwi ko ng bahay ay nilapag ko muna ang bag ko sa sofa bago pumuntang kusina. Naghahain na si mama, pagkarating ko. Medyo natagalan kami sa paghahanap.

"Oh, ginabi ka ata?" bungad sakin ni mama.

"Naghanap kasi kami ng boarding house ni Yna para hindi na kami malayo sa school. Papayag kaya si papa, ma?"

"Nakahanap na ba kayo?"

"Kanina, nakausap na rin namin yung landlady."

"Oh kamusta naman?"

"Kung.. sakaling payagan niyo po ako ni papa, bukas pag-uwi namin. Dadalhin ko na mga gamit ko roon."

"E bakit kasi hindi niyo yan naisip nung enrollment? Meron namang dorm sa loob ng school niyo."

"Mabilis din namang napuno yun, Ma e. Tsaka mga naka reserve na yun."

"Oh siya, tawagin mo na tatay mo para makapag-usap tayo tungkol diyan." tumango nalang ako at umakyat sa kwarto nila.

"Pa? Kakain na raw!" sabi ko pagkatapos kong kumatok.

"Sige, susunod ako!" pagkasagot niya, bumaba na ulit ako at umupo na sa upuan para kumain.

Nagsasandok na ko ng pagkain ko nang sumunod si papa at naupo sila sa harap ko.

"Ano yung sasabihin mo, nak? Sabihin mo na sa tatay mo." kumuha muna ako ng ulam bago magsalita.

"Uhm. Pa, naghanap kasi kami ni Yna ng boarding house, since malayo yung bahay natin tsaka bahay nila sa school na pinapasukan namin ngayon. Uhm.. nakausap na namin yung landlady. Kung papayag po kayo, bukas na po namin dadalhin yung mga gamit namin doon." nagsimula na rin akong kumain.

"Kaya niyo bang bayaran? Magkano ba kada buwan?"

"2 months deposit po, then binigyan niya kami ng discount since students kami. Bale 1700 nalang babayaran namin kada buwan. Hindi pa kasama yung tubig at ilaw."

"Ilan ba kayong titira?"

"Kaming dalawa lang, Pa. Hati kami sa bills. Sakto lang din yung space ng kwarto para sa dalawang tao. May double deck din na kama. Tsaka uuwi rin kami sa totoong bahay namin kapag weekends. Meaning, mula linggo ng gabi hanggang hapon ng biyernes lang kami roon."

"Mabuti naman at naglaan pa kayo ng panahon para umuwi ng bahay." sabi ni mama

"Hmmm.. sige, kung yun yung paraan para hindi kayo ma-late sa klase. Ako na bahala sa pambayad mo, yung makukuha mo sa scholar mo, gamitin mo nalang yun para sa school mo." malawak akong ngumiti sa kaniya.

"Talaga, Pa? Payag ka na? E pa'no yung allowance ko?"

"Wag kang mag-alala hindi naman namin babaguhin. Pambayad sa bills ng boarding house tsaka allowance mo, akong bahala."

"Yehey! Thank you, Pa! Ikaw, Ma? Payag ka rin?"

"Ako pa? Siyempre naman. Hindi ako tutol basta sa ikabubuti." mas lumawak ang ngiti ko.

"Salamat sa inyo, aayusin ko na yung mga dadalhin ko roon sa boarding house. Para bukas, kukunin ko nalang pag-uwi rito."

"Maganda 'yang naisip mo. Pero mas maganda kung uubusin mo muna 'yang pagkain mo." tinawanan ko nalang si mama at nagpatuloy na sa pagkain.

After kong kumain ay kinuha ko na ang bag ko mula sa sofa at umakyat na sa kuwarto ko para maglinis ng katawan at magtoothbrush, bago ko inayos yung mga gamit na dadalhin ko. Mabuti nalang at medyo mababait pa ang prof, hindi kami binigla sa gawain. Kaya naman nagagawa ko pa yung ganito. Pagkatapos kong iayos lahat ay natulog na ko.

"Ano? Pinayagan ka?" tanong ko kay Yna nang makasalubong ko siya sa gate. Shanina, Yna for short.

"Siyempre naman 'no. Nadala ko na nga yung mga paglalagyan natin ng damit doon e. Tsaka yung ibang gamit ako na rin nag provide since hindi naman nagagamit yun sa bahay."

"Nag-abala ka pa. Nakakahiya naman sa'yo wala akong naambag na gamit." nginitian niya ko at tinapik sa balikat. Naglalakad na kami papunta sa building namin.

"Wala yun ano ka ba. Presensya mo lang ayos na."

"Huh? Bakit?"

"Kasi para sa'kin, mas mahalaga ang presensya mo kesa sa mga gamit na ipro-provide mo. Though kailangan natin yung mga yun dahil empty room yun." nginitian ko siya.

"Ang sweet mo naman." tumawa ako at napailing siya.

"Basta ikaw." minsan talaga hindi ko na alam kung double meaning yung mga sinasabi niya o hindi e. Binabalewala ko nalang, malay niyo nagbibiro lang naman siya.

"Siya nga pala, may study table ba tayo?" tanong ko.

"Yeah. Isa lang pero medyo mahaba. Sakto sa dalawang tao." tumango-tango nalang ako.

"Prepared ka ah. HAHAHAHAHA!" bahagya siyang natawa.

"Hindi naman. Sakto lang. Hindi na rin naman ginagamit, so dinala ko nalang doon."

"Sabagay. Oh siya sige, dito na ko. Kita nalang tayo ng lunch at uwian. Bye!"

"Sige sige. Bye!" naghiwalay na kami ng daraanan papunta sa building ng department namin.

Wala pa kong close sa room dahil second day palang naman ng pasok. At hindi ako mahilig maunang mag-approach. Kailangan muna akong daldalin para maka-close ko. Masyado akong tahimik kapag wala akong kilala. Pero kapag close ko na, medyo madaldal na ko.

Umupo na ko sa pwesto ko kahapon pagkarating ko sa room. Medyo maaga pa kaya hindi pa nagri-ring ang bell. Konti palang din ang tao rito sa loob ng classroom.

"Hi!" masiglang bati ng babae sa'kin bago tumabi sa upuan ko.

"Hello!" nakangiting bati ko pabalik.

"Denise, right?" tanong niya at tumango naman ako.

"Sorry, pero medyo hindi ko pa memorized mga name niyo rito. Ano nga ulit pangalan mo?" tanong ko.

"It's okay! By the way, I'm Pia." nakangiti siyang inilahad ang kamay niya at tinanggap ko naman yun at nakipag-kamay.

"Pia Wurtzbach. Charot lang!" natawa ako at ganun din siya. Tingin ko makaka vibes ko 'to.

"Denise L. Aurellio full name ko." sabi ko.

"Anong meaning ng L?"

"Lastimosa."

"Ohhh. Ang ganda ah! Ako naman, Avafeia T. Rivera."

"Ang unique ng name mo, anong meaning ng T?"

"Torres."

"Bigatin ah HAHAHAHAHAHA! Kaso pa'no naging Pia palayaw mo?"

"Sabi kasi ng nanay ko, katunog ng 'Feia' ang 'Pia' kaya ayun."

"Ohhhh. Ang galing naman, ako tawag sa'kin Den."

"Den? Maganda naman ah, ang cute nga ng name mo e. Simple lang, sakin kasi nahihirapan sa spelling yung iba."

"May close ka na bang iba rito?" umiling siya.

"Hindi ko sila feel lahat. Kaya ikaw nalang nilapitan ko, feeling ko kasi magaan ka kasama. Tahimik ka tignan."

"Tahimik talaga ako, pero kapag dinaldal ako't pasok sa interes ko yung topic. Mas madaldal pa ko sa inaakala mo." natawa siya sa sinabi ko kaya ngumiti na lang ako nang malaki.

"Sabay tayo ng lunch ah? Mag preny na tayo ngayon." tumango ako at may naalala.

"May kaibigan nga pala ako sa ibang department. Don't worry isa lang siya, tsaka babae rin."

"Oh, no problem. Mabilis naman akong makasundo e." sincere siyang ngumiti at kasabay nun ay ang pag tunog ng bell.

"Pwede bang dito nalang ako maupo?"

"Sure. Wala naman akong katabi." umayos na kami habang hinihintay ang prof na dumating.

GirlxFriend [Girls' Love Series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon