🌈Special Chapter

2.2K 39 7
                                    

Shanina's POV.

Dumaan muna kami sa bilihan ng mga bulaklak para dalhin sa sementeryo, kasama ko ang dalawang bata at dadalaw kami ngayon doon. Mahigit tatlong taon na rin ang lumipas, at magkasunod na namatay sa sakit sila mama at papa. Hanggang kamatayan ay ayaw nilang maghiwalay.

"Hi po Mama, Papa. Nandito po kami ng mga apo niyo" inilapag ko na sa gitna ng puntod ng magulang ni Denise ang isa kong biniling bulaklak.

"Mommy. Sila po ba yung parents ni Mommy Den?" tanong ni Bella, si Maddie ilang beses nang nakadalaw dito. Samantalang si Bella, ngayon palang niya napuntahan pero alam nila ang mga mukha ng lola nila dahil nakikita nila ito sa mga picture.

"Yup. Sobrang bait nila, siguro kung naabutan nila kayo? Sobrang spoiled niyo sa kanila" I chuckled.

"Parang sila Lala Zany?" tinanguan ko si Bella.

"Madalas po dumalaw si Mommy Den dito?" tanong naman ni Maddie.

"Kapag hindi siya busy, pumupunta siya rito. Di ba nakapunta na kayo sa shelter na pinagawa ng mommy niyo?" sabay silang tumango. Nakapasyal na sila ro'n dahil gusto rin daw nilang tumulong sa ibang mga bata.

"Doon naman siya madalas pumasyal noong buhay ang lolo at lola niyo. Pero simula no'ng mamatay sila, nahahati na ang oras niya sa pagdalaw. Hanggang sa dumating na kayo, minsan nalang siyang makadalaw rito tsaka ro'n sa shelter"

"Ang bait talaga ni Mommy Den" sabi ni Bella habang nakangiti.

"Namana niya lang sa parents niya yun, baby"

"Nasa kaniya na lahat. Di ba, Mommy? Kaya mo ba siya nagustuhan at pinakasalan?" tumango ako kay Maddie at nginitian siya nang matamis.

"From friends to lovers kami. Hindi ko inaasahan na magugustuhan niya rin ako, kasi alam niyo na babae ako at babae rin siya. Pero laking gulat ko nang umamin siya mismo sa loob ng cafeteria." nagpaalam na kami sa parents ni Denise para naman lumipat sa puntod nila Mama. Masyadong malayo sa kanila, kaya nagkuwentuhan kami habang naglalakad.

"Pa'no niyo napaamin si Mommy?" tanong ni Maddie.

"Dahil kay Christian" natatawang sagot ko.

"Who's Christian?" tanong naman ni Bella.

"May gusto sa'kin dati. Na-trigger siya para makaamin sa harap namin ni Pia at Christian"

"Ano po yung na-trigger, Mommy?" inosenteng tanong ni Bella.

"Yung, may nagising sa utak niya para mailabas yung totoong nararamdaman niya gano'n"

"Ahhhh"

"Mas maganda po ba si Mommy noon?" nilingon ko si Maddie at napangiti nang maalala ko ang mukha niya noon.

"Mapayat siya noon, pero sexy. At oo, maganda rin siya tapos mabait. Alam niyo, kung naririnig lahat 'to ng Mommy niyo ngayon.. namumula na yun dahil sa pag-describe ko sa kaniya. Kung makikita niyo mukha no'n, parang kamatis sa pula" sabay silang humagikhik ng tawa. Hindi kasi mahilig mag-picture si Denise noon, kaya wala siyang masiyadong matino na picture. Mayroon lang siya, yung sa class pictures.

"Alam niyo kasi, kapag kinikilig ang Mommy Den niyo namumula yung mukha niya" muli silang sabay na tumawa.

"Ang cute kiligin ni Mommy" komento ni Maddie.

"I wonder kung sino sa inyong dalawa ang nakamana no'n" natatawang sabi ko.

"Ayoko ng gano'n, Mommy! Mahahalata ako" nakangusong sabi ni Bella.

"Same!" komento ni Maddie. Natawa ako sa kanilang dalawa.

"Tignan natin sa future" ibinaba ko na ang isa ko pang dalang bulaklak sa gitna ng puntod nila Mama at Papa.

GirlxFriend [Girls' Love Series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon