🏳️‍🌈Ch. 17

1.4K 30 1
                                    

Shanina's POV.

Umuwi ako galing kila Denise. Suot ko na yung suot ko kagabi nung pumunta ako sa kanila, dahil hindi naman nadumihan yun. Since pasko na bukas, wala nang pasok sila mama. Pati na rin si ate.

"Ate" naabutan ko si ate Makayla sa sala na nanonood ng movie.

"Oh? Bakit?" tanong niya pagkatapos akong tignan saglit.

"Ikaw ba nagbigay ng number ni Den doon sa katrabaho mong Mike?" nananatili lang akong nakatayo at mataman na nakatingin sa kaniya.

"Ahhh oo. Bakit? Wala namang jowa si Denise diba?" sagot niya nang hindi nakatingin sakin. Napahilamos ako sa mukha ko.

"Ate. Pakisabihan siya na wag nang kulitin si Den."

"Bakit naman?" taka siyang tumingin sakin.

"May magagalit" seryosong sagot ko.

"Ha? Sino naman?" Ako.

"Basta ate gawin mo nalang, okay? Hindi mo na kailangan malaman kung sino. Basta may magagalit"

"Okay! Okay! Chill! Bakit parang ikaw yung nagagalit?" natatawang sabi niya at umayos nang upo at kinuha ang phone niya mula sa ibabaw ng coffee table.

"Ito na oh magty-type na." hinintay ko siyang matapos na mag type at pinakita niya sa'kin.

' To: Michael

Hoy Mike. Tigilan mo na raw si Denise sabi ng kapatid ko. May magagalit. Kung mahal mo pa buhay mo, mas mabuting gawin mo na hangga't maaga pa.'

*sent*

I chuckled when I read her composed text message.

"Okay na?" naka thumbs up na sabi niya. Tatango na sana ako nang may mag pop up na reply.

' From: Michael

Huh? E diba sabi mo wala namang boyfriend yun?'

Anak ng— ang kulit talaga ng apog ng lalaki na 'to. Hinablot ko mula kay ate ang phone niya at ako ang nag reply.

"H-hoy! Yna! Akin na yung phone ko!"

"Wait lang. Ako na magrereply"

' To: Michael

Hindi por que't walang boyfriend e wala nang nanliligaw. Back off dude. May nagmamay-ari na sa kaniya'

*sent*

Binalik ko kay ate ang phone niya at binasa ang reply ko kay Mike.

"Hala ka, sasabihin ko kay Mike na ikaw yung nag reply na yun." umiling nalang ako at naglakad na palayo sa sala.

"Kapag hindi pa siya tumigil, lumipat na siya nang mars dahil hu-hunting-in siya" huling sabi ko bago umakyat ng hagdan paakyat sa kuwarto ko.

"Inimbatahan nga pala ako ng family ni Den na roon sa kanila mag celebrate ng new year." sabi ko kila mama. Kumakain na kami ngayon ng dinner.

"How about your other friends? Aren't they invited too?" tanong naman ni papa.

"Nope. Nasa probinsya ang iba. While ang iba naman is out of town. Hindi naman tayo aalis ng new year diba? Dahil after nun may work na ulit kayo" tuloy-tuloy na sabi ko. Bumuga ng hangin si mama.

"Anak, naiintindihan mo naman yun diba?" tumango ako.

"At sanay na rin" sabi ko. Nag-open ng bagong topic si ate Hanna pero hindi ako nakisali. Hindi naman ako maka-relate. Sila nalang ang nagkuwentuhan hanggang sa matapos ang dinner.

GirlxFriend [Girls' Love Series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon