Zhannarah
Pababa na ako nang hagdan nang sakto ring bumukas ang kwarto ni Zedd, gwapong-gwapo ito sa suot na uniporme namin.
"Good Morning, Zhannarah!" Bati niya sakin.
"Hindi ako tumatanggap ng greet pag umaga."
"Maldita."
Hindi ko na ito pinansin at dumiretso na sa kusina. Nadatnan namin si Mama dun, na naghahanda nang agahan namin, umupo naman kami at nagsimula nang kumain.
"Alas otso pa ang In mo, Ma?"
"Oo, kaya nga ako nagluto."
Bumuntong hininga nalang ako dahil sa lamig ng trato niya sakin. Binilisan naman namin ang pagkain, ilang sandali pa ay nasa loob na kami nang kotse at inihatid ni Mama papuntang skwela.
"Ipasyal mo si Zedd, para hindi siya maligaw, malaki pa naman ang school niyo." Ani Mama habang nagmamaneho.
"Para namang PWD 'yan siya."
"What is PWD?" Tanong ng Lokarets.
"Person with Demented." Sagot ko.
"What? I am not demented!"
Natawa naman ako. Walang alam sa Disability. Poor guy. Gwapo pa naman sana kaso parang may demented.
"Kaya nga, wag kang tanga 'jan."
"Tanga ba ako?"
Auto pilosopo pag tanga ang kausap.
"Stop asking, Moron. Ayaw kong ayaw mo'ng maisip na bumalik ng Canada."
Tumahimik naman siya. Ilang sandali pa ay nakarating na kami agad akong nagpaalam kay Mama, at bumaba na. Hindi ko pinansin si Zedd. Bahala siya sa buhay niya.
Kung sana maganda ang trato niya sakin, maganda din sana ang trato ko sa kanya. Ang tanga ininsulto pa ako.
Habang naglalakad ako ay tiningnan ko ang relo ko. Maaga pa. Nasa'n kaya si Rica?
Agad akong lumingon sa likod nang magtitili ang mga kababaehan na dinaanan ko.
Si Zedd hinahanap ako. Agad naman akong tumakbo, shit, nakalimutan kong marami pala akong mga fans dito. Baka pagmalaman nilang kasama ko pala ang tangang yun, mas bullyhin pa ako lalo. Takte.
Agad akong pumunta sa Peace garden, at tinawagan si Rica. Pero ring lang ito ng ring, hindi sumasagot. Napatago ako sa ilalim ng upuan kahit hindi ko alam kong kasya ba ako, sa laki kong ito.
Nandito kasi sa Harap ng Peace Garden si Zedd at panay ang linga. Talagang desperadong hanapin ako ah? Bahala ka sa buhay mo. Marami ding mga kababaehan ang sumusunod sa kanya.
Tawang-tawa naman ako sa itsura niya, para kasi siyang baliw sa kalsada na naghahanap ng makakain, may dala pa siyang folder, dun siguro nakalagay ang section niya.
Ilang sandali pa ay biglang nawala ang mga kababaehan at pinalitan ito ng isang Prof. Si Prof. Pexel! Ang baklang-terror naming Professor.
Mas lalo akong nagtago kasi napakagrabe pa naman ng sense ni Prof.
"Are you lost, Boy?"
Mahinang humagikhik naman ako. 'Yan yung mga nabasa ko sa facebook. Are you lost baby girl? Baby boy?
"Yes, Sir. I'm lost. I'm a transferee here, and i don't know where my Section and Room was." Ani Zedd. Sa tono ng boses niya, talagang nahihirapan siya.
Tanga kasi. Kung magtanong siya may bunganga naman siya.
Nakita kung kinuha ni Prof. Pexel ang folder na dala niya at inaya na siyang pumunta sa Section at Room niya.
BINABASA MO ANG
Warm Embrace (COMPLETED)
RomanceVANISHON SERIES #1 Si Zhannarah ang babaeng palaging centro ng tuksuan palaging siya ang nakikita ng lahat para kutyain at asarin dahil sa katawan na mayroon siya. Pero ang hindi nila alam si Zhannarah ang isang babaeng kayang-kaya silang patumbahin...