39

132 8 0
                                    

Chiro

Padaskol akong umupo sa couch ng bahay namin galing sa pakikipag-away sa isa sa mga kaklase ko. Sinuspende kami ng Dean dahil sa cause ng pag-aaway namin. Muntik ko na nga siyang mapatay kung hindi lang ako inawat ng ibang mga kaklase ko.

"Anger doesn't solve anything. It builds nothing, but it can destroy everything."

Nilingon ko siya ng nakangiting sabihin niya ito sakin. Biglang nawala yung galit na sumasakaloob sa damdamin ko ng makita ko ang maamo niyang mukha. Dahan-dahang tumulo ang luha ko sa mata ng niyakap niya ako at hinalikan sa noo.

"Lagi mong tatandaan na kontrolin mo ang galit mo dahil hindi sa lahat ng oras kailangan mo itong ilabas lang sa ibang tao," Sabi niya sabay bitiw sakin at hinawakan ang magkabila kong pisngi. "Marunong ka dapat umunawa sa mga taong hirap mag-unawa. Unawain mo sila kasi kailangan nila yung taong mag-uunawa sa kanila. Do you get me, Youichiro?"

Tumango-tango ako. I always admire her words. Palaging ito yung tumatatak sa puso at isip ko.

Palagi niya akong pinagsasabihan patungkol sa mga bagay-bagay kaya ako lumaki bilang maunawaing tao, dahil din naman yun sa kanya.

I never obey her words, never. Kasi para din naman yun sakin, alam ko namang para din yun sa ikabubuti ko ang sundin ang mga sinasabi niya sakin.

Tumango ako. "I get you, Mommy." Naluluhang wika ko. Nginitian niya naman ako at hinalikan sa noo.

"That's good, Anak." Sabi niya. Tumango-tango lang ako. I love my mother so much, obeying her words is just like putting myself into danger.

There's no way i won't listen to her because she's the woman i know, a woman who have a firmness and value words.

Naluluha akong tumingin sa mag-inang magkatabi dahil sa sitwasyon namin ngayon. Nakita ko kanina na lumapit si Zedd sa Mama niya at pinatahan ito dahil sa nasaksihan niyang pagpatay ni Zhannarah sa mga tauhan ni Redg.

Agad na iniiwas ko ang paningin ng makitang lumingon sakin si Zedd, puno ng pasa ang mukha niya at hirap na din siyang buksan ang isang mata niya dahil sa pambubugbog kanina ng mga tauhan ni Redg. Napakahayop ng ginawa nila.

Natigilan ako ng may marinig akong tunog ng baril kaya ako yumuko at pinipigilan ang sariling huwag itong dinggin, napakasakit kasi sa tenga ang mga tunog nito.

Ilang sandali pa ay nawala na ang mga tunog ng baril at napalitan ito ng mga halakhak ni Redg.

Nag-angat ako ng tingin at ganon nalang ang panlalaki ng mga mata ko ng makitang nakatayo na si Zirleanah at Viggo sa tabi ni Zhannarah na parehong may hawak na baril at nakatutok sa mga tauhan ni Ridge.

Tiningnan ko si Zhannarah at hindi mapigilang mamangha sa taglay niyang aura.

Kahit kasi na walang emosyon ang mga mata niya at walang reaksyon ang mukha niya ay parang ang ganda parin niya. Ibinaba ko ang paningin sa hawak niyang dalawang katana sa magkabila niyang kamay. Hindi ko maiwasang hindi ngumiti. Nakakamangha!

Pero agad din akong sumeryoso ng humalakhak ulit si Redg. Ang sama niya.

"I didn't expect this huh? Hindi ko akalain na mapapatayo mo pa ang dalawa mong kasama. Anong klaseng brilyante ba ang ginamit mo, huh Zhannarah?" Tumatawang wika niya. Hindi ako lumingon sa kanya at naka'y Zhannarah lang ang paningin.

Pigil ang hininga akong nakatingin sa kanya ng makita ang pag-tiim ng bagang niya at paghigpit ng kapit niya sa dalawang katana niya. Hindi ko pa siya nakikitang gumamit ng katana. Ano kayang itsura niya kung ginamit niya ito? For sure sobrang cool nito!

Warm Embrace (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon