Zhannarah
Nag-iimpake na ako sa kwarto ko dahil sa trip namin to Tagaytay na kasalanan ni Chiro.
Ang hayop na yun talaga. Talagang niloko pa ako na sa Bar pupunta kahit sa Tagaytay naman pala.
Isinasara ko na ang maleta ko nang biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko at iniluwal nito ang nakangiting mukha ng Papa ko.
Isang linggo na ang lumipas simula nang makalabas ako sa Hospital at isang linggo na din ang lumipas simula nang nandito sa bahay namin si Papa.
Actually, ayaw ko talaga siyang tawaging Papa at mas prefer pa akong Tawagin siyang Sir Redg. Kaso si Mama pinilit akong tanggapin daw si Papa kuno. Ewan ko sa kanila.
Hindi naman sa nag-iinarte ako kaso may nararamdaman talaga akong may masamang balak siya samin. Na alam kong may tinatago siyang kakaiba sa ilalim ng manggas niya. Kung ano man iyon yun ang sisiguraduhin kong aalamin.
"Tapos ka na?"
I just nodded. Ayaw kong magmukhang bastos sa kanya pero hindi ko mapigilan ang sarili kong bastusin siya.
Hindi nga sana ako papayag na dito siya tumira kaso pinilit lang ako ni Mama. Sa pagkakaalam ni Mama naiinis ako dahil ngayon lang nagpakita ang Papa ko.
Ang hindi niya alam naiinis ako dahil nandito sa bahay namin ang lalaking may binabalak na masama.
Inaya niya akong siya na ang magdala ng maleta ko. Mabigat naman kaya ibinigay ko nalang.
Naghihintay na rin kasi sa baba sila Chiro, Mama, Rica at Zedd. Ihahatid kasi kami ni Mama at Papa sa Tagaytay.
"Ba't balot na balot ka? Para namang sa Amerika ka pupunta." Bungad sakin ni Chiro. Itong lalaking 'to talaga napaka-pakialamero.
"Kung ang tagalog ng Whom ay kanino, bakit ka pakialamero?"
Ngumisi naman siya.
"Kung ang English ng kabibe ay clam, bakit ang dami mong alam?"
"Kung ang tagalog ng Care ay pag-aalaga bakit ano bang pake mo?"
Umismid lang siya at tinawanan ako.
"Let's go." Aya ko sa kanila at una nang pumasok sa Van na pagmamay-ari nila Rica.
Sumunod naman sila. At nang nasa loob na kami ng Van ay hindi na ako nagsalita.
Si Papa ang nagmamaneho at nasa tabi naman niya si Mama habang sa likuran nila si Zedd at Rica at nasa likod kami ni Chiro.
Nilingon ko si Chiro nang wala akong marinig na ingay galing sa bibig niya habang nagba-biyahe kami. At nagulat ako nang sakin pala siya nakatingin.
Itinuro niya ang Cellphone kong hawak-hawak ko.
Nagtataka man ay binuksan ko ito. At nagtaka nang mag text siya. May lahing baliw talaga.
From: Kioshi
"Okay ka lang?"
Nag reply ako.
"Oo."
From: Kioshi
"May bumabagabag ba sayo?"
"Wala." Reply ko.
At agad na pinatay ko ang cellphone at sinamaan siya ng tingin. Pwede naman kasi niyang sabihin sakin hindi yung pinapahirapan pa niya ang sarili sa text. Baliw talaga.
Nginitian niya lang ako at isinukbit ang headphones sa tenga. Hindi ko na siya pinansin at nasa labas lang ang paningin. Medyo matagal-tagal pa ang biyahe namin dahil sobrang layo ng Tagaytay.
BINABASA MO ANG
Warm Embrace (COMPLETED)
RomanceVANISHON SERIES #1 Si Zhannarah ang babaeng palaging centro ng tuksuan palaging siya ang nakikita ng lahat para kutyain at asarin dahil sa katawan na mayroon siya. Pero ang hindi nila alam si Zhannarah ang isang babaeng kayang-kaya silang patumbahin...