14

176 6 0
                                    

Zedd

Galing kami ng tagaytay at hindi ko inaasahan na ganito ang makikita namin pag-uwi namin dito. Pamilyar sakin ang lalaking nakaupo sa single couch at nakangising nakatingin samin.

Napaka-pamilyar niya pero hindi ko alam kung saan ko siya nakita.

Sabay na nanindig ang balahibo ko at kay Zhannarah ng bigla itong magsalita. Sobrang makapangyarihan ng boses nito. At sa isang salita lang dapat ay itikom mo na ang bibig mo.

Nakakunot ang noo kong inilingon kina Tita Keith at sa Asawa niya ang paningin ko. Walang reaksyon ang mga mata nila pero nakakuyom ang kamao nila.

Ibinalik ko agad ang paningin ko sa matandang lalaki na nakangisi pa din sa amin. Sino siya?

"You look good." Matigas na sabi niya sabay tingin sakin at tumayo. Hahakbang na sana siya papunta sakin ng hinila ako ni Tita Keith at itinago sa likod niya. What's happening here?

Natawa ang matandang lalaki habang nakatingin samin. Malayo ang distansya namin sa isa't isa kaya hindi namin malalaman kung anong binabalak niya.

"Relax, Keith. I won't hurt him. I just want to hug him. You see? He's now bachelor. I remember before he was crying endlessly." Sabi niya sabay tawa.

Nagtaka ako sa sinabi niya. He knows me? Who is he? Bakit pamilyar lang siya sakin at hindi ko siya kilala.

Bakit inilayo ako ni Tita Keith sa kanya? What the hell is happening here?

"I don't trust you." Sagot ni Tita Keith dito. Naramdaman kong humigpit ang kapit niya sa kamay ko. Sino ba kasi ang lalaking ito?

"Matagal na 'yon, Keith." Sabi nito. Napangiwi ako nang marinig ang tono ng pagsasalita niya ng Tagalog. Halatang hindi lumaki dito sa Pilipinas.

"I don't care if it was prolonged as long as you're breathing i don't trust you, and i hate you. Remember that."

Tumawa lang ang matanda at nagsalita ng hindi naman pamilyar na lenggwahe sa body guard niya.

Tumango ito at lumabas ng bahay ilang sandali pa ay pumasok ulit ito at may dala nang malaking box. Naka-gift wrapper ito kaya masasabi kong isa itong regalo. Ano na naman kaya ito?

Inilapag ng body guard ang malaking box sa harapan namin kaya kami nagtaka. Hindi namin ito ginalaw kaya natawa ang matanda at nagsalita. Bakit ba panay tawa niya? Masaya ba siyang makita kaming nagtataka?

"It wasn't a bomb. It's a gift." Anito ng natatawa parin. Narinig kong minura ni Tita Keith ang lalaki kaya bumuntong hininga nalang ako. Magsasalita na sana ako nang maunahan ako ni Zhannarah.

"Who are you?"

Lahat kami natigilan pati na ang matandang lalaki na tumigil sa kakatawa at ngumisi na habang nakatingin kay Zhannarah.

Malamig kasi ang pagsalita nito at walang bahid ng takot ang tono ng salita nito. Samakatuwid, naiirita.

"Let me guess you are the one left."

"Shut up, Rancor! Don't mess my daughter."

Tumawa lang ang matanda sa sigaw ni Tita Keith at nakangising tumingin kay Zhannarah.

Nilingon ko si Zhannarah at walang makikitang takot sa mukha nito. Zhannarah never failed me to amazed her.

"What do you mean?" Si Zhannarah.

Nakangisi parin ang matanda. "I thought your mother told you so. Why you didn't know?"

Tumingin si Zhannarah kay Tita Kieth pero walang mababakas na pagtataka ang mukha nito. Alam ba niya ang pinagsasabi ng matanda?

Warm Embrace (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon