4

273 9 4
                                    

Zhannarah

Nandito ako ngayon sa Peace Garden at hinihintay si Rica na pumunta dito. It's been 2 day's ago, nang tinarayan kami at tinawag akong malandi ni Lia.

Kahabagin naman sana siya ng maykapal sa mga pinagsasabi niya.

"Hoy okay ka lang?" Rinig ko sa pamilyar na boses. I looked up and saw her angelic face, her face have the Crisscross spot of moles. Isa sa noo, tig-iisa sa magkabilang pisngi at isa sa panga.

Napakaganda nang pagkakalugar sa nunal ni Rica sa mukha, ito yung gusto ko sa kanya, yung crisscross niyang nunal.

"Hoy Okay ka lang? Zhannarah?"

Umiling-iling ako at ngumiti sa kanya. After the incident we've been through, still we smile and continue our living.

"Yeah, I'm good."

Tumango naman siya at umupo sa tabi ko. Wala akong maisip na topic. Pero ako ang bumasag nang katahimikan.

"Thank you."

Naramdaman kong lumingon siya sakin, nasa quadrangle lang ang paningin ko. Sa mga ganitong mga kajejehan ng buhay ko, nahihiya ako. I mean ayaw ko ng sobrang sweet, ayaw ko ng sobrang clingy. Yes, kaibigan kita pero asahan mong hindi ko ipaparamadam sayong mahal kita araw-araw dahil simula ng naging kaibigan kita mahalaga ka na sakin.

"What do you mean?"

"Thank you for appreciating me, and thank you for being there for me." Ani ko sabay tingin sa kanya. Nahihiya ako pero wala akong magawa kundi ang tingnan siya.

Ngumiti siya. "No need. It's my Job."

"Really?"

"Yes. After all i know that Everytime before, you're the one keep saving me from my enemy."

"Our enemy." I corrected.

Natawa siya. "Yeah. I just want to get back, all of the sacrifices you've got for me."

Ngumiti ako. "We both know Rica, that we fought simultaneous. You don't need to get back, because in all directions to see, ako ang dapat na magpasalamat sayo nang lubusan."

Nagtaka siya. "What do you mean?"

"I know, that you've been appreciating our friendship, since that day you have the confidence to play with me."

Nanlalaki ang mga mata niyang tumingin sakin. Palagi siyang ganito, pag may ma-expose akong sikreto niyang ayaw niyang sabihin sakin.

Nasa Park ako ngayon at hinihintay si Tita Celishia, Mommy ni Rica. Tumawag siya sakin kanina na kung sana daw ay  magkikita kami sa Park para mag-kausap pag uwian na namin.

Tinanggap ko naman ang paanyaya niya after all, she's the woman who's being be my Mother because my Mother looks like 'walang pakialam sa akin'

Sa mga araw na hindi ko na kaya pa ang tratong ibinibigay ni Mama sakin pumunpunta ako kila Rica para makisama sa Pamilya nila. Masaya yung Pamilya nila, walang problema.

"Kanina ka pa?" Agad na narinig ko ang boses ng babaeng sana naging Mama ko nalang. Nag-angat ako ng tingin sabay tayo at nagmano sa kanya.

"Kakarating ko lang din po." Sagot ko.

Tumango-tango naman siya at umupo sa tabi ko. Bumuntong hininga siya at tumingin sa malayo. Wala pa akong masyadong alam kay Tita Celishia pero isa lang ang alam ko na mabuti siyang tao at may malaking puso.

"Bakit niyo po pala ako gustong makausap, Tita?" Agad na tanong ko. Baka hanapin kasi ako ni Mama hindi pa naman ako nakapag-paalam.

"Hindi na ako magpaligoy-ligoy pa. I have something to tell you." Aniya.

Warm Embrace (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon