32

148 6 0
                                    

Zhannarah

Pagod na isinalampak ko nang higa ang katawan sa kama ko ng makapasok ako sa kwarto galing trabaho. Sobrang pagod ng katawan ko at hindi ko alam kung makakatrabaho pa ba ako mamayang gabi.

Kailangan ko kasing mag-overtime dahil may mga pasyente ako na dapat time to time asikasuhin.

Tiningnan ko muna ang wall clock ng kwarto ko at napabuntong hininga. Alas dos na nang hapon ako nakauwi samantalang pumasok ako kanina ay madaling araw pa.

Napabuntong hininga nalang ulit ako at bumangon sa pagkakahiga at dumiretso sa banyo para maghalf-bath.

Nang matapos ay nagbihis lang ako ng puting top at pajama. Pag nasa bahay lang ako ay palaging expose yung mga balikat at tiyan ko dahil naiinitan ako.

Pinagpapawisan ako pag nakasuot ako ng T-shirt kahit na nasa bahay lang ako. Kaya ang mga isinusuot ko sa bahay ay mga sleeveless o di kaya'y Top.

Bumaba na ako sa kusina para sana kumuha ng meryenda. Ako lang pala mag-isa dito sa bahay.

Naka duty pa kasi si Mama habang si Papa naman ay bumalik sa Canada para magtrabaho, nasabi ko na bang Civil Engineer ang Papa ko? Nevermind.

Habang si Zirleanah naman ay inaasikaso ang mga negosyo niyang mga Hotel at mga Beaches. Kita mo nga yung gastador na yun may mga negosyo din pala.

Matapos kong kumuha ng icecream sa Ref at dalawang chips ay pumunta ako sa Sala at binuksan ang TV. Manonood nalang ako ng Netflix.

Habang nanonood ako ay biglang tumunog ang doorbell ng bahay. May bisita ba si Mama? May delivery ba si Zirleanah?

Hindi naman nila nasabi sakin. Ipinatong ko sa Center table ang icecream at pumunta sa pintuan para pagbuksan kung sino ito.

Nagulat ako ng pagbukas ko ay tumambad sakin ang gwapong mukha ni Chiro. Kahit ito ay nagulat din.

Nakalimutan ko dahil sa sobrang dami ng pangyayari at dahil na din sa nabusy ako, nakalimutan kong may kailangan pa pala kaming ikumpirma ni Chiro.

Isang buwan na kasi ang nakalipas simula nong umamin siya sakin. I never confess my feelings. Gusto kong makita niya ito base sa mga kilos ko. Ganon ako eh. Sa kilos ako bumabase kasi sabi nga nila, Action means louder than words.

Kaya ayun naniwala ako sa mga katagang yun. Kasi once na kilos na yung pagbabasehan mo, never na magsisinungaling 'to sayo. Ewan ko nalang kung manhid ka.

"Chiro."

"Zhannarah... Ba't mas lalo kang gumanda?"

"Chiro... Yanigin mo ang buhay ko, ngayon na."

"Mamaya na pag dala mo na ang apilyedo ko."

Natawa naman ako. "Gago. Pasok ka." Wika ko at binuksan ng malaki ang pinto. Agad naman siya na pumasok kaya sinira ko na ang pinto.

"Wala kang trabaho?" Tanong niya sakin sabay upo sa Couch na inupuan ko kanina at kinuha ang Icecream at kumain.

Hindi ko nalang ito pinansin. Sanay naman na ako sa feel at home ni Chiro dito sa bahay namin.

"Kaka-off ko lang." Sagot ko sabay upo sa tabi niya at inabot ang remote. Natapos na kasi ang pinanood ko at ayaw ko namang panoorin ang kasunod nito dahil sobrang Romantic. Ayaw ko ng romantic. Inilipat ko ito sa Action.

"Ikaw anong ginagawa mo dito? Wala karing trabaho?" Tanong ko sabay abot ng kutsara at kumain ng Icecream. Iisang kutsara lang yung ginamit namin.

Pareho naman kaming walang virus at tinatamad akong kumuha sa kusina ng bagong kutsara kaya share nalang kami.

"Nag restday ako." Simpleng sagot niya. Tumango-tango naman ako. Hindi na ako nagsalita pa at nanood nalang ng TV habang kumakain ng Icecream.

Warm Embrace (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon