16

166 8 0
                                    

Someone's POINT OF VIEW

Nakikita ko ang hirap, sakit, at lungkot sa mga mata niya. Kahit saan anggulo tingnan ay makikita dito na sobrang nag-aalala siya sa kinahihinatnan ng mga taong mahalaga sa kanya.

Hirap na hirap siyang tumayo galing sa pag eensayo. Alam kong hindi siya sanay sa ganitong uri ng laban pero sa buhay na mayroon siya kailangan niyang magsanay.

Nakamasid lang ako sa kanya habang patuloy na nilalabanan ang Labin-limang mga kalalakihan na wala yatang balak na magpatalo.

Dalawang taon na ang nakakalipas at isa lang ang ginagawa niya sa loob ng dalawang taon na iyon. Yun ay ang mag-ensayo ng mag-ensayo.

Nakikita ko yung pagod sa mukha niya pero nakakapagtaka dahil ang katawan niya ay patuloy parin sa paglaban na para bang hindi dumaan ang tatlong oras na pakikipaglaban.

Pagod siyang pumunta sa bench na pinaglalagyan ng mga gamit niya ng tumunog ang kampana tanda na tapos na ang pag-eensayo niya.

Agad na pinahiran niya ang nagdurogong labi sanhi ng pakikipaglaban.

Mataman ko lang siyang tiningnan nang may lumapit sa kanyang matandang lalaki at habang ito ay papalapit sa kanya ay pumapalakpak ito.

"Very Good! Very, Very Good!" Singhal nito habang pumapalakpak.

Ngunit hindi ito pinansin ng Babae at patuloy lang ito sa pagpunas sa sariling dugo at pawis na nakuha niya sa pag-eensayo.

"You never failed me to amazed you, Zhannarah."

Nakita ko ang pagtiim ng bagang niya at ang pagkuyom ng mga kamao niya. Kahit ilang taon na ang lumilipas ay patuloy parin na umuusbong ang galit niya para sa matanda.

"Stop pestering me, Old Man. If you don't want your expensive suit, stain by blood." Malamig at makapangyarihan nitong ani.

Hindi ko maiwasan na manindig ang balahibo dahil sa sinabi niya. Hindi ko akalain na ganito pala siya kung magsalita pag galit na.

Minsan ko nang nakita ang galit niya at ayaw na ayaw ko na itong maulit pa. Hindi mo kasi alam kung ano yung tumatakbo sa isip niya dahil mataman lang itong nakatitig sayo na para bang inaalam kung paano ka papatayin.

Nakita kong tumawa lang ang matanda dahil sa sinabi niya. Kaya mas lalong kumuyom ang kamao nito at handang-handa ng sapakin ang matandang nasa harapan niya.

"You're always like that, Granddaughter. I thought you love your Grandpa coz you come with me." Anito ng natatawa. Humarap si Zhannarah sa kanya at mataman siyang tiningnan.

"I don't do shits, Old Man. But if something happen to him. I'll make sure that you'll face your entire city down there." Seryoso nitong ani. Ngunit natawa lang ang matanda sa sinabi nito.

"You love him so much. Aren't you?" Sabi nito ng seryoso. Agad na nanlambot ang mukha ni Zhannarah sa narinig at nag-iwas ng tingin sabay yuko.

Hindi ko alam kung ano ang nasa isip niya pero nakikita ko ngayon ang sakit at pagkadismaya na naghahalo sa mga mata niya.

"Never let your feelings get too deep... People can change anytime." Wika nito.

Nakita kong kumunot ang noo ni Zhannarah sa sinabi nito. Kahit ako. Hindi ko alam kung ano ang pinagsasabi niya.

Nakita kong kumuyom ulit ang kamao ni Zhannarah at sinalubong ang nakapanindig balahibo na titig sa kanya ng matanda.

"I just can't help but to fall for him when i am far away from him. I really want to be with him, badly..."

Warm Embrace (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon