Chiro
6 months later...
"Ma! Manganganak na si Zhannarah!" Sigaw ko ng makita ang asawa ko na nakasandal sa pader habang namimilipit sa sakit at hawak-hawak ang umbok na niyang tiyan.
Nagmamadali namang bumaba si Mama galing sa taas at bumaba sabay lapit sa Asawa ko.
Sinabi niya sakin na sumabog na daw ang palatubigan nito na hindi ko naman alam kung ano ito. Pinatawag niya ako ng ambulansya.
Nagmamadali naman akong kinuha ang cellphone ko at tumawag ng ambulansya. Ilang sandali pa ay dumating na ito at agad na dinala si Zhannarah sa Hospital.
Nang makarating ay saktong sinalubong kami ng Doctor na babae. Mabuti naman kung ganon.
Aalalayan ko na sana ang asawa ko na humiga sa stretcher ng maramdaman niyang hinawakan ko siya at nanlilisik ang matang tiningnan niya ako. Agad naman akong lumayo.
Sa loob ng anim na buwan simula ng ikasal kami ay grabe pag nakikita niya ako ay umiinit ang ulo niya at binubulyawan ako.
Palaging masama ang timpla ng mukha niya pag nakikita ako. Noong unang trato niya sa akin ng ganon ay umiyak talaga ako!
Oo, legit! Umiyak ako kasi hindi ko alam kung bakit ano bang nagawa ko kung bakit ganon ang trato sakin ng asawa ko. Kaya nung isang araw na bumisita si Mama sa bahay namin ay agad na sinabi ko sa kanya ang pantatrato sakin ni Zhannarah na siyang ikinatawa ng malakas ng matanda.
Normal lang pala daw ito sa mga babaeng nagbubuntis. Normal lang na magka-moodswings sila. Kaya ayun grabe ang tawa ni Mama Keith sa akin.
Napakamali siguro ng ginawa kong iniyakan ko ang asawa ko dahil lang sa pagbabagong trato niya sa akin.
Agad na dinala ng Doctor ang Asawa ko sakay ng stretcher sa E.R at doon ipinasok. Nag-aalala naman akong naghintay sa waiting area lalo pa't habang dinadala namin siya dito ay panay ang sigaw niya dahil sa sakit. Masakit pala talaga pag manganak ka?
Puno na nang pawis ang mukha ko ng lumabas ang Doctor sa E.R at hiningan ako ng dalawang napkin. Nagtaka naman ako. Sinabi kasi ni Mama sakin na paghihingi ng gamit ng bata ang Doctor ay isa lang ang ibigay ko. Dahil isa lang naman ang bata.
Hindi ko nalang ito pinansin at binigyan ng dalawa. Siguro doble ang pagkakapulupot nito sa anak ko. Nilalamigan siguro. Pero bakit ganon? Malamig naman na dito sa Hospital bakit pinagpapawisan parin ako?
Kaya nang may kumalabit sa akin ay sobrang nagulat ako na ikinatawa lang nito.
"Ayos ka lang, pre?" Natatawang sambit ni Zedd sa akin. Hindi ko lang siya sinagot at tiningnan lang ang pinto ng E.R.
"Kamusta na si Zhannarah?"
"Nandun sa loob, nanganganak." Sagot ko.
Natawa naman siya. "Nahawa ka yata sa asawa mong pabalang kung sumagot."
Inirapan ko lang siya at hindi na pinansin. Hindi din naman nagtagal ay dumating si Mama at si Rica, na nakita kong ikinatigil ni Zedd. Hindi ko nalang ito pinansin at itinuon nalang ang sarili sa Mag-ina ko.
Kamusta na kaya si Zhannarah? Sobra kaya ang sakit? Hindi ko na ba siya bubuntisin? Pero gusto ko pa naman dalawa ang anak namin. Pero gusto niya isa lang. Hays, malas naman.
Ilang minuto pa ang lumipas ay lumabas na ang Doctor na nagpaanak sa asawa ko at nginitian kami. Sinabi naman niyang ililipat lang daw sa Kwarto si Zhannarah at isusunod nalang daw ang anak namin dahil lilinisan pa ito.
Nang mailipat na si Zhannarah sa kwarto ay agad naman akong pumunta dito. Naawa ako sa kalagayan niya. She's pale and sleeping. Sobrang hirap siguro ang manganak noh?
BINABASA MO ANG
Warm Embrace (COMPLETED)
RomanceVANISHON SERIES #1 Si Zhannarah ang babaeng palaging centro ng tuksuan palaging siya ang nakikita ng lahat para kutyain at asarin dahil sa katawan na mayroon siya. Pero ang hindi nila alam si Zhannarah ang isang babaeng kayang-kaya silang patumbahin...