Zhannarah
Napabalikwas ako ng bangon ng may marinig akong tunog ng Cellphone. Agad na inilibot ko ang paningin ko at tiningnan kung nasan ako. Halos puti ang nakikita ko. Puting kisame, puting kurtina, puting mga pader at puting damit na suot ko.
Patay na ba ako? Nasa langit na ba ako? Teka, may cellphone ba sa langit? Kung meron man edi napaka-high tech naman ng langit na napuntahan ko. Inilibot ko ang paningin at nagulat ng bigla nalang bumukas ang pinto at iniluwal nito ang nag-aalalang mukha ni Mama.
Nagmamadali siyang lumapit sakin at niyakap ako ng mahigpit.
"Zhannarah... Anak ko..." sambit niya habang yakap-yakap ako. Niyakap ko rin naman siya pabalik. Ilang sandali pa ay binitiwan na niya ako at mataman akong tiningnan at nginitian.
"Maayos na ba ang pakiramdam mo?"
Tumango ako. "Oo. Ikaw? Wala bang masakit na sayo? Okay ka lang ba?" Tanong ko.
Kumunot ang noo ko ng bigla siyang naluha. Teka, nakakaiyak ba yung sinabi ko? Sa pagkakaalala ko nagtanong lang naman ako.
"Oo. Okay lang ako..." Sagot niya sa gitna ng pag-iyak niya. Grabe nakakaiyak talaga ang sinabi ko. Oo, nakakaiyak.
"Mabuti naman kung ganon." Sagot ko. Tumango-tango siya at hinawakan ang magkabila kong mga kamay.
"Thank you, Zha... Thank you for saving my life, our lives... Maraming salamat sayo, Anak. Kasi kahit na ikaw itong nasa kama ng Hospital, nag-aalala ka parin samin. Bakit hindi mo i-try isipin din kahit isang beses lang ang sarili mo, Anak?" Wika niya habang walang tigil na bumuhos ang luha niya.
"Mama, pamilya ko po kayo. Responsibilidad kong isipin ang kalagayan niyo... "
"Alam ko... pero sana anak, kahit isang beses lang isipin mo rin ang sarili mo. Okay lang naman kami anak, okay na okay na kami. Ikaw na nga lang yung inaalala namin dahil dalawang araw ka ng tulog." Sabi niya na ikinalaki ng mga mata ko. Dalawang araw?! Kaya pala feeling ko nasa ulap ako kasi dalawang araw pala akong tulog. Galing. Very good.
"Okay na ako, Ma. Huwag na kayong mag-alala pa." Aniko na ikinangiti ni Mama. Kumunot ang noo ko ng mapansin na kami lang dalawa ni Mama.
"Saan po sila, Ma?"
"Nasa trabaho." Simpleng sagot niya at binigyan ako ng isang basong tubig. Agad ko naman itong tinanggap at ininom. Bumalik na sila sa trabaho? Mabuti naman kung ganon. Hindi na ako mag-aalala dahil alam ko namang okay na sila.
Hours passed. Ay pinayagan na akong umuwi ng Doctor na gumamot sa sugat ko sa braso. Nasa kwarto ako ngayon at nanonood ng Netflix ng may kumatok sa pinto ng kwarto ko.
"Pasok!" Sigaw ko. Bumukas naman ito at tumambad sakin ang gwapong mukha ni Chiro. Agad niya akong nginitian at lumapit sakin sabay yakap. Niyakap ko rin naman siya. Kinuha niya ang isang plastic na upuan at itinabi ito sa kama ko at umupo.
"Kamustang pakiramdam mo?" Tanong niya.
"Maayos na. Ikaw? Kamusta ka na? Mabuti nakaya mong bumalik sa trabaho." Sabi ko. Tumango naman siya.
"Kailangan eh. Lalo pa't ilang buwan nalang ikakasal na tayo." Wika niya na nakapagpatigil sa akin. Bumilis ang tibok ng puso ko at hindi mapigilan ang maluha.
Kahit na maraming pagsubok ang dumating sa buhay namin siniguro niya parin yung nararamdaman niya sakin. He doesn't change at all. He's the sweetest.
I know that he is the right person and i want him to be the right person that Redg mentioned. Indeed.
Ngumiti ako sa kanya at hinawakan ang pisngi niya. "You're so sweet." Wika ko.
Natawa naman siya. "Hindi naman ako candy." Pabalang na sagot niya. Inismiran ko lang siya.
BINABASA MO ANG
Warm Embrace (COMPLETED)
RomanceVANISHON SERIES #1 Si Zhannarah ang babaeng palaging centro ng tuksuan palaging siya ang nakikita ng lahat para kutyain at asarin dahil sa katawan na mayroon siya. Pero ang hindi nila alam si Zhannarah ang isang babaeng kayang-kaya silang patumbahin...