Ezraella Katashi Hiroshi

148 4 4
                                    

Ezra

Iminulat ko ang mga mata ko at agad na bumangon ng pumapasok galing sa bintana ng kwarto ko ang sinag ng araw.

Nag inat-inat muna ako bago ako pumasok ng banyo para maligo. Matapos maligo at magbihis ay lumabas na ako ng kwarto.

Pumunta ako ng kusina at nadatnan si Mommy at Daddy na nagtatawanan. Inilibot ko ang paningin ko at hindi ko makita ang kakambal ko kaya hindi ako tumuloy sa pagpasok sa kusina at pinuntahan ang kakambal ko na alam kung natutulog pa.

"Wake up, Zelestral!" Sigaw ko sabay talon sa kanya. Narinig ko namang umigik siya at sinipa ako, nahulog tuloy ako sa kama.

Pero bumalik parin ako sa pagkakapatong sa kanya at pilit na ginigising siya. Matagal kasi kung gumising ang lalaking 'to. Maaga naman kung matulog pero matagal gumising.

"Pag ako napikon sayo Ezra, magkakabukol 'yang mukha mo!" Singhal niya sakin at pilit na pinapaalis ako sa kama. Tumawa naman ako. Ang sweet naman.

"Bangon na kasi!" Sigaw ko pabalik. Ganito talaga kami pag-umaga nagsisigawan na para bang nasa malayo kami.

"Paano ako makakabangon eh nandyan ka at nakapatong! Piktusan kitang babae ka!" Singhal niya at malakas na sinipa ako.

Sa ikalawang pagkakataon ay nahulog ako sa kama. Ang lintek na 'to ang hilig manipa.

"Fine! Aalis na ako! Bumangon ka na diyan! Ang dugyot mo matulog, tumutulo ang laway at mabaho ang bunganga! Unggoy!" Sigaw ko sabay padabog na lumabas ng kwarto niya.

Actually, that was just a joke. Kung ikukumpara kami ni Zelestral ay mas malinis pa siya kaysa sakin. Mas naka-arrange pa ang closet niya kaysa sa akin. Mas mabango pa ang kama niya kaysa sakin. Inshort cleanliness siyang tao.

Ayaw niya sa madumi. Ayaw niya sa makalat. Ayaw niya sa mabaho. Pero hindi ko naman siya masasabing maarte dahil first of all lumaki talaga siyang malinis.

Hindi ko naman sinasabing hindi ako malinis. Pero sa aming dalawa talaga ay mas malinis si Zelestral kaysa sa akin. Hindi ko alam kung saan siya nagmana pero base sa pagkakakita ko sa mga Magulang namin ay nagmana siya kay Daddy.

"Sweet Lovers." Sambit ko ng makapasok ako sa kusina. Tumigil naman sila sa pagtatawanan at nilingon ako. My dearest Parents.

"Ezra." Si Daddy.

"Good Morning, Beautiful and Handsome." Wika ko sabay lapit sa kanila at hinalikan sila sa pisngi.

"Good Morning too, Sweetie. Where's Yubi?" Si Mommy.

"He's upstairs. Taking a bath." Sagot ko. Tumango-tango naman si Mommy at sinandokan ako ng kanin sa plato. Ganon din naman ang ginawa ni Daddy at nilagyan ng ulam ang plato ko.

Always the sweetest.

Umupo na sila at uminom ng kape.

"So may naisip ka na bang Course na kukunin?" Tanong ni Daddy. Umiling naman ako.

"I'm still not sure. Naguguluhan pa ako kasi hindi ko makita ang sarili ko dito." Sagot ko.

"Ano bang pagpipilian mo? Or may pagpipilian ka ba?" Wika ni Mommy.

Tumango ako. "Meron. Kung magDo-Doctor ba ako or Flight Attendant." Sagot ko.

"And? Bakit ka naguguluhan?"

"Hindi ko nga makita ang sarili ko dito." Sagot ko.

Narinig ko namang bumuntong hininga si Mommy.

"Just don't pressure yourself choosing a course. Piliin mo yung mas gusto mo. Piliin mo yung kayang-kaya mong ihandle. Choosing a course is just like choosing between your favorite dish or your favorite dessert. You love it both but you need to choose what your heart desire and what makes you better when you choose that. Don't hesitate choosing the best one because whenever you choose the favorite dish or favorite dessert you will be the one who knows what is the best for you." Sabi ni Mommy habang mataman na nakatingin sa akin.

Warm Embrace (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon