38

142 7 0
                                    

Zhannarah

Agad na kinasa ko ang baril ng makita ang senyas ni Zirleanah sa malayo na papasok na daw sila. Tumingin ako sa isang warehouse na sobrang laki. Na animong may maraming gamit ang nasa loob nito.

Itong warehouse na 'to dito dinala ni Redg si Mama. Na nandito lang sa Pilipinas. Hindi kasi pwedeng dalhin ni Redg si Mama sa ibang bansa dahil agad na mahuhuli din naman siya ni Rancor kung gagawin niya ito.

Napag-alaman naming ikinulong ni Redg si Mama sa kulungan na nasa underground. Kailangan naming kunin si Mama dahil pag hindi namin agad siya makuha ay posibleng may mangyaring masama sa kanya.

Binilang ko ang bantay na nasa labas ng warehouse. Nasa mahigit dalawampu ang mga ito. Tiningnan ko ang wrist watch ko at agad na humanda nang malapit na ang oras ko sa pagpasok.

Nauna nang pumasok sila Zirleanah at Viggo dahil sila ang magpapatumba sa mga bantay habang ako naman ang maghahanap kay Mama at ilalabas siya.

Nang dumating na ang oras ay agad na pumasok ako, ipinasok ko na muna sa gilid ko ang baril. Kaya ko namang lumaban ng combatan kaya walang problema kung hindi ako magdadala ng baril.

Habang naglalakad ako ay hindi ko maiwasan na mapatingin sa mga armas na nasa sahig at nagkalat, ito kasi ang mga armas na dala-dala ng mga tauhan ni Redg na nauna nang patumbahin nila Zirleanah at Viggo.

Lahat ng kwarto na nadadaanan ko ay tinitingnan ito, pero lahat din ang mga ito ay may mga tauhan ni Redg na walang malay.

Naka-off na rin ang lahat ng CCTV kaya kahit na anino namin hindi makikita ng mga tauhan ni Redg.

Wala ngayon si Redg dahil pinatawag ito ni Rancor na nasa New Zealand. Kaya ganito nalang kadami ang mga tauhan niya na nagbabantay kay Mama.

Inilabas ko ang baril ko ng narinig ko sa Earphone ko si Zirleanah. Sinasabing nasa west wing sila at inaatake ng mga tauhan ni Redg.

Nasa east wing kasi ako ng wearhouse kaya hindi pa nila ito napupuntahan, posibleng may mga tauhan din ni Redg dito kaya kailangan kong maghanda lalo pa't ang mga tauhan niya ay hindi basta-basta at sanay sa pakikipaglaban.

Ngunit nagtaka ako ng nasa pinakadulo na ako ng east wing ay wala na akong makitang kahit na anong pinto o kwarto. May isang bookshelf na puno ng mga libro na nakaharang sa pinakadulo na pader.

Tiningnan ko ng maigi ang mga libro na nakalagay sa bookshelf at agad na ginalaw ito ng mapagtantong ito ang gagalawin para mabuksan ang pinto papunta sa underground.

As expected tumaas ang bookshelf at tumambad sakin ang madilim na parte ng warehouse na yun. Wala akong makitang ilaw kaya kinuha ko ang isang lampara na nakasabit sa bawat pader na madadaanan at pumasok dito.

Ilang hakbang palang ang nagagawa ko ay bumaba ulit ang bookshelf kaya mas lalong dumilim ang lahat.

Idiniin ko ang lampara sa paahan ko ng maramdaman kong parang hagdanan pababa ang madadaanan ko. Dahan-dahan akong bumaba at ilang sandali pa ang lumipas ay may nakita akong dalawang pinto.

Nagtaka ako ng hanggang dito ay wala paring ilaw. Imposible kung walang ilaw. For sure may tinatagong ilaw si Redg dito.

Ikinapa ko ang isang kamay ko sa pader para malaman kung saan ang switch ng ilaw. Kaya nung makapaan ko ito ay agad na binuksan ko ang ilaw.

Unang binuksan ko ang pinto sa kanan at pumasok dito pero banyo pala ito kaya ako lumabas at binuksan ang isa pang pinto at pumasok dito.

Naibagsak ko ang lampara na kaninang dala ko ng makita kung sino ang nasa loob ng kwarto na yun.

Warm Embrace (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon