26

158 6 8
                                    

Chiro

Ngiti-ngiti kong isinara ang Laptop ko nang matapos akong manood ng Anime dito.

Pagkatapos kasi ng trabaho ko ay agad na nanonood ako. Tiningnan ko ang wall clock na nasa loob lang ng Kwarto ko agad akong dumiretso sa Banyo para maligo dahil susunduin ko pa si Zhannarah.

Habang naliligo ako ay grabe ang kabog ng dibdib ko naalala ko kasi kanina nong hinalikan ko siya sa Noo at pisngi.

Pinipigilan ko ang sarili kong halikan siya baka ma-offend kaso gusto ko talagang halikan siya sa pisngi niya. Para akong baliw na ibinabalik ang nangyari kanina sa isip ko.

Nang matapos ko kasi siyang halikan at tumalikod na ako ay grabe ang pamumula ng pisngi ko! Nakakahiya.

Nakayuko tuloy akong pumunta sa parking lot baka makita nila yung mukha kong namumula.

Isinuot ko nalang ay ang puting hood at pinatungan ito ng Flap Pocket Washed Denim Jacket. At Jeans. Agad na isinuot ko ang puting sneakers ko at lumabas na nang bahay.

Dinala ko ang Lamborghini Huracan ko at agad na pinausad ito papunta sa Hospital na pagmamay-ari nila Zhannarah.

Malayo palang ay nakita ko na siya na nakatayo sa labas ng Hospital nila.

Kumunot ang noo ko nang makita ang suot niya. Nakasuot kasi siya ng White Fitted Top at PU Leather Asymmetrical Bodycon Skirt habang sa paahan naman nito ay Blue Two Part Suede Stiletto Heeled Sandals.

Bakit ba alam ko ang mga damit na yan? Umiling-iling nalang ako at mas binilisan pa ang pagpapatakbo.

Titigil sana ako sa harapan niya nang nay tumigil dito na isang Kotse ng Brabus.

Tumigil ako sa hindi medyo kalayuan at tiningnan ang lalaking lumabas sa kotse.

Nakikita kong nag-uusap sila pero ang noo ni Zhannarah ay nakakunot. Seryoso naman ang lalaki na nakikipag-usap sa kanya.

Tumiim ang bagang ko nang sumama si Zhannarah dito at sumakay sa kotse nito.

Mahigpit ang kapit ko sa manobela habang sinusundan ang kotse na laman si Zhannarah at ang lalaking hindi ko kilala.

Base sa pagtingin ko sa kanya ay parang magka-edad lang kami at magkapareho nang laki ng katawan. Sa palagay ko ay mas gwapo ako sa kanya, mas macho at mas matangkad.

Teka nga bakit ko ba kinokompara ang sarili ko sa kanya na wala naman akong katulad! Walang katulad ang isang Youichiro Kioshi Hiroshi at nag-iisa lang! Damn!

Tumigil sila sa isang mamahalin na Resto at pumasok dito. Ilang sandali pa ako bago lumabas at pumasok din dito.

Nakita kong naghahagikhikan sila kaya madilim ang mukhang lumapit ako sa kanila.

"You look good." Puri ng lalaki kay Zhannarah. Pareho silang nakatagilid sakin kaya hindi nila ako napansin na lumapit sa kanila.

Ngumiti si Zhannarah at nagpasalamat. Panay ang puri ng lalaki sa kanya kaya sumabat na ako.

"I think you want to live longer."

Zhannarah

Nagulat ako nang marinig ang baritonong boses ni Chiro kaya agad akong lumingon sa kanya.

Madilim ang mukha niya at masamang nakatingin siya sa kasama ko. Nakalimutan kong susunduin pala niya ako! My bad!

"C-Chiro..." Tawag ko sa kanya. Hindi niya ako pinansin at nasa kasama ko lang ang paningin.

Umurong ako nang umupo siya sa tabi ko at ipinagkrus ang mga braso nito.

"Who are you?" Galit ang boses na tanong nito sa kasama kong nakatingin lang sa kanya.

Warm Embrace (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon