11

201 5 1
                                    

Zhannarah

Dahan-dahan akong dumilat at nakita ang nanlilisik na mata ni Mama na nakatingin sa lalaking nakaupo.

Dahan-dahan akong bumangon at sumandal sa headboard ng kama. Hindi parin nila napapansing gising na ako.

Nilingon ko si Zedd, Rica pati na si Chiro na nasa tabi lang at nakikinig sa alitan ng dalawa. Nakatitig lang ako sa masamang tingin ni Mama sa lalaking nakaupo at sinasalubong ang tingin niya.

"Zhannarah! Thank God, gising ka na anak." Wika ni Mama habang marahan akong niyayakap.

Hindi parin naiaalis ang paningin ko sa lalaking matipuno ang katawan. May maibubugang kagwapohan. Maputing balat. Makinis na mukha. At kulay berdeng mga mata.

"Sino siya..."

Naramdaman kong natigilan si Mama. At dahan-dahang kumalas sa pagkakayakap sakin. Matapos ay nilingon niya rin ang lalaking naka-alitan niya kanina.

"He's..."

Nilingon ko si Mama sabay buntong hininga. Ayaw ko munang pahirapan ang sarili ko ngayon.

Gusto ko na munang makalma yung utak ko sa sobrang pag-iisip. At ang puso kong sobrang nadurog.

"Nevermind. Gutom na ako..." Ani ko sabay lingon kay Zedd, Rica at Chiro na mataman lang na nakatingin samin.

Kinawayan ko sila at ngumiti. "Hi..."

Ilang sandali pa silang natigilan at bigla ay lumapit sila sakin at mahigpit na niyakap ako. Yinakap ko rin sila. Namiss ko sila.

"Kamustang tulog mo?" Si Chiro.

"Malay ko tulog ako eh."

Babatukan na sana niya ako nang pagkalakas-lakas nang maalala niyang hindi pa ako masyadong magaling.

Nginisihan ko siya at sinamaan niya naman ako nang tingin. Sa huli ay mahigpit na niyakap nalang niya ako.

Nang marinig ko na may suminghot-singhot ay agad akong kumalas sa pagkakayakap sa kanya.

"What the hell Chiro? Are you crying?" Wika ko sabay humalakhak. Pero agad din na tumigil ng sumakit ang tahi ko sa dibdib.

Nakalimutan kong hindi pa pala maayos ang katawan ko.

"No, I'm not..." Sabi niya sabay talikod at pinunasan ang mga mata niya. Natawa naman si Zedd at Rica.

"Chiro, umiiyak ka? Totoo yan? Bakit?" Pang-aasar ko sa kanya.

"Sino bang may sabing umiiyak ako? Sa pagkakaalala ko sa dibdib mo sinaksak ang kutsilyo at hindi sa ulo mo."

Sinamaan ko lang siya ng tingin ng tumawa naman sila Zedd, Mama at Rica pati na rin yung lalaking hindi ko kilala.

Nagtaka ako ng lumapit sakin ang lalaking hindi ko kilala at agad akong niyakap. Nagulat pa ako.

"I miss you..."

"HERE. Kumain ka nito. Ito pa. Ito din kainin mo. Tsaka ito." Sabik na saad ni Mama habang binibigyan ako ng iba't ibang uri ng prutas. Agad ko rin naman itong kinain.

"Calm down, Ma. Okay na ako."

Umiling naman siya. "No. Kailangan mong magpalakas para gumaling ka agad."

"Okay naman na ang pakiramdam ko."

"Zhannarah Reece! Makinig ka sakin dahil ako ang Mama mo!" Saad niya sabay balat ng dalandan.

Napangiti naman ako. In my entire life, Never akong tinawag ni Mama sa buo kong pangalan. Palagi niya lang akong tinatawag na Zha o di kaya'y Zhannarah.

Warm Embrace (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon