Zhannarah
Ilang buwan ang lumipas simula nang Mawala ang Mommy ni Rica at masasabi kong hindi nag-iba si Rica dahil sa pagkawala ng Mommy niya.
Kung ano siya dati, ganon parin naman siya hanggang ngayon. I salute her for being a brave woman just like her mother to handle the situation that not anyone can.
At ilang buwan na din ang lumipas simula nang mas lalong lumayo ang loob ko sa Pamilya ko.
Hindi ko alam kung napapansin nila ito pero sana mapansin nila ito. Mapansin sana nilang mahirap saking tiisin ang tratong ginagawa nila sakin.
Ilang buwan na rin ang lumipas simula nang nasa poder namin si Zedd Vasquez, na bigla-bigla nalang susulpot sa tahimik naming buhay.
Hindi ko alam kung anong rason at anong ginagawa niya para ipakilala ang sariling kamag-anak namin siya.
Pero wala akong karapatan na husgahan ang pagkatao niya dahil kung tutuusin mas itinuturing pa siyang anak ng aking Ina.
"Zhannarah? Okay ka lang ba?" Rica asked.
Tumango-tango naman si Chiro.
Nandito kami ngayon sa Mall at wala kaming pasok, weekend kasi. Napagpasiyahan naming magpalamig muna at dito kami sa Mall, dumiretso na.
I fake my smile and just nodded.
"Kanina ka pa niya tinatawag." Si Chiro.
"Bakit?" Tanong ko.
Mariin akong tiningnan ni Rica at hindi din naman ako bumitaw sa kakatitig sa kanya. Ilang sandali pa ay tinanggap niya ang pagkatalo niya at bumuntong hininga.
"Anong gusto mong gift?" She asked, with wide smile on her face.
"Ano bang pinagsasabi mo?"
"Boang, nakalimutan mo na?!" Bulyaw sakin ni Chiro. Nagtataka naman akong tumingin sa kanila.
"Nakalimutan mo talaga, Zhannarah?!" Si Rica.
Ano bang nakalimutan? Importante ba ang araw ngayon? Holiday? Di pa naman pasko ah.
"Hindi pa pasko, Rica. Wag kang advance mag-isip." Sabi ko, habang nagpapatuloy parin sa paglalakad. I wonder kung san ang destinasyon namin.
"Ano ba kasing gift ang pinagsasabi niyo?"
"It's your day. Nakalimutan mo na? Birthday mo ngayon. Ngayon ang araw na nabuhay ka at ngayon ang araw na lumabas ka sa sinapupunan ng Mama mo." Si Rica.
"Tumpak! Ngayon ang araw na nagmulat ka sa mundo!" Pagsasabat naman ni Chiro.
Parang tanga naman ng pinagsasabi nang dalawang 'to. Mga boang.
Tipid naman akong ngumiti. "Kailangan pa pala yun?"
I never forget my birthday, ito kasi yung araw na binigay ng Diyos sakin para tuparin ang mga tungkulin ko sa buhay.
Kahit kailan hindi ko nakalimutan ang kaarawan ko kasi mahalaga ito para sakin, palagi ko itong pinapahalagahan kahit na si Rica at si Chiro lang ang nakakaalam.
Sa buong buhay ko hindi ako nagdiwang ng birthday na kasama ang Mama ko.
I've been celebrating alone. Sa University na kasi kami nagdidiwang ni Rica at Chiro.
Pag-uwi ko nang bahay, expect kong may surpresa si Mama, pero gaya ng dati wala parin pala.
Pag dumadating ang birthday ko, pagkagising ko palang i always thank God for giving me another year of Life.
BINABASA MO ANG
Warm Embrace (COMPLETED)
RomanceVANISHON SERIES #1 Si Zhannarah ang babaeng palaging centro ng tuksuan palaging siya ang nakikita ng lahat para kutyain at asarin dahil sa katawan na mayroon siya. Pero ang hindi nila alam si Zhannarah ang isang babaeng kayang-kaya silang patumbahin...