10

202 5 1
                                    

Keith

Being a Mother is not easy. Much more you witnessed your child suffering from pain.

Hindi madaling makita ang anak mong nahihirapan. Masakit, parang dinurog yung puso ko sa nangyari sa anak ko.

I won't let that incident happen again.

Nasa isang sasakyan lamang ang mag-iina, dahil hinihintay nito ang balik ng kanilang Padre de Pamilya galing sa isang tindahan.

Pero hindi pa ito nakakabalik ng biglang may pumukpok sa isang bintana ng bahagi ng kotse, at binuksan ang pintuan.

Agad na lumapit ang tatlong taong gulang na bata sa kanyang ina at nanginginig na niyakap ng bata ang kanyang nag-aalalang ina.

Nakatingin kasi ito sa isa niya pang anak na panay ang iyak dahil nasa bisig ito ng hindi makilalang mga kalalakihan.

Tatlo ang kanyang anak at mahimbing na natutulog ang isa pa niyang anak sa upuan ng kanyang asawa sa kotse kaya hindi ito nakita ng mga kalalakihan.

"Let her go!" Sigaw ng Ina sa mga lalaking inilalayo na ang kanyang isang anak.

Agad na lumabas ang Ina at tumakbo palapit sa anak niyang umiiyak hindi alintana ang tatlong taong gulang na bata na naiwan sa kotse na umiiyak, kasama ang isang batang babaeng mahimbing na natutulog.

Naabutan ng ina ang kanyang anak at marahas itong hinila ngunit sadyang malaki at malakas ang lalaking kumuha sa anak niya.

Pilit niya parin itong kinukuha at nahihirapan na ang kanyang anak sa pag-iyak. Hindi kasi ito pwedeng masobraan ng iyak dahil mahina ang puso nito.

"Please... let my daughter go..." pagmamakaawa ng ina sa lalaki habang pilit na kinukuha dito ang bata.

Nasa nag-iisang anak niya lang nakatuon ang pansin niya at hindi alam kung ano na ba ang nangyayari sa dalawa pa niyang mga anak.

Hindi nagsalita ang lalaki at sumenyas ito sa kasama na kunin na ang ina at ilayo ito sa kanya.

Lumapit sa Ina ang kasama ng lalaki at marahas siya nitong hilahin papalayo. Ngunit patuloy parin sa panlalaban ang ina makuha lamang ang anak niya.

"Let her go! Let her go! Let my daughter go!" Pasigaw na ani parin nito kahit siya mismo nahihirapan sa kamay ng malalaking tao.

Lumingon lingon ang Ina at hinanap ang kanyang asawa, ngunit nakita niya itong nakatayo at malungkot na tumingin sa kanya habang karga sa mga bisig nito ang isang batang mahimbing parin ang pagtulog.

Agad na hinanap ng mata niya ang kanyang tatlong taong gulang na anak at nakita niya ito na nakahiga sa loob ng itim na sasakyan lalapit na sana siya dito ng humarang ang isa pang lalaki.

Napakaraming mga lalaking may takip sa mukha na nakapaligid sa kanila pero alam niya kung sino ang nang-utos at may pakana ng lahat ng ito.

Nakita niyang nakasakay na ang lalaking kumuha sa isa niyang anak sa itim na Van at agad itong pinaharurot.

Luha-luha siyang napaluhod ng makitang isinarado narin ang Sasakyan na kinahihigaan ng kanyang tatlong taong gulang na anak at agad itong humarurot.

Lumakas ang hagulhol niya ng hindi na mahagip ng mata niya ang mga sasakyang kumuha sa dalawang anak niya.

Sa kabilang banda, durog ang puso ng kanyang Asawa na nakatingin sa kanya. Pinipigilan niya ang luhang tumulo dahil wala siyang karapatan na makita ito ng kanyang Asawa dahil unang-una siya ang Padre de Pamilya pero wala siyang ginawa para masalba ang miyembro ng Pamilya niya.

Warm Embrace (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon