Zhannarah
Isang linggo ang lumipas simula nang masasabi kong nag-iba ang paniniwala ko at trato ko sa pamilya ko. Hindi ko mawari, lalo na kay Mama na may tinatago siya sakin.
Okay lang naman kasi sakin na may itinago siya sakin pero yung tratuhin akong parang hindi ako belong sa Pamilya? Sakit nun, pre.
Sa loob nang isang linggo, parang nabaliktad yung anak ni Mama. Mas masasabi ko pang anak niya si Zedd kesa sakin.
Nagseselos ako? Normal, anak niya ako eh. Minsan sa buhay ko hindi ko naramdamang pinapahiwatig ng Mama kong mahal niya ako.
Oo nasa iisa kaming bahay. Oo nakikita ng mga tao na mag-ina kami. Pero hindi yun ang turingan namin sa isa't isa lalo pa kay Mama sakin.
Iba niya ako kung turingin, parang mali na nabuhay ako, mali na naging anak niya ako.
Hindi ko 'to sinasabi sa iba, lalo na kay Rica at Chiro na hindi kami gaanong close ng Mama ko, pero pakiramdam ko naman na napapansin nila yun. Ayaw lang nilang buksan yun, habang kasama ako.
Masakit saking isipin pero totoong parang hindi ako anak ng Mama ko.
May mga araw pa nga na umiiyak ako sa kwarto hindi dahil sa bully ng ibang tao sa katawan na meron ako, kundi sa turing ng Mama ko sakin.
Bakit ganon? Kung kailan na kayong dalawa lang ang nandyan, kayo pa yung hindi mawari sa sarili kung mag-ina ba talaga o magkakilala lang.
Hindi naman kasi talaga ako pala kapit sa Mama ko eh, kasi simula ng magka-isip ako, itinatak ko na sa isip kong hindi lahat ng panahon at oras ay nasa tabi ko ang Mama ko.
Masakit panoorin na yung Mama mo, suportado sa ibang tao kesa sariling anak nito.
"Okay na. Ang gwapo mo, Zedd."
Wika ng Mama ko, kay Zedd habang may malaking ngiti sa labi nito.Ngumiti naman si Zedd, at nagpasalamat. Lumingon ito sakin at tiningnan ako.
"Anong masasabi mo, Zha?"
"Nothing." Walang gana kong sabi.
Kumunot naman yung noo niya.
"Nothing? Hindi ba ako gwapo?"
"Zedd pangalan mo diba? Edi hindi ka gwapo kasi si Zedd ka." Aniko sabay talikod sa kanila at kinuha ang bag ko na nasa sala.
Paalis na kami at sasama si Mama samin para suportahan si Zedd sa Pageant na kabibilangan niya.
First time na pumunta ang Mama ko sa Unibersidad na pinag-aaralan ko hindi para daluhan ako kundi suportahan ang ibang tao.
Nakarating na kami ng University at agad akong humiwalay sa kanila.
Sinabi kong hindi ako makakadalo sa Pageant ni Zedd dahil may Long Quiz kami, which is Alibi ko lang.
Ayaw ko lang makita yung Mama ko na sobrang saya sa ibang tao, tapos sakin parang nagsisisi, na ewan.
Wala kaming Klase ngayon kasi araw ngayon ng Anibersaryo ng University namin.
Kaya may pa pageant sila. Nandito ako ngayon sa Peace Garden at nag-iisip kung ano ba ang gagawin ko sa araw na ito?
Ilang sandali pa ay naramdaman kong nag-vibrate ang Cellphone ko, agad ko itong kinuha at tiningnan. Si Rica, tumatawag.
"Hello?"
"Zha? Nasan ka? Nakita ko Mama mo dito, ba't wala ka?"
"Nasa PG ako."
BINABASA MO ANG
Warm Embrace (COMPLETED)
RomanceVANISHON SERIES #1 Si Zhannarah ang babaeng palaging centro ng tuksuan palaging siya ang nakikita ng lahat para kutyain at asarin dahil sa katawan na mayroon siya. Pero ang hindi nila alam si Zhannarah ang isang babaeng kayang-kaya silang patumbahin...