Someone's POINT OF VIEW
Patuloy parin siya sa paglaban kahit na sobrang hirap na nang katawan niya at ang tangi lamang niyang dala ay ang kanyang lakas.
Nanonood lang ako sa paglalaban ng sampung kalalakihan laban sa isang babae. Hindi mo maikakaila na nahihirapan na ang babae dahil dalawang oras na silang naglalaban.
Lumundag ang isang lalaki sa harapan niya kaya agad niya itong siniko sa leeg at sinipa ang tiyan nito.
Napaigik ang lalaki at umatras ito. Lumingon naman siya sa likod niya at nakita ang limang mga lalaking handa nang dumepensa sa mga suntok at sipa na gagawin niya.
Handa na sana siyang tatakbo dito ng tumunog ang kampana, tanda na tapos na ang ensayo niya sa araw na yon.
Agad akong lumapit sa kanya at ibinigay sa kanya ang pampunas at isang bote ng tubig. Walang imik niya itong tinanggap at agad na ibinigay sa akin matapos.
"Anong balita?" Malamig at makapangyarihan niyang tanong sa akin.
Araw-araw pagkatapos ng ensayo niya ay tinatanong niya sakin ang balita patungkol sa mga mahahalagang tao sa buhay niya.
Umiling ako kaya bumuntong hininga siya.
"Limang taon na ang nakalipas pero bakit wala parin siyang balita." Naiinis nitong wika. Sabay suot ng Coat.
Bumuntong hininga nalang ako at hindi na sinagot ang sinabi niya. Kinuha ko ang sobre na naglalaman ng importanteng detalye patungkol sa kalaban na haharapin niya. Agad niya itong kinuha at binasa.
"Comelo? May alam ka pa bang detalye patungkol sa Comelo'ng ito?" Tanong niya sa akin. Tumango ako at isinuwalat sa kanya ang lahat nang nalalaman ko.
"Magaling. Aalis tayo mamayang hating gabi."
"Bakit? Saan tayo pupunta? Sa pagkakaalam ko sa susunod na linggo pa ang laban niyo." Nagtatakang ani ko.
"May bibilhin lang ako." Sagot nito sabay kuha ng katana niya at ilagay ito sa lalagyan.
"Anong bibilhin mo?"
Lumingon siya sakin at mataman akong tiningnan. Agad akong nag-iwas nang tingin dahil parang sasabog ang dibdib ko sa kaba dahil lang sa tingin niya.
Narinig kong bumuntong hininga siya at inayos ang Coat na suot niya.
"Just one thing."
Rica
Nasa Cafeteria ako ng University ng nagpadala ako ng mensahe kay Chiro. It's been 5 year's ago simula nang mawala si Zhannarah and Chiro did his best to move on.
Limang taon na din ang lumipas nung malaman kong gusto, no, mahal pala ni Chiro si Zhannarah.
Yes. Nakita ko sila sa tabing dagat at nag-uusap ng gabing yun. Hindi lang silang dalawa ang tao ng mga oras na yun, dahil nandon ako at nakikinig sa pag-uusap nila.
I feel so sad to Chiro, kasi sa mga oras na yun ramdam mo yung hirap na pinag-daanan niya mapigilan lang ang nararamdaman para sa kaibigan.
Naiintindihan ko din naman si Zhannarah kung bakit hindi niya binigyan ng Pag-asa si Chiro kasi in the first place. Magkaibigan kami. Matagal na.
Kahit ako yung nasa posisyon ni Zhannarah i would never waste the strong friendship we have. Minsan ka lang makakahanap nang tunay na kaibigan.
Sa loob ng limang taon, nakikita kong unti-unting naging matatag si Chiro, though matatag naman talaga siya, pero mas lalo pang tumatag yung sarili niya simula nung mawala si Zhannarah.
BINABASA MO ANG
Warm Embrace (COMPLETED)
Lãng mạnVANISHON SERIES #1 Si Zhannarah ang babaeng palaging centro ng tuksuan palaging siya ang nakikita ng lahat para kutyain at asarin dahil sa katawan na mayroon siya. Pero ang hindi nila alam si Zhannarah ang isang babaeng kayang-kaya silang patumbahin...