Yubinori Zelestral Hiroshi

156 4 0
                                    

Yubi

Naglalakad ako ngayon papunta sa Room ko nang biglang may tumawag sa akin. Agad ko itong nilingon at bumuntong hininga ng makita si Katness. Ang Best friend kong ugok.

"Oh? Ugok." Bati ko sabay batok sa kanya. Ganyan kasi ako pagbumabati. Nambabatok. Ewan ko, hobby ko na yata.

"Gago! Nambabatok ka na naman para ka talagang Tae sa Mars!" Singhal niya sabay pingot ng tenga ko. Bumuntong hininga nalang ako at naglakad na. Sumabay naman siya sa akin, eh magkaklase lang naman kami.

"Nakita kita kahapon, Yubi." Pagsisimula niya habang naglalakad kami sa hallway. Nilingon ko naman siya.

"Oh, ba't di mo ako tinawag?"

"May kasama kang babae eh." Sagot niya. Ngumisi naman ako.

Kahapon kasi nagpasama si Mommy sa Mall mago-grocery daw. I love my Mom so much kaya pumayag na ako, kawawa naman at walang kasama. Hindi pa nakikita ni Katness si Mommy pero alam naman niya yung pangalan nito.

"Ah."

"Sino yung kasama mong babae kahapon?" Tanong nito. Pinigilan ko naman ang tawa ko.

"Si Mommy." Sagot ko at nakangisi sa kanya. Umismid naman siya at humarap sakin.

"Nagseselos ako. Lumayo ka sa Mommy mo." Wika niya na ikinatawa ko ng malakas. Ang dagang 'to! Hahahahahaha

"Bakit ka ba tumatawa!" Singhal niya sa akin ng hindi pa ako tumitigil sa kakatawa.

Umiling-iling naman ako at dumiretso na papasok ng Room. Kahabagin naman sana ng maykapal si Katness sa mga pinagsasabi niya.

Saktong pagpasok namin sa Room ay pumasok na din ang Prof kaya hindi na kami nag-usap pa ni Katness.

Hours passed. Lunch Break na. Papunta na kami ngayon ni Katness sa Cafeteria at panay naman ang kwento niya na hindi naman connect sa mga pinagsasabi niya kanina. Para bang kada hinto niya ng pagsasalita ay bago na naman ang sasabihin niya.

Hindi ko nalang siya pinansin at dumiretso nalang papasok ng Cafeteria. Inilibot ko ang paningin ko at hinanap ang kakambal ko. For sure nandito na yun.

Nang makita siya ay agad na lumapit ako sa kanya. Pero may kausap siya, kasama niya rin yung mga chicks niyang barkada. Sexy.

"Sabi ni Peter Pan mag-isip ka lang daw ng maganda makakalipad ka. Pero bakit nung inisip kita nahulog ako?" Pagbabanat ng kakambal ko sa isang lalaki na hanggang kuko ko lang ang kagwapohan. Chos.

Ngumiti naman ang lalaki at parang kinilig ito dahil namula ang buong mukha nito. Nagtawanan naman ang barkada ni Ezra.

"Babae na talaga bumabanat ngayon tapos lalaki na ang pabebe." Pagsasabat ko. Nilingon naman nila ako. Nagtutulakan naman yung mga barkada ni Ezra na pumunta sa akin pero isa sa kanila wala akong pinansin. Mataas standard ko.

Sinamaan lang ako ng tingin ng kapatid ko at ibinalik ang paningin sa lalaking binanatan niya na namumula na ang mukha sa kilig.

"Ilang taon ka na?" Tanong nito sa lalaki. Iba rin ang babaeng 'to. Parang kahapon lang nakipag-break ang boyfriend niya sa kanya tapos ngayon naghahanap na ng iba. Ang daling maka-move on ah?

"18." Sagot naman ng lalaki. Umismid naman ako. 18 pa siya? Ang matured naman ng mukha niya, parang tatay. Chos. Gwapo parin ako.

Tumango-tango naman si Ezra.

"Akala ko 4." Sagot nito.

Alam ko na kung anong banat ito. Nilingon ako ng kapatid ko at sinamaan ng tingin tanda na huwag daw akong makisali.

Warm Embrace (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon