21

156 7 1
                                    

Zhannarah

Isang linggo ang lumipas at wala parin akong pagkakataon na makausap si Chiro. Hindi din naman kasi madali na makipag-usap sa kanya lalo pa't pareho kami ay may kanya-kanyang trabaho na.

I always peek my time to meet him and talk with him but the faith didn't really care about me.

Parang gusto pa yatang kalimutan ko na si Chiro.

Bumuntong hininga nalang ako ng pumasok ang Sekretarya ko sa Opisina ko.

Hindi ako nag-angat ng tingin dito at nakatuon lang sa Laptop ang paningin ko habang patuloy na nag-tatype dito.

"Doktora may bisita po kayo."

Itinigil ko ang pag-tatype at tiningnan ito.

"Who?"

"Nasa labas po siya." Sagot nito.

"Papasokin mo."

Tumango lang ito at agad na ding lumabas. Ibinalik ko naman ang paningin ko sa Laptop at nag-type ulit dito.

Nang marinig kong bumukas ang pinto ay agad akong nag-angat ng tingin dito.

Agad na kumunot ang noo ko sa nakita. Pumasok kasi ang isang lalaki na may suot na Puting Polo na bukas ang ilang butones sa itaas at naka-tuck in sa Itim niyang pants. Mas lalo pang kumunot ang noo ko nang makita ang kulay kastanyo niyang mga mata, ang matangos na ilong, magandang hugis ng labi, isa lang ang masasabi ko. Ang gwapo niya.

Parang nakita ko na siya. Saan nga ba? Hindi ko maalala pero napaka-pamilyar niya.

Mas lalo itong gumwapo ng masuyo itong ngumiti sa akin. Agad akong tumayo at inayos ang Doctor's Robe ko at inaya siya sa Couch at pinaupo dito.

"Hi. I'm Huxley Foster and I am the owner of Crystal Diamond Cruise Ship." Pagpapakilala niya habang inabot sakin ang kamay niya.

Crystal Diamond Cruise Ship? Ito yung Cruise Ship na naglalayag sa buong mundo at sobrang laki nito. I never been there but i heard about it when I'm here back at the Philippines.

Kaya naman pala Pamilyar siya sakin dahil nakita ko na siya sa mga Magazine.

Palaging naririnig ko ang pangalan ng Cruise Ship na yun. Hindi dahil sa ganda ng Pangalan nito kundi sa quality ng Barko. Halos mayayaman lang din ang mga nakakasakay dito.

"Doktora Vanishon. I heard a lot about your Cruise Ship, Sir. But what i can do for you?" Wika ko habang nakikipagkamay sa kanya.

Natawa naman siya sa inasta ko and i don't mind. If ever na nasa trabaho ako, Relatives man o hindi never akong magtatrato sayo na parang tropa ko. I always act professional when it comes to my Work.

Ayaw kong masira ang pangalan ko lalo pa't pinangarap ko at minahal ko ang career na 'to.

"You're so exited. Aren't you?" Natatawa nitong wika. I just smiled and shrugged my shoulder.

"I don't think so. I have a lot of work to do."

"Oh, i see. Uhm. I just want to invite you." Sagot niya.

Kumunot ang noo ko. Expect ko pa naman na magpapa-check up siya or di kaya ay magtatanong about sa health niya.

I didn't expect na iimbitahin niya ako. After all, ngayon ko lang siya nakilala. Weird.

"For the sake of us, Sir. May i remind you that we're not that close to invite me. I don't even know you, just your name only. But, can you tell me the reason, why would you want me to invite to your," Putol ko sa sinasabi ko.

Warm Embrace (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon