Zhannarah
Napalingon ako agad sa kurtina ng may tumabig nito. Iniluwal pala nito si Chiro na may mga bandaid na ang mga pasa at sugat niya sa katawan at mukha.
Narinig kong tumawa si Hux na hindi man lang sinabi sakin na kaibigan pala siya ni Chiro. Hindi din sinabi sakin ni Chiro na may kaibigan pala siyang Hux ang pangalan. Magkaibigan nga talaga sila. Parehong abnoy.
Nilingon ko si Hux nang magpaalam siya sakin na aalis na daw. Tinanguan ko lang siya habang tinapik naman niya sa balikat si Chiro na ang sama ng tingin sa kanya.
Natawa nalang ako ng makatalikod na si Hux ay pabirong inambaan pa ito ng suntok ni Chiro. Isip-bata talaga.
"Kamusta nang braso mo?" Tanong niya ng lumapit siya sakin. Nilingon ko naman ang braso ko at ibinalik ulit ang tingin sa kanya.
"Konektado parin sa katawan ko." Sagot ko na ikinasama ng tingin niya sakin. Natawa lang din ako.
Bumuntong hininga ako at hinawakan ang isang kamay niya na nasa handle ng kama.
"Thank you for trusting me." Wika ko habang nakatingin ng mataman sa kanya. Matiim din naman siyang tumingin sakin at tsaka bumuntong hininga.
Ipinatong niya ang isang kamay niya sa kamay kong nakahawak sa kamay niya.
"Sinabi mong magtiwala ako sayo. Sinunod ko lang yung sinabi mo." Seryosong wika niya. Ngumiti lang ako.
"Yeah. Kaya nga nagpapasalamat ako kasi i know you for being a hard headed person. I didn't expect that you obey my words."
"I love you, Zhannarah. That's why when you said that i need to trust you, i mean it. I trust you. Alam ko namang hindi mo ako hahayaang mapahamak, though nakakabakla man sabihin pero palaging ikaw nalang yung nagliligtas sa akin." Nakakunot ang noong sabi niya habang nakatingin sa kamay naming dalawa. Natawa naman ako.
"It doesn't matter kung sino ang magliligtas o ang ililigtas. As long as ligtas tayong dalawa." Sagot ko habang may ngiti sa mga labi. Hindi naman kasi kailangan ang kasarian para magligtas o iligtas.
Mapababae man o lalaki parehong kailangan ang mga ito ng magliligtas at ililigtas sila. We both know that hindi lahat kailangan nating iligtas, hindi din lahat kailangan magligtas. You need to know the credibility too that both 'iligtas and magligtas' is needed when you're in danger.
"I love you..."
"Love you more..." sagot ko at mahigpit na niyakap siya. Niyakap din naman niya ako.
Ilang sandali pa ay bumitiw na kami sa isa't isa. Kumunot ang noo ko ng mapansing parang may gusto siyang itanong sakin.
"May itatanong ka yata."
"Y-Yeah..." Nagdadalawang isip na sagot niya.
"Ano yun?"
"I just want to ask if why Tito Redg, your father did that." Sabi niya. Napabuntong hininga naman ako.
Sasabihin ko ba sa kanya? Sasabihin ko bang hindi ko talaga tunay na Ama si Redg at ito ang pumatay sa buong pamilya niya? Paano kung magalit siya?
I mean, normal lang naman na magalit siya patayin ba naman ang pamilya mo ng walang kalaban-laban diba? Ang akin lang baka dahil sa galit niya mapahamak siya.
Ayaw kong mangyari yun. Maybe hindi ko na muna sasabihin sa kanyang ito ang pumatay sa Pamilya niya. Ilalagay ko na muna sa kulungan ang taong yun.
"He's not my dad. He's not my real Dad." Sagot ko habang mataman na nakatingin sa kanya. Nakita kong kumunot ang noo niya.
"Naalala mo yung sinabi ko sayong hindi ako nagtitiwala sa kanya? Na parang may tinatago siya sa ilalim ng manggas niya? Naalala mo yun? Nung nasa mall tayo?"
BINABASA MO ANG
Warm Embrace (COMPLETED)
RomanceVANISHON SERIES #1 Si Zhannarah ang babaeng palaging centro ng tuksuan palaging siya ang nakikita ng lahat para kutyain at asarin dahil sa katawan na mayroon siya. Pero ang hindi nila alam si Zhannarah ang isang babaeng kayang-kaya silang patumbahin...