15

186 6 1
                                    

Zhannarah

Masaya diba pagbuo yung pamilya mo? Pero paano kung buo lang kayo pero hindi kayo masaya? Anong gagawin mo?

1 week later nang magpakita samin ang matandang lalaking nag ngangalang Rancorous Sanadello.

1 week later nang marami ang nangyari sa loob ng pamamahay namin. Isa lang ang tumatakbo sa isip ko patungkol sa pamilya ko. Magulo.

Yes. Sobrang gulo. Hindi mo alam kung sino yung kakampi mo, hindi mo alam kung sino yung kalaban mo.

Lahat magulo. Simula't sapol sobra nang gulo. Simula nang nagpakilala samin si Zedd bilang pinsan ko at pamangkin ni Mama.

Nung mas naging malayo ang loob ko sa Mama ko, at muntik pang ikawala ko sa mundo.

Ang pagpapakilala ni Redg Sanadello bilang Papa ko. Ang pagpapakita nang Lolo ko na nag ngangalang Rancorous Sanadello at ang pagpapakilala bilang kakambal ko na si Zirleanah.

Napakagulo. Hindi ko alam kung ano yung unang iisipin ko. Hindi ko alam kung ano yung unang uunahin ko. Hindi ko alam kung ano yung totoo.

"Zhannarah? Okay ka lang ba?" Narinig kong tawag sakin ni Chiro.

Nandito kami ngayon sa Mall at inaya niya akong lumabas. Pinaunlakan ko ang paanyaya niya dahil naguguluhan na ako sa pamilya ko.

Gusto ko ng eksplenasyon. Gusto ko nang katapusan. Gusto kong maayos na ang lahat. Kasi nakakapagod ng mag-isip patungkol sa Pamilyang walang balak tapusin ang mga problema.

Tumango ako at sumimsim ng Milk Tea. Kahit nandito na ako sa Mall at kasama si Chiro hindi ko parin maiwasan hindi isipin ang Pamilya ko. Bakit magulo?

"Are you sure? Kanina pa kita kinakausap looks like may bumabagabag sayo. Mind telling me?"

Nag-angat ako ng tingin sa kanya. Pag ba sasabihin ko sa kanya gagaan ang loob ko? I don't mind telling Youichiro about my freaking Family, for Pete's sake! I trust him.

Nagtitiwala ako sa mga kaibigan ko. Never kaming naglinlangan sa isa't isa. Ang akin lang baka pag-sinabi ko sa kanila ay madamay sila, mamroblema sila kung ano bang gagawin nila.

Hindi ko ugaling ipagsabi yung mga problema ko sa mga kaibigan ko, dahil alam ko namang makakadagdag problema lang ako.

But among my paniniwala. Natagpuan ko nalang ang sarili kong ikinukwento kay Chiro ang status ng Pamilya ko. Hindi ko makikitaan ang mukha niya ng kahit isang reaksyon habang nagsasalita ako. Nakikinig lang siya sakin.

After that, parang gumaan yung pakiramdam ko. Nawala yung mabigat na bagay sa puso ko. Ewan ko pero mukhang effective ang pagbahagi kay Chiro ng mga problema ko.

Ilang sandali pa siyang tahimik na para bang nag-iisip kung ano ang sasabihin. Minutes later. He spoke.

"I'm speechless..."

Tumango-tango lang ako.

"Good God. You have that kind of Family? I never thought that you have a twin."

Kumunot ang noo ko. "Seriously, Chiro? Sa dami ng sinabi ko, tumatak lang sa kukote mo ang kakambal ko?"

Ngumisi siya. "I'm just curious kung ano yung mukha niya, kasi sinabi mo kambal kayo."

"And so? Dapat ba pag-kambal magkapareha din ng mukha?"

"I never mention it."

Inirapan ko nalang siya at sumipsip ulit sa straw ng milk tea na iniinom ko.

"But seriously. Napakagulo ng Pamilya mo. Lalo pa dun sa Papa mo. Hindi mo feel na siya yung totoo mong Papa? Feel mo na may tinatago siya at may masamang balak sa inyo?" Wika niya.

Warm Embrace (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon