28

154 6 1
                                    

Zhannarah

Maaga akong nagising kaya agad akong bumangon at dumiretso sa banyo para maghilamos. Nang matapos ay agad din akong lumabas nang kwarto para bumaba sa kusina.

Nasa hagdan palang ako ay naririnig ko na ang ingay na nanggagaling sa kusina.

Nang papasok na ako sa kusina ay may nakita akong isang babae na nakasuot ng apron. At nakatalikod sa akin. Sa tingin ko ay nasa late 30's pa siya.

May dalawang bata din na tumutulong sa kanya na ihain ang mga pagkain sa malaking lamesa. Basi sa tantya ko nasa sampu ang mga edad nilang dalawa para pa ngang kambal.

May nakita din akong isang lalaki na nakasuot pa nang uniporme ng security guard. Ito siguro yung sinabi sakin ni Chiro kagabi na kasama niya dito sa bahay.

Inayos ko yung buhok ko dahil hindi padin nila ako nakikita. Nang matapos ko nang maayos yung buhok ko ay tumikhim ako.

Tumayo naman ang padre de pamilya nila at tumingin sakin.

"Good Morning po." Bati ko sa kanila at dumiretso sa water dispenser para uminom ng tubig.

Nang matapos akong uminom ay humarap ako sa kanila. Ganon padin ang itsura nila, gulat.

Nginitian ko sila at unang natauhan ay ang Ilaw ng tahanan. Hinubad niya yung apron niya at lumapit sakin.

"Sino ka?" Tanong niya sakin habang pinasadahan ako ng tingin.

"Ako po si Zhannarah." Pagpapakilala ko. Ayaw kong sabihin na kaibigan ako ni Chiro kasi hindi yun labag sa kalooban ko.

Ayaw kong tawagin siyang kaibigan at tawagin niya akong kaibigan.

Nagtaka ako nang nanlaki ang mga mata niya at pinasadahan ang buong katawan ko ng tingin. Nahiya tuloy ako. Baka ano yung itsura ko.

"I-Ikaw si Z-Zhannarah?" Nauutal na tanong niya habang nakaturo ang hintuturo sakin.

Tumango ako. "Opo."

Sasagot na sana siya ng magsalita ang isang batang babae. Babae at lalaki kasi.

"Ikaw po ba yung nasa picture na nandon sa tabi ng TV, ate?"

Ngumiti ako at tumango. "Ako nga."

"Ang ganda niyo po." Puri niya sakin. Natawa lang ako at nagpasalamat. Hindi naman na bago sakin ang ganitong pangyayari.

Tumikhim ang padre de pamilya at lumapit sakin. "Pasensya ka na sa Pamilya ko, ija. Nagulat lang talaga kami. Ako nga pala si Rolly. Ito naman ang asawa kong si Lery at itong dalawang anak namin na si Lily at Lovy."  Pagpapakilala niya sa buong pamilya niya. Tumango lang ako at nginitian sila.

Nagtaka ako nang patuloy parin na nakanganga ang batang lalaki na may pangalan na Lovy.

Ikinaway ko ang isang kamay ko at nginitian siya. "Hi, Lovy."

Sasagot na sana si Lovy nang biglang may nagsalita sa likod ko. Agad akong lumingon dito at nginitian siya.

"Oh, gising ka na pala." Wika niya. Bumati siya sakin at binati niya rin yung buong Pamilya.

Matapos ay inaya na niya akong umupo dahil kakain na. Hindi ko pa napansin na nakahain na pala ang pagkain. Inaya din ni Chiro sila Manang Lery na kumain, noong una ay ayaw pa nila kasi nga nahihiya sila sakin pero ako na mismo yung nagsabi na sumabay na sila.

Habang kumakain kami ay panay ang kwento ni Chiro patungkol sa mga bagay-bagay kaya nong tumahimik siya ay agad na sumabat si Lily.

"Ate, totoo po bang berde po ang kulay ng mga mata niyo?"

Warm Embrace (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon