36

142 6 0
                                    

Chiro

Nakaawang ang bibig kong tiningnan ang isang babae na kung tutuusin ay pakiramdam ko nasa sampung taong gulang palang na ang husay makipaglaban sa mga lalaking kaedad ko.

Nanlalaki ang mata kong nakatingin sa bawat sipa, suntok, tadyak at tulak niya sa mga ito.

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. May parte sakin na nahihiya dahil nga isang bata lang ang tumulong sakin galing sa mga barumbadong mga kalalakihan at meron ding namamangha dahil nga hindi ako makapaniwala.

Nasa edad na labing-tatlo ako at ganon din ang mga lalaking bumugbog sakin. Hindi ko sila tinatawag na bata dahil kung tutuusin pareho lang kaming mga bata pa.

Napangiwi ako ng tadyakan niya sa mukha ang isang lalaki na kukuha sana ng pamalo na kahoy at ihahampas ito sa kanya. Napaatras ang lalaki ng magsimulang dumugo ang ilong niya.

Agad na umabante siya ng may isang lalaki na naman na lumapit sa kanya at aksidenteng mahila ang may kahabaang kulot niyang buhok dahil nakalugay lang din naman ito.

Napatigil siya sa pagsipa sa natirang mga kalalakihan ng hilahin nito ang buhok niya. Hinawakan niya ng mahigpit ang buhok niya at sa pagkagulat ko namimilipit na sa sakit ang lalaking kanina may hawak ng buhok niya.

Hindi ako makagalaw. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Hindi ko alam kung tutulong ba ako o hindi na dahil sa pagkakataong tatayo ako ay nagugulat naman ako sa mga ginagawa niya.

Kaya nong matapos niyang labanan ang mga ito at tingnan ako. I immediately know that this girl was my savior and all i know was to trust her.

Natigilan ako ng may narinig akong mga putok ng baril sa gitna ng pagpikit ng mga mata ko. Samot-saring emosyon yung nararamdaman ko dahil sa mga naririnig kong putok ng baril na hindi ko alam kung saan tumatama.

May naririnig akong nasasaktan, nahihirapan. Mga tunog ng pagsipa, pagsuntok, pagkalabog ng isang tao sa malayo at ang mga putok ng baril na nakakatakot dahil pagsumemplang ay may mamatay na tao.

Pinigilan ko ang sariling wag na wag buksan ang mga mata dahil baka magsisi ako at magalit ang taong mahal ko sakin.

I trust Zhannarah when she told me to close my eyes and don't open it until she say so. I trust her for letting my eyes closed and hear those sounds that i know can caused a damage to a person.

Napangiwi ako ng may tumamang isang kahoy sa braso ko, hindi naman ito masyadong masakit pero muntik nitong mabuksan ang mga mata ko.

Titingnan ko sana ito kung ano at sino ang nagtapon nito sakin pero sa huli ay pinigilan ko parin ang sarili.

Ilang minuto pa ang lumipas ng palaging yun lang ang naririnig ko ng sa isang sandali ay tumahimik ang lahat at bigla nalang may humila sakin at sinabing buksan ko na daw ang mga mata ko.

Pagbukas ko ay agad na tumambad sakin ang mukha ni Zhannarah na wala man lang galos.

Tumatakbo kami ngayon at hindi ko alam kung saan kami patungo, hindi ko maiwasang mapatingin sa dress niyang kanina ay abot binti at ngayon ay nangyari ng parang t-shirt kaya express na express ang mahahaba at kay puputi niyang mga binti mabuti nalang at may suot siyang maliit na short kaya parang simpleng damit lang ang isinuot niya.

Agad na umiwas ako ng tingin ng matamaan ang mukha ko ng isang sanga ng puno. Nung una ay sobrang sakit pero nung maalala kong kailangan naming makaalis agad dito ay ipinagpatuloy ko ang pagtakbo.

Nilingon ni Zhannarah ang likuran namin pero hindi na ako nag-abala pang lumingon ng makita ang ekspresyon ng mukha niya, mukhang sinusundan parin kami. Saan ko ba pinarking ang kotse ko?

Warm Embrace (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon