Zhannarah
Si Chiro yung tipo nang kaibigan na hindi ka iiwan kahit magkamatayan man. Of course alam ko yun kasi sa loob ng ilang taong pagkakaibigan namin. Kahit kailan kung papipiliin siya ako o mga barkada niyang lalaki, walang pag-aalinlangang pipiliin niya ako.
I don't mind if he choose his other friends over me kasi alam ko namang hindi lang ako ang kaibigan niya. Hindi lang kami ni Rica ang tropa niya.
Isang araw ang lumipas simula ng ipagtapat sakin ni Chiro na may gusto siya sakin. Nadidismaya ako kasi sa dami ng babae dito sa mundo bakit sakin? Bakit sakin siya nagkagusto? Magkaibigan kami at never kong ipaparamdam sa kanyang mutual ang nararamdaman ko.
Nasasaktan na ako para kay Chiro dahil alam ko. Darating ang araw na masasaktan siya ng sobra dahil sakin.
Hinahanap ng mga mata ko si Chiro ng lumabas ako sa Hotel na pinanatilihan namin. Pasko ngayon at i wonder if na miss ba nila ang mga pamilya nila para lang samahan ako.
Bitbit ko sa kaliwang kamay ko ang regalong ibibigay kay Chiro. Matapos kasi ang gabing umamin siyang may gusto sakin. Palagi na siyang lumalayo sakin.
Kahit anong pilit kong lumapit sa kanya iniiba niya yung landas niya para lang hindi kami magkatagpo.
Nasa loob ng Hotel si Rica at Zedd at nagdiriwang ng pasko habang si Chiro naman ay lumabas kaya ko siya sinundan.
Nadatnan ko siyang nakaupo sa buhanginan at nakaharap sa malinaw na dagat. Hindi masyadong mailaw sa bandang kinauupuan ni Chiro kaya nahirapan akong hanapin siya.
Pero sa tulong nang liwanag ng buwan ay nakita ko siya. Malalim ang iniisip niya kaya hindi niya naramdamang lumapit ako. Umupo ako sa tabi niya at itinabi muna sa gilid ko ang regalong ibibigay ko sa kanya.
Tahimik pa ako nung una pero ilang sandali pa ay bigla siyang tumayo at aalis na sana nang hawakan ko ang kamay niya. Napatigil siya pero hindi parin bumababa ang tingin niya sa akin.
"Stay?" Sabi ko.
Narinig kong bumuntong hininga siya at umupo ulit sa tabi ko. Pareho na kami ngayon na nanonood sa mahinang hampas ng alon sa dagat.
"Baka nagdodroga ka ha?" Agad na sambit ko sa kanya sabay lingon.
Nakita kong kumuyom ang dalawang kamay niya at nasa dagat parin ang paningin. Nagbibiro lang naman ako.
"What's bothering you?" Tanong ko.
Tikom parin ang bibig niya. Bumuntong hininga ako at mas lalong tinaasan ang pasensya.
Ayaw kong maubusan ng pasensya dahil sa mga panahong kaubos-ubos ako ng pasensya hindi ako iniwanan ni Chiro at nasa tabi ko lang ito.
"Galit ka ba sakin?" Tanong ko.
Doon na siya lumingon sakin at unang nahagip ko ang nasasaktan niyang kulay asul na mga mata. Halo halo ang emosyong makikita dito. Merong nagsisisi, nasasaktan, nadidismaya at umaasa.
Bakit ka umaasa? I'm so sorry. Pero kaibigan lang ang turing ko sayo at hindi yun magbabago. Pero kung magbago man yun nagpapasalamat ako dahil alam kong tamang tao ang nagustuhan ng puso ko.
"No. I'm not mad at you." Malamig na asal niya sakin. Sobrang lamig nito.
"Then what's bothering you?"
Dahan-dahan siyang yumuko at mas lalong kinuyom ang mga kamay.
"I hate myself... I hate myself for... loving you..."
"Chiro..." pumatak ang luha ko sa hindi malaman na dahilan.
"Unang kita ko palang sayo, Zhannarah. Alam kong gusto na kita. Palagi akong sumasama sayo kahit saan ka magpunta para bantayan ka. Alam ko... Oo alam ko... Alam kong kaibigan lang ang turing mo sakin. Kaya ako galit sa sarili ko dahil patagal ng patagal minamahal kita ng minamahal." Wika niya sabay matamang tiningnan ang mga mata ko.
BINABASA MO ANG
Warm Embrace (COMPLETED)
RomansaVANISHON SERIES #1 Si Zhannarah ang babaeng palaging centro ng tuksuan palaging siya ang nakikita ng lahat para kutyain at asarin dahil sa katawan na mayroon siya. Pero ang hindi nila alam si Zhannarah ang isang babaeng kayang-kaya silang patumbahin...