Binuksan ko ang pinto at umupo sa upuan malapit sa pinto upang hubarin ang aking sapatos.
Napatingin ako sa salas nang marinig ang boses na hindi pamilyar sa 'kin. Wala akong nakita bukod sa kulay pink na bag. Sa tingin ko'y sa kusina o sa kuwarto ni Clan nanggagaling ang boses.
"Clandrea? May bisita ka ba?" tanong ko saka tumayo at naglakad palapit sa salas upang magpahinga saglit bago tuluyang pumasok sa kuwarto upang maligo.
Bumukas ang pinto ng kuwarto ni Clan at bumungad sa 'kin ang isang magandang babae na medyo mababa ang height. Mayroong manipis na kilay at mapupulang labi. Kasama siya ni Clan.
"Nand'yan ka na pala, Ate Achie! May bisita ako." masiglang bungad ni Clan at tumakbo sa gawi ko habang kapit sa kamay ang kaniyang kasama. Walang nagawa ang babae kung 'di sumunod sa kapatid ko.
"Si Mama?" tanong ko. Sanay na kasi ako na tuwing uuwi sa bahay ay si Mama agad ang hinahanap. Napairap na lang si Clan bago umiling.
"Overtime sa trabaho." sagot niya saka humarap sa kaniyang kasama at mayroong binulong dito na sila lang ang nakakaalam. "Best friend ko, Ate Achie. May project kami kaya dito siya matutulog." nakangiting aniya. Binaling ko ang aking atensyon sa katabi nya. Napatigil ako nang makita ang kaniyang suot.
Suot niya ang Favorite terno ko! Bakit suot niya 'yon? Akin 'yon, eh!
"I'm Diane Evelle po. Nice meeting you po, Ate Achie." pilit na pagpapakilala nito matapos samaan nang tingin ng magaling kong kapatid.
"..."
"Don't worry, kasi sa kuwarto ko siya matutulog 'di ba Divel?" tumango naman si Diane. Ako ay nanatiling tulala at hindi pinapansin ang kaniyang sinasabi. Nanatili ang aking paningin sa suot ni Diane. "Pasensya ka na sa Ate ko. Minsan ganiyan talaga 'yan, eh." muli n'yang ani at saka hagyang tumawa. "Okay ka lang ba?" tanong niya.
"Sure ka ba na okay lang ang Ate mo, Drea?" hindi na napigilang magtanong ng kasama ni Clan dahil hanggang ngayon ay tulala pa rin ako. "May problema ba, Ate Achie? I'm kinda worried po because you're still staring at me.."
Hinampas ako ni Clandrea sa braso kaya napabalik ako sa reyalidad na suot na ni Diane ang fav terno ko at wala na akong magagawa! Huhu.
"Ano? Okay lang ako." sagot ko. Napatawa ang kapatid ko saka naglakad patungo sa sofa at pabagsak na umupo.
"Bakit parang ginabi ka na, Ate?" tanong ng kapatid ko habang ang mga paa ay nakapatong sa maliit na lamesa sa salas. Sumunod na rin sa kaniya si Diane at umupo sa kaniyang tabi.
"Date with my boyfriend." taas-noong ani ko. Natawa ang kapatid ko kaya tinaasan ko siya ng kilay.
"Ikaw may boyfriend? Alam niya ba na boyfriend mo siya? Baka ilusyon mo lang 'yan." giit niya at muling tumawa.
"Inggit ka? Hanap ka rin!" inirapan ko siya bago tumalikod sa kanila upang magtungo sa aking kuwarto. Ngunit muli akong lumingon sa kanila, "Bakit niya suot ang terno ko?" takang tanong ko. Napatingin si Diane sa kaniyang suot na terno na pajamas.
"Hala, sa iyo po ba 'to? I thought kay Drea po 'to. But if you want I can take it off nalang po." nahihiyang aniya.
"Sorry, Ate. Sa iyo pala 'yan, akala ko sa 'kin." singit ni Clan. Umiling na lang ako upang iparating na okay lang. Nakakahiya naman kung ipapahubad ko pa sa kaniya.
"Huwag na. Ibalik mo na lang sa 'kin." sabi ko tsaka pumasok na sa aking kuwarto.
Pinatong ko ang aking string bag sa maliit na sofa at saka pumunta sa harap ng cabinet upang kumuha ng pantulog. Isang red terno na pajamas ang aking napili. Pumunta ako sa banyo at naligo na.
YOU ARE READING
Unexpectedly Falling
Teen FictionSabi nila lahat may karapatang maging masaya. We all deserve to be happy. Pero bakit ako parang hindi? Hindi ba ako kasama sa mga taong deserving? Masama ba ako sa past life ko? Kada araw dala-dala ko ang sakit ng nakaraan. Nakaraang wala pa lang ka...