CHAPTER 42

100 8 19
                                    

Sumulyap ako sa 'king kalapit matapos maramdaman ang marahang pagpisil niya sa 'king kamay.

Ang kaniyang mapungay na mata'y ngayo'y mayroong likidong namumuo. Suminghap siya ng hangin at mapaklang ngumiti, nagsusumamo.

"Ate, huwag ka na kaya tumuloy?"

Bumuntong-hininga ako at pinisil pabalik ang kaniyang kamay. Umiwas ako ng tingin upang maiwasan ang kaniyang lumuluhang mukha.

"Napag-usapan na natin 'to nila Mama, hindi ba?" paalala ko rito ngunit parang bata itong nagmaktol. Mula sa loob ng kotse, ramdam ko ang pagpadyak niya at magaslaw na galaw. Binalingan ko siya ng tingin at sinubukang pakalmahin. "Clandrea naman pinapahirapan mo si Ate.." naiiyak kong sabi. Yumuko siya sa kaniyang tuhod at nagsimula ko nang marinig ang kaniyang hikbi.

Tumingin ako sa rear-view mirror, matamis na ngumiti si Kuya David na nagpapahiwatig na ayos lang. Nakakahiya kasi na rito pa kami nagkakaganito ng kapatid ko.

Binalik ko ang paningin sa kapatid, hinagod ko ang kaniyang likuran. Umayos siya ng upo kaya hagya akong dumasig sa kinauupuan.

"Wala na kaming kasama ni Mama sa bahay.."

Kinagat ko ang sariling labi bago kumapa ng maisasagot sa kaniyang sinabi. Napag-usapan na namin ang tungkol dito noong nasa probinsya pa lang kami nila Ate at ngayong nandito na kami sa sariling bayan, biglang gusto ko na lang umatras, umayaw, at muling bawiin lahat ng sinabi ko.

Pero hindi puwede.

"Gagawin 'to ni Ate para sa sarili ko, para sa inyo, at sa kinabukasan nating lahat. Clandrea, alam kong naiintindihan mo 'ko kaya pakiusap huwag mo na akong pahirapan nang ganito.." pakiusap ko at matipid siyang tumango. Alam kong napipilitan lang siya ngunit pumayag pa rin siya. Lumapit siya sa 'kin at binigyan nang mahigpit na yakap. Yakap na mukhang matagal kong hindi mararamdaman.

"I'll miss you, Ate Achie.." bulong niya sa gitna nang mahina niyang hikbi. Mas hinigpitan ko ang yakap. Ganoon din ako, Clandrea Kane.

Humiwalay ako sa yakap. Hinawi ko ang sariling luha saka maingat na kinapitan ang magkabilang balikat ng kaharap.

"Umayos ka na, unang araw mo sa school kaya dapat presentable ang itsura mo," pinilit kong maging kaswal at pilit tinatago ang malungkot na nararamdaman sa likod nang matamis na ngiti.

Inayos niya ang kaniyang buhok, hinawi ang luhang lumalandas sa kaniyang mukha at hinila pababa ang blouse na hagyang nagusot.

Naramdaman namin ang pagtigil ng sasakyan. Nasa tapat na ba kami ng school? Tinapunan ko ng tingin si Kuya David, tumango ito. Sumilip ako sa bintana ng kotse, isang pamilyar na unibersidad ang bumungad sa akin. Malinis, malawak, bagong pahid ang pintura na naging dahilan upang umangat ang ganda, at nag-kalat na estudyante sa labas.

Muli akong tumingin kay Clan at handa na itong lumabas, hinihintay na lang nito ang hudyat kong lumabas na siya. Nang buksan ko ang pinto ng kotse kalapit ko ay ganoon din ang ginawa ni Clandrea.

Malakas na simoy ng hangin ang unang naramdaman ng katawan ko. Tinig, bulungan at tawanan ng mga estudyante ang unang narinig ng aking tenga. Hinila ko pababa ang suot kong maroon twinkle dress with inner white blouse na binagayan ko ng white chunky sneakers.

Naramdaman ko ang braso ni Clandrea na pumulupot sa braso ko. Binulong niya sa 'king maghihintay daw dito sa labas si Kuya David.

"Mauuna na ako, Ate."

Huminga ako nang malalim bago nilabas mula sa sling bag ang cell phone. Nagsimula akong magtipa ng mensahe.

Kita tayo sa likod ng gymnasium ngayon na.

Unexpectedly FallingWhere stories live. Discover now